love stories my ME!!!

welcome to my blog!
hope you enjoy reading my stories!
watch out for the other chapters that will be published here soon!

18 April 2011

eto na naman.

i've written and finished my new story. Kaso tinamad yung kapatid kong itype kaya wala pa rin. sayang pero sana soon.. maitype na niya para mabasa niyo na :3

06 January 2011

another chapter



"The secret to a rich life is to have more beginnings than endings."





As what Dave Weinbaum have said, it is much better to have more beginnings than endings. ( Haha. This is starting to be a lame excuse) I wanna start a new story. I was hoping to have a big brake from the tiring world of college and I guess I'm starting to feel summer.

If you didn't get what I mean...

Malapit na matapos ang pagiging freshmen ko sa college at malapit na rin matapos ang "paghihirap-sa-mga-professors-na-todo-magpagawa-ng-requirements-na-hindi-ka-na-makakatulog-kakaaral-para-sa-long-quiz-niyo-bukas" days. Which means that I have the whole summer to write stories that I usually write. :P So I'm also hoping na susubaybayan niyo yung mga stories na isusulat ko. Have a HAPPY NEW YEAR and please follow my blog ^^

06 July 2010

TO MY DEAREST READERS, READ THIS!!!

Due to my HECTIC schedule, I decided to stop posting chapters, because I can't find time to type the next FIVE chapters. Yes, there's only five chapters left. I already finished the story FACEBOOK, but I haven't written it yet. *awkward laugh* it's still on my mind, playing again and again, as if it was recorded. Hey? Why am I writing an English blog? I usually write my stories in Tagalog. Haha. [sinapian lang ako]

Well, I really feel guilty for doing this, but I have to focus on my studies right now. T_T
[as if I study well]

So ayun nga guys, nagno-nose bleed na ko dito. haha. wag kayo mag-alala, someday. Someday, makakahanap ako ng oras para maisulat lahat ng nasa isip ko. I love you guys, God bless.

23 June 2010

FACEBOOK chapter 3

Chapter 3: HOUSEMATES

Nag-tinginan kami ni Kuya, natawa naman siya. Im really confused. Kung magkakilala sila ni Kuya, bakit? Bakit di niya sinabi? Bakit nya ko inaway? Bakit nandito siya?

Tumingin ako sa kanya, ang tangkad niya! Grabe, di ko naman inimagine na ganito siya katangkad. Mamaw, matangkad pa kay Kuya. Tapos naka-long sleeves pa siya na shirt kaya di ko alam kung may muscle. Teka, bakit ba muscle hinahanap mo Paula? Ikaw ah. Obssessed ka na sa maskulado.

“Nics, ang aga mo naman, sabi ko after lunch pa eh, gabi pa naman alis namin.”

Lumapit si Kuya sa kanya, tapos umakbay si Kuya, hindi naman malayo yung agwat ng height nila, pero halata pa ring mas matangkad si Nico.

“Eh, nasense ko kasing kakain na kayo, pwede maki-join?” sabi niya, tumingin sya sakin, tapos sabi, “Kapatid mo to?”
“Oo. At alam kong kilala mo na yan, kaya manahimik ka na lang, hoy Paula,”
“Po?!?!” badtrip na ko nun.
“Akyat sa taas, dalin mo pagkain mo, may pag-uusapan lang kami nito.”

Kahit na di ko alam kung ano yun, at kung bakit siya nandito, umakyat na ako agad sa kwarto para magkulong, di ko na kinuha yung pagkain ko. Bakit nandito siya? Bakit kilala niya si Kuya? Kanina lang kausap ko pa siya sa cellphone tapos ngayon nandito na siya sa bahay namin? AAAAHHHH!!! Naguguluhan na talaga ako. Hindi ko na alam kung ano bang pakay niya sa buhay ko? Tsaka bakit biglang nagseryoso si Kuya? Anong meron?

“TOK, TOK, tao po…” nagulat ako nung biglang bumukas yung pinto, hindi ko ba na-lock yun? Nakatayo siya sa doorway, tumalikod naman ako sa kanya. Sa lahat ng taong gusto kong makita sa pinto ko, nasa huli siya ng listahan.

