love stories my ME!!!

welcome to my blog!
hope you enjoy reading my stories!
watch out for the other chapters that will be published here soon!

31 May 2010

EAH chapter 3

***3***

Nauntog ako sa bubong nung bigla akong tumayo. Nakakahiya talaga, tulog siya pero nahihiya pa rin ako, tumingin si Dexter sakin tapos tumawa. Ginising na rin niya si Kiel na nagising naman agad. Nagreklamo pa ngang masakit yung balikat niya tapos tumingin sakin ng masama.

“Saan mo ba tinatago yung bigat mo? Hindi na ata dumadaloy yung dugo sa braso ko eh, dinaganan mo pa.” nasa labas na kami ng van nun. Grabe naman ‘to, hindi naman ako mabigat!

“Eh bakit hindi mo ako ginising? As if namang gusto kong sumandal sayo?! Wag kang feeling ha!” naglakad na ‘ko nun papasok ng bahay nila. Ang laki nung bahay, mansyon na ata yun eh. Nahuli kaming dalawa sa paglakad kaya kami na lang din yung nagusap.

“Hindi ako feeling! Hindi kita ginising kasi alam kong maaga kang nagising kanina. Tsaka…” he trailed off.

“Tsaka ano?” naiirita na yung itsura ko nun. Pa-suspense pa kasi eh!

“…tsaka, gusto ko naman kaya ok lang!” tapos tumakbo na siya papasok ng bahay. Ano daw? Hindi ko nagets! Ano daw gusto niya?

Iniwan nya ‘ko mag-isa dun. Ngayon, paano ko malalaman kung nasaan sila? Naglakad na ‘ko papasok ng bahay. Mas mukha ‘tong resort kesa bahay. Walang tao sa living room, baka umakyat sila sa kwarto. Inilapag ko muna yung gamit na dala ko dun sa couch, tapos hinanap ko na sila. May lalaki akong nakita na pumasok sa kitchen kaya sinundan ko siya. Nawawala na rin naman ako eh, edi magtatanong na ako para mahanap ko na sila Dexter.

Nung pumasok yung lalaki dun sa pinto, hunminto muna ako para silipin dun sa bintana sa gilid kung anong itsura sa loob. And guess what made me stunned? Parang kitchen sa restaurant! Yung tipong sa five star hotels mo lang makikita. Ako nga, dun lang sa sikat na koreanovela ako nakakita ng ganito kagarang kusina. Yung loob, maraming station, tapos puro stainless pa ata tsaka silver yung gamit sa loob. Ang pinagkaiba lang siguro nun sa pang five star hotel na kusina eh, walang tao bukod dun sa lalaking pumasok kanina.

“Pumasok ka kung papasok ka, bawal tumambay sa hallway.” Nakatalikod pa siya habang nagsasalita.

Pumasok naman ako. Ako ba yung kausap niya? Lumingon ako, baka kasi may kausap siya na nasa likod ko, tapos tumingin ako ulit sa kanya. Nakaharap na siya nun, may hawak siyang baso tska kutsara, may hinahalo siya dun sa baso. Magkasalubong yung kilay niya tapos bigla na lang siyang sumigaw tapos nahulog yung basong hawak niya. Nagulat naman ko kaya lumingon ako, wala namang tao, humarap ako sa kanya, namumutla yung mukha niya, parang nakakita ng multo.

“ah…eh…kuya, ok ka lang?” sinubukan kong lumapit pero tulala pa rin siya sakin. Ang weird na nito ah, sintu-sinto ba ‘to o ano? Mukha na naman b akong zombie kaya gnito ‘to?

Siguro mga 3 minutes pa kaming nakatayo dun, bago siya natauhan. Tinitigan niya ko, as in yung parang minumukhaan niya ‘ko. Then inikot niya yung index finger niya na parang pinapaikot ako. Ako namang utu-uto umikot nga, nung naka-ikot na ‘ko, ngumiti sya. Adik? Ewan.

“Sorry miss, akala ko kilala kita, hindi pala, sobrang kamukha mo lang.” sabi naman niya. Lumapit siya sa cabinet sa gilid tapos naglabas siya ng walis tsaka dustpan, ayun, winalis yung nabasag na baso. Kakaiba din mag-akala ‘tong lalaking ‘to eh no? Killer ba yung kamukha ko para mapasigaw siya ng ganun?

Lumapit ako ulit sa kanya tapos tinapik ko siya. “Umm…kuya…” sabi ko, ano bang dapat kong itawag sa kanya? Bata pa naman siya kaso halatang mas matanda siya sakin ng mga 3 or 4 years. Lumingon siya tapos ngumiti. “yes?” sabi niya.

“Umm… kasi, nawawala ata ako, nauna na kasi yung mga kasama kong pumasok dito. Kaya hindi ko alam kung saan ako pupunta. Saan ba ko pwedeng magtanong?” Humarap na siya sakin tapos nakangiti pa rin siya.

“Kasama ka ba nila Tito Eric? Ako nga pala si Earl, anak ako ng kapatid ni Tito Eric, pinsan ako ni Kiel.” Sabi niya.

Nagpakilala naman ako, sabi ko ako si Ej, kasama ko yung dalawa kong kapatid at dito kami titira for the whole summer. Tinanong naman niya kung ano yung meaning ng Ej.

“Eah Joy Mendoza yung whole name ko.” Nung sinabi ko yun sa kanya, namutla siya ulit. Ano bang meron dito sa lalaking to at parang lagi na lang namumutla? Natauhan na ata siya ulit tapos napakamot ng ulo. Habit ba nila talaga ng pamilya nila yung pagkamot ng ulo?

“Ej, anong pangalan ng kapatid mo, dalawa sila diba? Mas bata ba sayo o mas matanda?” Ang dami namang tanong.