“Paula, sorry kung di ko sinabi sayo…best friend ko si Arnold.”

Humarap ako sa kanya, naiinis talaga ako, bakit di na lang niya ko tantanan para maayos diba? Yung huling kaibigan ni Kuya na nanloko sakin sa facebook eh si Jerome. At kung best friend nga siya ni Kuya, imposibleng di niya kilala si Jerome. Ano to? Trip talaga nila ako?

“Ano bang gusto mo? Pinagti-tripan mo lang ba ako? Kaibigan mo rin ba si Jerome? Bakit ba gustong gusto niyo kong pinapaiyak?”
“EH BAKIT KA NAMAN IIYAK??? Hindi naman porket kaibigan ko si Arnold at Jerome, pinagtritripan na kita. Wag mo kong itulad sa Jerome na yun. Oo, inaamin ko, alam kong naging kayo noon pa, pero hindi yun yung dahilan kung bakit kinaibigan kita. Gusto ko lang naman makilala yung magiging housemate ko!”

Ano daw? Housemates? Kami? Bakit? Pano? HUH?! Nagulat talaga ako. Akala ko sa pelikula lang nangyayari yung ganitong sitwasyon. Kasama mo sa bahay yung…teka! Di ko naman gusto tong taong to ah! Erase, erase.

“HOUSEMATE?!?!?!?”
“Oo, hindi pa ba sinasabi ni Arnold na makikitira kayo sa apartment ko?”
“KUYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!

Kumaripas naman ng takbo si Kuya papunta sa kwarto ko, hinihingal pa siya nung dumating siya. Akala niya siguro may kung anong ginawa si Nico sakin. Tinitigan ko lang siya. Oo, ok lang sakin kahit saan tumira, basta kasama si Kuya, pero hindi naman ako papayag na may kasama kaming lalaki na hindi ko pa masyadong kilala.

“Housemate? Siya?” tinuro ko naman si Nico. Tapos sinundan ng tingin ni Kuya yung kamay ko. Napadiretso siya ng tayo.
“Ay…oo, hindi ko nga pala nasabi. Makikitira tayo sa mansion niya, este bahay pala.” Sabi ni Kuya. Ok. Confirmed na, lilipat na nga talaga kami ngayon.
“Apartment yun, hindi bahay.” Sagot naman ni Nico, seryoso siyang nakasandal sa pader. Sa ganitong angulo, nakikita mo yung mysterious side niya, natatakpan ng buhok niya yung mata niya tapos nakayuko pa. Ang cute talaga niya…ay ano ba yan Paula?!

“Ok. Sige, papayag na ko, pero sana Kuya, sa susunod, wag ka naman makakalimot magsabi.”

Umupo na ko sa kama ko tapos hinatak ko yung bag sa ilalim ng kama, magsisimula na kong mag empake ngayon.

“Kumain na kayo sa baba Kuya, mamaya na ko. Mageempake na ko. Nico, may iba pa bang kasama sa bahay niyo?”
“Little sis ko, si Lorjane, grade six”
“Lorjane? Ang weird naman ng pangalan.”
“Lorina Jane” binuo pa yung pangalan.

Lumabas na sila ng kwarto ko, ni-lock ko na rin yung pinto. Ayoko ng may nanggugulo kapag nag-aayos ako ng mga gamit ko.

Nagulat ako nung may narinig akong kumakanta sa sala, hindi yun radio, hindi rin si Kuya…si Nico.

When I was younger
I saw my daddy cry
And curse at the wind
He broke his own heart
And I watched
As he tried to reassemble it

And my momma swore that
She would never let herself forget
And that was the day that I promised
I'd never sing of love
If it does not exist

But darling,
You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception

Isa sa mga madalas kong pakinggan yung song na to. Ang galing ng pagkaka-kanta niya. Kahit girl yung kumanta, maganda pa rin pag siya.

Hindi ko na napigil yung pagiging usisera ko. Bumaba ako sa sala, nandun siya, may hawak na gitara, nakaupo sa sofa. Ang weird ng pakiramdam, akala ko natural na yung pagiging nakakabadtrip niya, pero ngayon, natutuwa talaga ako. Tumingin siya sa direksyon ko, pero di niya ko nakita kasi nagtago ako sa pinto…or so I thought. Tumayo siya tapos kumuha ng juice sa ref.