“Pareho silang mas matanda sakin, kambal sila, Marion Dexter, tsaka Merri Claire—“ hindi pa ko tapos tumawa na siya. Eh? Bakit na naman? Kanina lang namumutla siya, tapos ngayon tawa na siya ng tawa. Tinanong ko siya kung anong nakakatawa tapos ang sabi niya, “I know them. Kaya pala napagkamalan kita yung ate mo, sobrang kamukha mo siya.” Sabi niya.

Pagkatapos nun, sinamahan na niya ako kung saan ko pwedeng makita sila Dexter. Lumabas kami doon sa glass door na katapat ng living room na mukhang lobby, then paglabas namin. Napahinto ako, sabi ko na nga ba eh! Hindi lang ‘to basta basta bahay o mansyon eh… It’s a beach resort!

“Welcome to Keila Resort! Yung pinanggalingan natin kanina, yun ang Main House. Doon kami nakatira ni Mommy, at doon din kayo titira, pero dito ko nakitang lumabas sila Kiel kanina, mags-swimming na ata sila.” Sabi niya, ganun ba? Eh sa dami ng tao dito, paano ko sila hahanapin? Nabasa ata niya yung expression ng mukha ko, ngumiti siya tapos umakbay sakin.

“Don’t worry Ej, tutulungan kita maghanap, madali lang yun, tatawagan lang natin si Felix, malamang naman kasama niya si Kiel.” Yun yung sabi niya, tapos kinuha niya yung phone niya sa bulsa niya, nag-dial siya tapos nilagay niya sa tenga niya yung phone.

Earl: “Lix, where’s Zik?” naka loud speaker ata kaya narinig ko yung sinasabi nung Felix

Felix: “He’s here, at the usual. He brought your girl. Oopps, ex-girl.” Hindi ko nagegets ah.

E: “Yeah, I already knew that she’s here, and what is with him? He brought her there? Give the freakin’ phone to Zik!” sumisigaw na siya nun. Sino si Zik?

F: “hey, hey, chill bro, Imma give him the freakin phone, doesn’t have to be that touchy.” English speaking ba talaga to? After that, narinig ko na yung familiar voice ni Kiel.

Kiel: “Hey Earl, ano na naman?” naiinis yung tono ng boses niya. Siya si Zik? Bakit Zik?

E: “Hoy Exekiel Alcantara! As I remember, maraming beses ko nang sinabi sayo na hindi iniiwan ang babae, asan ka? Bakit mo iniwan si Ej dito sa bahay? Eh kung wala ako dito? Saan pupulutin tong magandan dilag na’to?”

K: “Kasama mo si Ej? Kanina ko pa kaya siya hinahanap, nung tumakbo ako, iniwan ko lang sa kwarto yung gamit ko, tapos, nakita ko na lang yung gamit niya sa lobby, wala na siya. Saan daw ba siya nagpunta?” Tumingin si Earl sakin nun tapos tumawa siya.

E: “Hindi nga Bro? Sorry, kasama ko siya sa kitchen, nawawala kasi siya eh. Sige papunta na kami dyan.” Nagsimula na kaming maglakad nun papunta sa beach. Kausap lang niya si Kiel, pero naka-headset na siya kaya hindi ko na narinig yung iba nilang pinagusapan.

After five minutes, nakarating kami sa East side ng beach na walang tao. As in wala talagang tao, bukod dun sa apat na figures sa malayo na nakaupo sa batuhan. Nung palapit na kami, nakita ko na kung sinu-sino yung mga yun. Sila Dexter, Claire, Kiel at isa pang mistisong lalaking ka-edad ko ata. Siya siguro si Felix. Nakita na ako ni Claire, tapos kumaway siya, kaso napatigil siya nung nakita niya si Earl. Parang naulit yung nangyari kay Earl kanina. Sabay pa silang natulala at namutla ngayon. Ano bang meron sa dalawang ‘to?

Tumakbo si Dexter sa direksyon namin. The next thing I knew, nagre-wrestling na sila ni Earl. Pero tumatawa naman sila kaya hindi ako kinabahan. Lumapit si Kiel sakin tapos inabutan ako ng supot ng butter cookies. May nakalagay na card, nung binasa ko yung nakasulat, “Sorry…” lang nakalagay. Eh bakit siya nagsosorry?

“Bakit ka nagso-sorry kung wala kang kasalanan?” sabi ko. Tapos di na niya ako pinansin. Ano kaya yun?

Bumalik na siya dun sa batuhan, si Claire naman, tulala pa rin pero kinakausap siya ni Felix. Inaaliw ata siya. Yung dalawang nag wrestling, tumayo na. Sila na lang yung tinignan ko, naguguluhan na ako eh.

“Sabi ko na nga ba makikita kita ngayon dude eh, akala ko tataguan mo kami ni Claire, and yet, you’re here! Macho at buhay na buhay!” sabi ni Dexter. Magkaakbay na sila. Oohh, bad romance.

Tumingin sakin si Earl tapos tumawa siya. “Akala ko nga si Ej si Claire eh, kaso narealize kong masyado siyang bata to be Claire. Haha. Kamukhang kamukha niya si Claire three years ago.” Tumingin siya sakin, ngumiti, tumingin kay Claire, yumuko, nag b-blush ba siya?

Nakaupo na kami sa batuhan nun, kaya naghanap na ako ng chance para tanungin si Kiel kung ano ni Claire si Earl. Umupo ako sa tabi niya, mag gagabi na, almost sunset. Nagulat ako nung bigla siyang nagkwento ng hindi ko naman tinatanong.

“It was three years ago, nung may dumating dito na dalawang teen ager na kasama ni Tito Eric. Bata pa ako nun, kaya hindi pa ‘ko masyadong nakikihalubilo sa kanila. Felix and I have a daily routine na magswim race mula dito hanggang sa kabilang beach.

12 lang ako nun 11 naman si Felix kaya wala pa kaming alam about love. Pero after a week, kami mismo, we saw what love is. Earl was 15 that time. And the two teens that I was talking about are Dexter and Claire. Unang linggo pa lang nila dito, close na sila Dexter at Earl. Lagi silang naglalaro ng basketball sa court, kami ni Felix nanonood lang. Oh, before I forget, pinsan namin ni Earl si Felix, anak siya ni…Tita Emma, yung kapatid ni Daddy na pabalikbalik ng States. Kaya siya English spokening dollar. Ang Mommy naman ni Earl, si Tita Bea, siya yung may ari ng buong resort.

Well anyway. Dahil nga magpipinsan naman kami, samin ikinu-kwento ni Earl yung love story nila ni Claire.” Tumingin siya sakin tapos ngumiti lang. Ok, alam ko na kung bakit sila ganun ka-ilang sa isa’t isa.

“What happened? Bakit bigla na lang silang nagkailangan?” tanong ko. Medyo malayo saamin sila Dexter pero naririnig kami ni Felix. Tumabi siya sakin tapos ngumiti, siya yung sumagot sa tanong ko.

“One day, Dexter got hit by a car. I bet you know that, but there’s the made-up story and the real story. The made-up story is that, a drunk customer drove at the wrong side of the road. No one filed a case or anything. Coz the real story is way much complicated than that.

We, me and Zik, was playing at the beach that night. We saw what happened; Earl broke up with Claire two days before his birthday. It’s because he thought he’s not yet ready for a serious relationship. Claire was in pain, emotionally. And Dexter, as her twin brother, confronted Earl to get the real story since Claire never told anyone what really happened. Just like her, Earl didn’t tell anyone why they broke up, there’s only me and Zik who knew the story. Dexter hated Earl for the longest week I’ve ever had. No one’s planning to talk to the two guys, that’s why we all got shocked when we saw them together at the beach. We thought they’re best buds again, but the next thing we knew, Dexter punched Earl. And Earl didn’t defend his self. He just let Dex kick his ass that way. I wanted to defend my cousin but this guy here told me to back off. I guess he has the widest understanding among us. Dexter run away that day and didn’t came back. We searched for him until nightfall and Zik saw him at the beach, covered with blood. That’s my part of the story, Zik’s the best story teller for the rest.” Tumingin ako kay Kiel tapos huminga siya ng malalim.

“So, yun nga, nakita ko si Dexter sa beach, pero hindi pa siya duguan nun. Nandito siya sa batuhan, after niya i-kwento sakin yung nangyari, dumating si Claire, tapos nalaman na din pala ni Claire yung nangyari kaya nagulat ako nung sinampal niya si Dexter. Tumingin siya sa kalsada tapos tumakbo si Dexter pero may rumaragasang sasakyan at the wrong side of the road. That was the time that he got hit by a car.”

“so totoo yung story na lasing yung nakasagasa sa kanya?” tanong ko naman. Eh pinahaba lang pala nila eh. Pero nagulat ako sa sagot niya.

“Yeah. Pero hindi siya yung masasagasaan nun. He saved Earl kasi nakatayo siya sa tapat nung sasakyan. Magpapasagasa sana siya kaso hindi niya natuloy kasi tinulak siya ni Dexter. And your brother got hit.”

“Bakit niya ginawa yun?” hindi naman porket kaibigan niya, siya na yung magpapakabayani. Nagulat ako sa sagot ni Kiel.

“Because of what he knew about Earl’s step father.” Ngumiti siya nung lumapit si Dexter sa amin.

“Hindi ko hahayaang mapahamak yung lalaking mahal ng kambal ko. At hindi ko hahayaang masagasaan ang soon to be step bro ko.” Ngumiti siya tapos tinawag na siya ni Earl. Natulala na lang ako. Ano daw?!

25 May 2010

EAH chapter 2

***2***

I swear, kung hindi ko lang nanay ‘to, kanina ko pa siya binatukan. Imposible naman kasing maging kami nitong lalaking ‘to. Una, hindi kami close, pangalawa, imposibleng magustuhan niya ko. Oo nga’t pareho kami ng mga gusto, but it doesn’t mean na BAGAY na kami.

Umalis si Mommy kasi may phone call from Boracay. Emergency ata. Kami namang dalawa, natahimik lang. Ewan ko ba, ang weird ng nararamdaman ko, nahihiya na natutuwa na nalulungkot.
Nahihiya, kasi nga sinabihan kami ni Mommy na bagay kaming dalawa. Natutuwa, kasi in some ways, I really like him. And nalulugkot, kasi imposibleng magustuhan niya rin ako.

Naligo na ‘ko para makaalis na kami ng maaga. Pagkatapos ng mga seremonyas ko sa bathroom, palabas na sana ako kaso nakita ko si Mommy at Tito Eric sa tapat ng pinto. Sumilip lang ako dun sa gilid ng pinto para di nila ako makita. Ayoko namang lumabas ng naka-towel lang. Naririnig ko silang nag-uusap about sa destination namin.

“Sorry talaga Eric, biglaan eh…Hindi ko alam kung anong gagawin ko dun sa mga anak ko… Wala ka bang ka-kilala sa Batanggas na pwedeng niyong tirahan?” sabi ni Mommy.

Magkadikit pa yung palad niya na parang nagmamakaawa talaga. Napakamot ng ulo si Tito Eric. Mannerism na nilang magtatay yun. Tumingin siya sa ceiling then kay Mommy.

“Meron, kaso… I’m not sure kung papayag si Kiel…tsaka…”
Nagulat na lang ako nung tumingin siya sa direksyon ko tapos ngumiti.
“Baka i-reto niya kung kani-kanino yung anak mo.” Sabi niya.