“At home na at home ka ata ah.” Lumabas na ko sa pinagtataguan ko.
“Titira naman kayo sa bahay ko eh, anong masama kung maging at home ako dito?”

Sa bagay, may point siya, pero ang yabang talaga eh. Kaasar!

Gumabi na rin, nandun lang sya sa bahay, nangangalikot ng kung anu-anong bagay sa sala. Natulog na ko’t lahat di pa rin kami umaalis, nagulat na lang ako nung ginising ako ni Kuya.

“Pau, gising na, aalis na tayo.” Tumingin ako sa relo ko, nagulat naman ako, 11 pm talaga dapat umalis? Bakit? Ano sila, bampira?

Sumakay na kami sa kotse ni Nico. Oo, may kotse siya, sosyal ang loko, pero may driver, 17 pa lang kasi siya kaya hindi pa pwede magdrive. Si Manong lang kinulit ko, wala ako sa mood kausapin yung dalawa.

“Manong, san tayo pupunta?”
“Sunny Hills po Ma’am Paula, nandoon po yung bahay ni Sir Nico”
“Apartment daw yun Manong” ako pa nag-correct.
“Ay, oo nga po pala. Apartment po.”
“Eh manong, gaano katagal na kayong nagtra-trabaho kila Nico?

Kinalabit naman ako ni Kuya tapos may tinuro sa right side na malaking bahay. Bumaba na kami, eto? Eto ang apartment niya? Mansion to eh! Pano pa pag bahay na niya? Palasyo? Naglakad na kami papasok ng bahay. Nakapatay lahat ng ilaw.

Sa sobrang tapang ko, ako na pala yung nangunguna saming tatlo na maglakad. Kaso… pag lingon ko, wala na sila. Nakasara na yung gate, tapos nakabukas yung front door. Ayoko pa sanang pumasok kaso may kumaluskos sa mga halaman kaya napatakbo ako papasok. Ang dilim, sumigaw ako ng Kuya, tapos biglang may tumawa sa dilim. Iiyak na sana ako, kung hindi lang bumukas yung ilaw.

Nasilaw pa ko sa spot light, pero nung naka-adjust na yung mata ko, natameme na ko. May malaking banner ng HAPPY BIRTHDAY PAULA!

14 June 2010

FACEBOOK chapter 2

Chapter 2: PEACE

Habang naglalakad ako papasok ng kwarto, iniisip ko na kung gaano kamali si Nico sa pagkakakilala niya sakin. Maraming beses na kong nasabihang pa-asa, flirt, play girl, pero ngayon lang talaga may nagsabi saking amature ako pagdating sa pagpapayo. Nakakainis na siya, bakit ba nakikielam siya sa buhay ko? Ano naman kung hindi ko naa-apply sa sarili ko yung mga pinapapayo ko sa iba? Bakit ba kailangan niyang sirain yung focus ko? Sino ba siya?

Binuksan ko yung computer ko kahit madaling araw pa lang, nag auto-recover pa dahil nga hindi maayos yung pagkakapatay ko kahapon. Medyo matatagalan pa siguro kaya bumaba muna ako sa kusina para magtimpla ng kape. Usually kapag nagka-cram lang ako nagkakape, pero ngayong stressed ako, ito lang ang kailangan ko. Sumilip ako sa sala kung may gising na, nakita ko si Manang Ida, yung kasambahay namin, na nag-aayos ng mga throw pillow. Hindi naman ako papagalitan nito. Umakyat na ko sa kwarto ko at umupo na sa harap ng computer. Ni-refresh ko ng ni-refresh kahit di naman kailangan, nung nagsawa na ko, binuksan ko na agad yung facebook. Sino naman kayang mga online ngayon, eh ang aga aga pa. Nung naka-log in na ako, may 8 online friends, hindi ko kilala yung 7 pero yung isa eh si Nico.