Ako ba yung sinasabi niya? Pero hindi ba sila lang ang magba-Batanggas? Kami sa Bora. Baka si Claire ang tinutukoy niya. Tama! Si Claire yun…hindi ako, so no need to worry. Bakit ba kasi sila magba-Batanggas? Akala ko ba ayaw nila umalis? Tsaka bakit magagalit si Kiel? Diba nga Bora kami pupunta? Hayy…ang gulo nitong matatandang ‘to. Tsaka sino ba yung tinutukoy ni Tito Eric? Nabasa niya ata yung iniisip ko, bigla ba namang sinagot yung isa sa mga tanong ko.

“Si Bea. Yung kapatid ko, nakatira siya sa Batanggas. Ayaw ni Kiel na nagpupunta dun pero wala naman siyang magagawa kung kasama ako.”

So sister pala niya yung nasa Batanggas. Ano ba kasing meron sa Batanggas? Lumakad na sila mommy pababa ng hagdan kaya ako naman, lumabas na ng bathroom. Nakatingin ako sa kanila habang naglalakad papunta sa kwarto nung bigla akong mabangga. Palabas pala siya ng kwarto niya nun. Nahawakan naman niya ako sa balikat kaya hindi ako natumba…buti na lang…kaso…nakita pa rin niya akong naka-towel lang kaya napa-sigaw ako.

“Whoa! Whoa! Shut up!” sabi niya, nagulat din siya eh.

Tinakpan niya ng kamay niya yung bibig ko tapos hinatak niya ‘ko sa room niya. Nakita ko pang lumingon sila Mommy pero hindi nila ako nakita. Oh my God! Iligtas niyo ako dito! Hawak pa rin niya yung bibig ko tapos may kinuha siya na something na color blue. Binalot niya sakin, bath robe pala niya. Mukha tuloy akong lumpiang color blue.

Tinitigan niya ako sa mata. Seryosong seryoso pa siya, ako naman naiiyak na ata. Ayoko kasing may nakakakita sakin pag naka-towel lang ako, lalo na kapag lalaki, maiiyak talaga ako. Kahit nga si Dexter hindi pa ako nakikitang ganito, tapos siya? Siya na kahapon ko lang nakilala? Hindi naman masamang mahiya diba? Sinabi niya ulit yung sinabi niya kaninang madaling araw.

“wag kang sisigaw! Mamaya isipin pa nilang may ginagawa ako sayong kung ano, tatanggalin ko na yung kamay ko, wag kang sisigaw!”

Tumango na lang ako tapos tumalikod agad nung tinanggal niya yung kamay niya. Napansin niya atang naiiyak na ako kaya nataranta siya.

“So-sorry, kasi naman hindi ka nakatingin sa dinadaanan mo, nabangga tuloy kita, wag kang magalala, wala naman akong nakita eh” kumakamot pa siya sa ulo niya habang nagsasalita.

Nakaharap ako sa salamin kaya nakikita ko pa rin siya. Nakatingin siya sa pinto tapos namumula yung mukha niy. Nagbu-blush ba siya? Ewan. Basta ako namumula na talaga yung mga mata ko. Kanina ko pa pinipigil yung pag-iyak ko.

Binuksan niya yung pinto para sakin. Then pumunta siya sa kama niya na hindi halatang kama sa sobrang dami ng damit na naka-kalat. Ngayon ko lang napansin kung gaano kakalat nung kwarto niya. May mga CD sa table, mga sapatos na nakahilera sa sahig, mga can ng coke, at sangkatutak na damit at bag na nasa kama niya. Ano to? Dadalin niya lahat? OA din ‘tong lalaking to eh, hindi naman sila forever na titira dito.

“Anong mas maganda suotin? Itong sleeveless na black o itong blue na may collar?” hindi siya nakatingin sakin habang nagtatanong. Hindi ko na lang siya sinagot, narinig ko kasing tumutugtog yung favorite song ko sa iphone niya. When I look at You.

Tinanong niya ulit ako tapos nung napansin niyang hindi ako nakikinig, nainis na ata siya. Sabi ba naman niya, “Pakisara na lang yung pinto pag naisipan mo nang lumabas at magbihis.”

Bigla akong natauhan sa sinabi niya. Oo nga pala! Suot ko pa rin yung bathrobe niya! Back to reality tuloy ako bigla. Tumakbo na ako palabas pero nung isasara ko na yung pinto, “Balik ka pag bihis ka na, may papakita ako sayo!” Tapos sinara ko na yung pinto.

After five minutes, naka-bathrobe pa rin ako. Pinagco-compare ko yung black na razor back tsaka blue dress. It’s summer, kaya maganda tignan yung dress, kaso ang init init naman. Mas comfortable din siguro kung naka-capri ako kesa naka-dress. “teka, ganito ba ka-big deal kung anong isusuot ko?” sabi ko sa sarili ko, natawa na lang ako kasi kinakausap ko na yung sarili ko. Nababaliw na nga siguro ako. Ibinalik ko na sa closet yung dress tapos sinuot ko na yung razor back at capri pants ko. Naka-braid yung buhok ko at nakaharap na ako sa salamin. I smiled. Mukha na naman akong galing ng “Tomb Raider”.

Siguro mga ten minutes pa bago ko naisipang kumatok sa kwarto ni Kiel. Pagkabukas niya ng kwarto niya nagtitigan lang kami, tapos sabay pa kaming tumawa kasi we matched. I wish I’ve worn my blue dress. He’s wearing a black cut-off sleeves at white na walking shorts. Nung tapos na kami tumawa, pinapasok na niya ako. Actually, wala namang nakakatawa dun, coincidence lang talaga, kaso parang feel ko tumawa ng malakas nung tumawa siya.

“Seriously Ej, are you trying to impersonate Angelina Jolie? Coz it’s perfect” sabi niya. Really? Tumawa na lang ako ulit. Hindi ko naman alam kung anong dapat kong sabihin. I’m not trying to impersonate anyone, nagkataon lang na naging kamukha ko si Angelina Jolie nung gumanap siya sa Tomb Raider. Umupo lang ako sa couch niya at hindi ko na pinatulan yung pangaasar niya. Nagulat talaga ako nung inilibot ko yung mata ko. Parang kanina lang ang gulo ng kwarto niya ah? Ngayon, mas malinis at mas organized pa kesa sa kwarto ko. Yung pile ng CDs kanina sa table, maayos nang nakasort. May dalawang box na nasa table, yung isa may label na “BATANGGAS” yung isa naman “BAHAY”. Hindi ko nagets. Ano yun, yung isang box dadalin niya sa Batanggas yung isa iiwan niya sa bahay? Ganun ba yun? Naguguluhan na rin ako kasi bakit ba may nasamang “Batanggas” sa scene?

“Ei, you like music right? How many songs do you have in your iPhone?” tanong ko.

Tumingin siya sakin, tapos hinagis niya sakin yung iPhone niya. Nung tinignan ko yung folder, muntik ko pang mahulog yung phone niya. 1867 songs? At organized lahat.

“Paano ka nakahanap ng ganito karaming kanta? Yung iPhone ko nga 100+ lang ata yung kanta.” Sabi ko. Natawa lang siya, sabi niya ganun daw talaga kapag music lover ka. Sinubukan kong hanapin yung kanta na pinapakinggan niya kanina. Naging favorite ko yun kasi ang ganda talaga nung message nung kanta. Kaso sa dami niyang kanta dito, pano ko naman mahahanap? Kanina pa ‘ko pindot ng pindot, hindi ko pa rin mahanap. Tinignan naman niya ‘ko nun, napansin siguro niyang naiignorante na ‘ko sa phone niya.

“Need help? Anong kanta ba gusto mo pakinggan?” Kinuha niya yung iPhone, tatlong beses lang ata siya pumindot tapos narinig ko nang tumugtog yung “When I look at You”.

“Pano mo nalaman kung anong kanta? And how did you do that so fast?” clueless talaga ako. Nilagay niya sa table yung phone, tapos bumalik na siya sa pagaayos ng bag. Kanina pa siya dun, bakit ba nya ‘ko pinapunta dito? Ano bang ipapakita niya?

Natapos na yung kanta, tapos natawa ako dun sa sumunod na song. Beethoven? From Miley Cyrus to this? It’s not even a song, it’s a symphony. Napalingon siya nung tumawa ako. Magkasalubong na naman yung kilay niya.

“Classical music is one of my favorites” sabi niya. Hindi na ‘ko nakatawa ulit kasi biglang may kumatok. Mas malapit ako sa pinto kaya ako nagbukas. Nagulat pa si Tito Eric nung nakita niya ‘ko.

“Ow, hi Ej, andyan ka pala, sakto, aalis na tayo. Ok na ba lahat ng dadalin niyo?” sabi niya.

Naco-confuse na talaga ako, aalis na KAMI? Means kasama siya? May kinalaman siguro ito dun sa narinig ko kanina sa labas ng CR. Nagexcuse ako napupunta ng ako ng kwarto, pagpasok ko, andun si Dexter, inilalabas yung bags ko.

“Oi! Nandyan ka lang pala, tulungan mo nga akong ilabas ‘yang mga bag mo, anong oras na tumatambay ka pa sa ibang kwarto.” Badtrip ata siya.

“Dex, kasama ka rin ba?” tanong ko, naguguluhan na talaga ako, ano ba to? Joke? Tinitigan niya ko na parang ‘seryoso-ba-tong-babaeng-to?’ “Hindi mo pa rin ba alam? Sa Batanggas tayong lahat ngayong summer. Si Mommy na lang ang magbo-boracay. Hindi kasi siya pinayagan na magsama sa trabaho, so since hindi tayo kayang bantayan ni Tito Eric mag-isa, magpapatulong siya sa kapatid niya na nasa Batanggas. Aalis na tayo kaya bilisan mo.”

Ganun pala yung nangyari. At least mas malinaw na ngayon. Kaming tatlo, titira sa bahay nila Tito Eric sa Batanggas habang nasa Boracay si Mommy, kasama namin sila Kiel. Did I get it right?

Lumabas na kami ng kwarto bitbit yung bags ko. Ang dami din pala ng dadalin ko, kahit di nagrereklamo si Dexter alam kong naiirita na yan. Kasalanan ko bang maging maarte sa damit? Ipinasok na namin lahat ng gamit sa van ni Tito Eric, tapos pumasok na ako sa loob. Naglalabas pa rin ng mga gamit si Claire nung lumabas si Kiel, isang bag na lang yung ipinasok niya sa van tapos pumasok na din siya sa loob ng kotse. Ako pa lang yung tao dun kaya tumabi siya sakin. Bakit ba napaka-FC nitong taong ‘to? Hindi pa naman kami close friends, right? Gusto ko namang maging close kami, kaso medyo hindi pa ata mangyayari yun. Ang weird niya eh, minsan mabait, minsan masungit… weird guy talaga siya.

“Hindi mo nga pala napakita yung dapat ipapakita mo sana kanina, ano ba yun?” Humarap ako kay Kiel, humarap din siya sakin, tapos may nilabas siya sa pocket niya. Yung phone niya, anong meron dun? Inabot niya sakin tapos tinignan ko. Eh? Yung wallpaper niya…paano niya to nakuha ng hindi ko napapansin? Picture naming dalawa yung nasa wallpaper niya. Nung madaling araw ata yun na kumakain kami ng butter cookies. Magkatabi kami tapos parehong may hawak na coke, tapos nakangiti kami pareho. Ang cute nung picture! Gusto kong ipapasa kaso nahiya naman ako. Bakit kailangang gawing wallpaper? Adik?

“Si Dexter kumuha niyan kaninang madaling araw, buburahin ko sana kasi ipinasa niya sa phone ko, kaso nung nakita kong cute hindi ko na binura.” Nagte-text siya habang nagsasalita. Hindi na ‘ko sumagot nun. Hinintay namin silang lahat na makapasok sa loob ng van bago kami nagusap ulit. Pero puro tungkol lang sa music. Music lover din naman ako, pero hindi lahat ng genre pinapakinggan ko, ayoko nga ng rap eh.

Matagal yung byahe, inaantok na nga ako eh, buti na lang katabi ko yung bintana, at least may masasandalan ako, ayoko namang sumandal sa balikat niya. Sumandal lang ako, tapos knock out na agad. Narinig ko pa ngang tumahimik silang lahat sabay tumawa si Dexter. Gigising sana ako, kaso inaantok talaga ako kaya hindi ko na pinatulan. Nagising na lang ako sa tapik ni Dexter.

“Ej, gising na, andito na tayo sa Batanggas.” Pagdilat ko ng mata ko, nakita kong palabas na silang lahat ng van. Kami na lang nung katabi ko yung nasa loob. Nagulat ako nung tumingin ako sa katabi ko, kanina pa ba ganito yung pwesto ko? ARGH!!! Nakakahiya talaga! Kaya siguro tumawa si Dexter kanina, kasi… kasi…








Nakatulog ako sa balikat ni Kiel!!!

20 May 2010

EAH chapter 1

***1***

Sunsets never failed to amaze me. Kahit ilang beses ko na siyang napanood sa beach na ‘to, lagi pa rin akong namamangha sa ganda niya. For me, isa ang panonood ng sunset sa pinaka-romantic na bagay na naranasan ko sa buhay ko. The very minute na mapanood mo yun, especially if you’re with someone you love, you would certainly feel the magic of it. Two years ago, dito mismo sa lugar na ‘to, I’ve met that someone.

Two years ago, nasa junior high pa lang ako nung una kong ma-discover ‘tong lugar na ‘to. It was summer and hindi pa nagsisimula yung school year nung kinausap kami ng Mommy namin na lilipat kami ng bahay. We’ve been living together for almost 11 years. Bata pa lang kasi ako nung kinuha samin si Daddy. And since tatlo kaming magkakapatid na kailangang buhayin ni Mommy mag-isa, we’ve been here and there, palipat-lipat ng bahay kasi nahihirapan maghanap si Mommy ng permanent na trabaho. I never had a problem with that; pero three years na kami dito kaya yung mga kapatid ko laging may reklamo. Dexter and Claire were twins, at sa aming tatlo, ako lang yung hindi masyadong attached sa friends ko kaya ayos lang sakin yung mahiwalay sa kanila pag-lumilipat kami. Hindi na niwasan ni Dexter na masigawan si Mommy nun.

“NO WAY MOM! Bakit na naman tayo lilipat? I thought wala nang lipatan? Paano naman yung mga kaibigan ko? Yung studies ko? Yung mga nabuo kong pangarap dito? Paano naman si Hannah?” naba-badtrip na talaga si Dexter sa pagpapalipat-lipat namin.

Hannah is his girlfriend. Syempre nakabuo na sila ng pangarap, college na si Dexter and hindi maiiwasan na sumagi sa isip niyang pakasalan na si Hannah. Pero as I’ve said, may pangarap sila. I used to like that Hannah, pero may something na nangyari a month ago na nakapagpa-bago ng ugali niya. Pati si Dexter napansin yun, pero hindi na niya sinabi sakin kung anong nangyari. Mom loves Hannah too, pero mas priority ang ikabubuhay namin kesa sa girlfriend ng only son niya.

“Dexter, importante din sakin si Hannah, pero anong magagawa ko kung kailangan nating umalis? Nasa Boracay yung trabaho ko. Kung pwede lang sana akong umalis mag-isa at iwan kayong tatlo dito, gagawin ko para di kayo mahirapan…” Tumayo na siya nun para iligpit yung pinag-kainan namin ng dinner.

“Pero hindi pwede? We’re old enough Mom, pareho na kaming college ni Claire, in fact matagal na dapat kaming nag-dormitory, kaso nga ayaw mo. Kung iniisip mong di namin kayang alagaan itong si Ej, then siya isama mo! Wala namang reklamo yan sa’yo eh, right Ej?” tumingin naman sakin si Dexter ng ‘umoo-ka-na-lang’ look.

“Yeah, he’s right Mom, ako na lang i-sama mo, matanda na yang dalawa, masipag naman sa gawaing bahay si Claire kaya magiging ok sila dito, tapos responsible naman si Dexter kaya kahit iwanan mo lang sila ng pera ok na yan.” Sabi ko naman. Lately nagiging madaldal na din akong tulad nitong kapatid ko.

Ngumiti naman sakin si Claire na parang sinasabi saking ‘good job!’ But unfortunately, kung matigas ang ulo namin, mas matigas ang ulo ni Mommy, pero onting words of encouragement lang from her bunso ok na yan. Mom got her phone and texted someone.

“NO! Hindi lang si Ej ang concern ko dito. Paano mo mababantayan si Claire at yung sarili mo at the same time? I asked someone to look after you habang nasa Boracay kami ni Ej, I’ll stay there pero papauwiin ko din ito.” sabi naman ni Mommy.

Nagtinginan kaming magkakapatid, isa lang ang solusyon dito. The phone ringed at nag-unahan kaming tatlo sa pag-sagot. Isa lang naman yung posibleng mag-bantay samin eh. I reached the phone first and hindi pa naghe-hello yung nasa kabilang line, inunahan ko na siya.

“TITA ANNE! Wag na wag kang tatanggi! Hinding hindi ka magsisising pumayag kang magbantay kila Dex at Cle, they were the most responsible college students that you’ll ever meet in yo--” hindi pa ko natatapos, nung narinig kong tumawa siya. Boses lalaki? Hindi si Tita Anne yung pinakiusapan ni Mommy…si Tito Eric! Yung bestfriend ni Mommy

“No way Ej, hinding hindi ako tatanggi dyan, itatanong ko lang kung kelan, para maisama ko na din yung anak ko, gusto kasi niyang magbakasyon, so I thought…” he trailed off.

“YES Tito! YES! Ok lang na isama mo yung anak mo sa pagtira dito!” sabi ko naman at nagtatatalon na ko sa tuwa.

“No, wait, I was hoping na kung pwede i-sama niyo siya ng Mommy mo sa Bora, I can’t handle three teens,” he said.

Napatigil naman ako nun sa pagtalon. Anak niya? Kasama ko sa Boracay? Eh ni-hindi ko pa nga na-meet yun, tapos ngayon magkasama kaming magbabakasyon. Tumingin ako kay Mommy, then kay Dex and Claire, lahat sila inaabangan yung pinag-uusapan namin. Tinakpan ko yung receiver para hindi marinig ni Tito Eric yung sasabihin ko.

“He wants us to take his son to Bora, para mabantayan niya ng maayos yang dalawa. Should I say yes?” tumingin lang sila sakin, tapos sabay sabay silang tumango. So umoo na ko kay Tito Eric

“It’s a deal! Bring your son tomorrow.” Ngumiti naman ako. Parang matanda na naman ako magsalita. Pero after that conversation, naisip ko nang matulog. Bukas, magso-sort out na ‘ko ng gamit na dadalin. Bukas mami-meet ko na yung anak ni Tito Eric na magiging escort ko sa Bora vacation. Weird feeling.

Kinabukasan, nagsimula na ‘kong maghiwalay ng damit na dadalin ko sa Bora. Since vacation lang naman, good for 2 months lang dadalin ko. Hindi naman siguro kami magtatagal hanggang June, pasukan na nun eh. When I finished packing, pumasok si Claire sa kwarto ko, tapos may hawak siyang cloth na naging sanhi ng paghi-hysterical ko. Bikini.

“I WILL NEVER WEAR THAT THING! Claire naman, torture na yan!” sabihin man nilang maganda yung katawan ko at bagay sakin mag-bikini, I’ve never tried. Hindi naman sa conservative ako, ayoko lang talaga.

“Bora yun Ej. Hindi yun simbahan, beach yun!” sabat naman niya. Wala na akong nagawa kasi nilagay na niya sa bag ko. Sus! Ayos lang, hindi ko rin naman isusuot yun. Bumaba na kami para mag-lunch. Anytime dadating na sila Tito Eric, kaya hinintay na namin sila.

After ten minutes, may kumatok na. Binuksan naman ni Dexter yung pinto. Excited siya kasi si Tito Eric yung makakasama nila. Cool kasi yun, unlike Mom, hindi siya killjoy. Pumasok na siya with his son behind him. Ang cute nung anak niya, kaso nakayuko lagi. Nahihiya pa daw sabi niya kaya nung nasa table na kami, formally, pinakilala kami ni Tito sa kanya.

“Before anything else, this is Exekiel, my unico hijo, call him Kiel, mas ok yun. And don’t mind this guy, hindi lang yan basta shy type, masungit talaga yan.” Tumawa naman kaming lahat kaya napayuko si Kiel.

Habang kumakain na kami, sila Mommy at Tito lang nag-uusap, then si Dexter naman, mukhang close na kay Kiel, tumatawa na sila eh. Si Claire, tahimik talaga yan kaya mas comfortable siya na hindi nagsasalita habang kumakain. Una akong natapos kumain kaya tumayo na ‘ko para kumuha ng mallows sa ref. Habit ko lang talaga kumain ng mallows pagkatapos ko mag-lunch or dinner. Tumingin naman sakin si Kiel kaya inalok ko siya ng mallows.

“Thanks.” Kumuha siya ng tatlong mallows at isinubo niyang lahat. Natawa naman ako, ang lakas kumain ah! Tapos na rin siyang kumain nun kaya sabay na kaming umupo sa couch sa sala. Tahimik lang kami. Medyo awkward pero ok lang. Mas ok na maging close kami, magkasama din naman kami sa Bora bukas eh.

“Uhm…Kiel, anong year mo na sa pasukan? College ka na ba?” tanong ko sa sa kanya. Nagulat ata siya tapos tumawa.

“Hindi, third year pa lang ako sa pasukan.” Ang tipid naman ng sagot mo tsong!

“Ah ganun ba? Saan ka mag-aaral? Third year na rin ako sa pasukan.” Sabay smile.

“Kung saan ka, dun din ako.”

ANO?! Nakakagulat naman yung sagot nito. What does he mean na kung saan ako mag-aaral, dun na din siya? Ibig sabihin ba nun… lagi ko na siyang makakasama? Kung mag-aaral pa rin ba ako sa North Horizon, dun din siya mag-eenroll? Ganun ba pinaparating niya?

Nakakailang na siya kausapin kaya tumayo na ako. Pero hinawakan niya ko sa braso.

“Saan ka pupunta? May nasabi ba akong…MALI?” nakakatunaw na yung tingin niya. Ang cute niya pagconfused. I’m doomed. Teka, what was that last thought? Umupo ako ulit sa tabi niya, knowing na hindi naman niya ako kakainin. Sabi ni Tito, masungit daw ‘to, eh ‘bat parang di naman?

“Uhm…Kiel, kukuha lang ako ng juice, just wait for a second.” Tumayo ako at nagpunta sa kitchen. Kumuha ako ng dalawang baso ng juice. Hindi ko na mahagilap sila Mommy, pero si Claire naghuhugas ng pinggan.

“whatya think of him? Is he nice?” tanong nya.

Nice? Siguro. Hindi ko naman pa siya kilala masyado para i-judge ko sya. Kaya tumingin ako kay Claire tapos tinaas ko yung dalawang balikat ko like saying ‘I dunno’.

Nung makabalik na ako sa living room, nakasalampak na si Dexter at Kiel sa tapat ng PS2. GUYS! Hindi mo talaga ma-gets yung trip. Inabot ko kay Kiel yung juice kaso inagaw ni Dexter.

“WOW sis, how sweet, thanks ah!” tapos bumalik na sya sa paglalaro. Tumawa naman si Kiel, nakakagaan ng loob yung tawa niya. Yung tipong parang ilang taon kang malungkot tapos ngayon ka lang nakatawa uli. Ganun yung feeling pag narinig mo siyang tumawa. Ngumiti na rin ako sa kanya, tapos inabot ko yung juice na hawak ko pa.

I guess he’s nice. Hindi man sya madalas magsalita, hindi naman siya suplado tulad ng sinabi ni Tito. They’re gonna stay here kaya inayos ko na yung guest room. May tatlo kaming guest room. Good for 7 persons kasi yung bahay namin. Tig-iisa kaming tatlo ng kwarto, isa kay Mommy, tatlo sa guest. Kaya naman sobra sobra pa yung kwarto namin. Inayos ni Claire yung kwarto para kay Tito na katabi ng kwarto ni Dexter. Tapos ako naman, inayos ko yung spare room sa dulo ng hallway, yung katapat nung akin, para kay Kiel. Siya kasi pumili nung spare room na yun eh.

“He’s not approachable.” Nagulat ako kay Claire kaya nabitawan ko yung walis na hawak ko. Sino daw di approachable? Tinignan ko naman siya ng ‘sino-na-naman’ look.

“Kiel. I tried to chat with him, kaso hindi niya ko pinansin. Too pre-occupied dun sa pagaayos ng mga damit na dadalin niya bukas. Buti nga si Dex nakakausap siya. Si Mommy di din niya pinapansin.”

“Baka naman hindi ka niya narinig. Lakasan mo kasi boses mo pag may kinakausap ka. He’s talking to me.” sabi ko naman

Lumabas ng kwarto si Claire. Bakit kaya hindi sila kinakausap ni Kiel? Anong trip nun? Hindi ko naman siya pwedeng tanungin, mamaya ako pa hindi kausapin nun eh. I continued cleaning my room hanggang sa wala nang alikabok lahat ng sulok. Nagdedevelop ata ako ng OC.

Nakahiga na ‘ko nun sa kama ko nung biglang may kumatok sa pinto ko. Binuksan ko, naabutan ko pang sumara yung pinto sa tapat ng kwarto ko tapos pagtingin ko sa sahig may basket na maliit. Nung tinignan ko yung laman, BUTTER COOKIES!!! Favorite ko yun! Nung tinignan ko yung card, ang nakalagay lang ‘Nice meeting you’ pinasok ko na sa room ko, tapos kumuha ako ng post it. I wrote ‘THANKS!’ then lumabas na ako at dinikit sa pinto niya. I knocked twice tapos pumasok na ko sa kwarto ko, pero sinilip ko sa key hole kung nabasa niya. Lumabas siya tapos nung nabasa niya yung letter, ngumiti siya. Pumasok siya sa room niya pero lumabas din agad. May hawak na dalawang coke in can. Binuksan ko agad yung pinto bago pa siya kumatok. Nagulat naman siya tapos yumuko. Tinaas niya yung kamay niya na parang inaabot sakin yung hawak niya. Nakakatuwa naman tong mokong na ‘to.

“Pasok ka, kainin natin yung cookies.” Ngumiti naman ako ng convincing. Ngumiti din sya kaso umiling din.

“Nah, sa’yo na yan, marami pa ‘ko sa kwarto kung gusto mo. Binigyan lang kita kasi baka magustuhan mo, fave ko kasi yan,” tapos ngumiti ulit sya, yung nakakatunaw na naman na ngiti.

“Are you kidding me? Paanong di ko magugustuhan to, eh fave ko din to.” Kinuha ko yung coke tapos tumawa ako. “Tataba ako sayo nito eh. Tumawa din siya.

“Ah…ganun ba? O sige, bukas na lang, medyo late na para sa miryenda eh.” Naglakad na siya nun sa hallway pababa. Sumigaw naman ako ng ‘THANKS AGAIN!’ tapos tumawa siya. “NO PROB!”

That was the time na naging friends kami. After that encounter, di na ko lumabas ng room kaya di ko na siya nakita the rest of the day.

I woke up early. 4 am pa lang gising na gising na ‘ko. Nagugutom na ako kaya lumabas na ‘ko ng kwarto, kaso napatili ako nung may nakita akong figure sa labas ng kwarto ko. Hindi, hindi pala sa labas ng kwarto ko, nasa tapat lang pala siya ng kwarto niya, kumakain ng butter cookies. Tinakpan niya yung bibig ko kasi nga tumili ako.

“Wag ka ngang sumigaw, mamaya isipin nila kung anong ginagawa ko sa’yo. Tatanggalin ko yung kamay ko ah, wag kang sisigaw!” sabi niya. Tumango na lang ako tapos tinanggal na niya yung kamay niya.

“Bakit ba kasi ang aga-aga nakatambay ka dyan sa labas? Tapos ang dilim-dilim pa, nakakatakot ka kaya!” mabilis kong sinabi yun para din a niya ko mapigilan magsalita.

Ngumiti lang siya, yung ngiti na naman na paborito ko, yung nakakatunaw. Tinaas niya yung plastic ng butter cookies na parang sinasagot yung tanong ko. Oo nga naman, kumakain siya kaya nandun siya. Tinignan niya ko tapos tinapik niya yung space sa gilid niya. Ako naman, tumabi sa kanya. Maaga pa naman eh. Kumain lang kami ng butter cookies hanggang lumabas ng kwarto si Mommy. Nagulat pa nga siya nung una kasi magkatabi kami ni Kiel. Tapos tumawa din nung inalok naming siya ng butter cookies. Kaso nung kumuha siya nabuga ko yung kinakain ko. Sabi ba naman niya…

“Alam niyo…BAGAY KAYO!”