Paula: Ang aga natin ah!
Nico: Bakit gising ka na bata?
Paula: Sinong tinawag mong bata?
Nico: Ikaw. Di ka ba marunong magbasa?
Paula: Ang kapal mo rin eh no?
Nico: Di naman, mejo lang.
Paula: Gusto ko lang sanang linawin sayo na hindi ako makikielam sa mga trip mo, kaya sana wag mo na rin akong pakielaman sa ginagawa ko.
Paula: leave me alone!
Nico: ganun? Eh panu kung trip kong bwisitin ka? Ok lang talaga?
Paula: ginagawa mo na nga eh.
Nico: ahahaha! Hindi pa no. Marami pang mas malala dito.

Hindi na ako nagreply, mabu-bwisit lang ako lalo. Tinignan ko lang yung profile ko, tapos yung fan page, maraming bagong fans na nanghihingi ng payo sakin, pero wala pa ako sa mood para mag advice. Sana hindi na lang ako nag OL, wala naman masyadong magawa eh. Nag post na lang ako sa wall nung page, baka may gising na fan or co-admins ko.

“Hindi mo malalaman kung sino ang para sayo, kung yung sarili mo mismo, hindi mo alam kung sino.”

Naghanap muna ako ng mga post na makakapagpabuhay nung “taga-payo” sa loob ko, kaso isa lang yung napansin kong post, yung kahapon. Dumami yung comments, nagagalit sila kasi bakit daw kay Nico ko lang sinabi yung about sa love life ko, bakit daw ayaw kong aminin sa kanila. Natuwa naman ako sa comment ni Nico sa dulo.

“Sorry guys, wala ako sa posisyon para sagutin yung mga tanong niyo. Pero nung nakausap ko si Pea-G, alam kong hindi maganda yung pinagdaanan niya kaya wag na natin ipaalala sa kanya. OK? Kawawa naman sya eh.”

Kawawa? Siguro nga. Makikpag bati na nga ako bago pa lumala yung sitwasyon. Hindi naman ako war freak eh. Nagsimula akong magtype, at nung naikabit ko na yung comment ko, mga 5 seconds pa lang, lumabas na yung chat box niya.

Nico: Totoo?
Paula: anong totoo?
Nico: Yung comment mo, magpapatulong ka talaga sakin?
Paula: Pwede ba?
Nico: Ok lang, kaso… bakit sakin pa?
Paula: Ayaw mo ba?
Nico: Ok nga lang, pero, ibig sabihin ba nito ok na tayo? Wala nang away?
Paula: Yeah, so tutulungan mo ba akong makaganti sa ex ko o hindi?
Nico: Game ako, sino ba yun?
Paula: si Jei-C.
Nico: Jei-C? as in Admin Jei-C? Yung creator nung fan page?
Paula: yeah, sya nga. Sa Facebook lang kami nagmeet.
Nico: Ano? Nakikipagrelasyon ka sa facebook? Baliw ka na ba? Anong nangyari sa inyo?
Paula: Matagal na nung nagbreak kami, mahal niya pa kasi yung ex niya.
Nico: At pumayag ka namang makipagbreak siya sayo ng ganun ganun lang?
Paula: Hindi. Maraming beses pa niya kong pinagmukhang tanga bago ako tuluyang sumuko.
Nico: Paki-kwento nga lahat ng nangyari, medyo di ko kasi ma-gets eh.
Paula: smart user ka ba?
Nico: oo, bakit??
Paula: Tawagan na lang kita sa cp. Ano no. mo?
Nico: aahh, ok. 09*********
Paula: wait lang ah, papatayin ko lang yung computer tapos tatawag na ko.
Nico: Ok

Sinilip ko lang yung profile ni Nico bago mag log out. Natameme naman ako sa pictures niya. Hindi mo naman mahahalatang ganito siya kagwapo dun sa profile picture niya kasi nakatalikod siya. Pero yung ibang pictures niya, grabe! Pang heartrob talaga! Pinatay ko na yung computer ng maayos. Hindi naman pala masama ugali nung Nico na yun eh. Mabait rin pala, gwapo pa. Pero hindi ko pa rin alam kung gusto ko siyang maging kaibigan, basta ang alam ko, ginagawa ko to para hindi niya ako siraan sa mga fan.

Tumawag na ko sa kanya, wala pang dalawang ring may sumagot na.

“hello?” natameme na naman ako, ang ganda ng boses niya, ang sarap pakinggan. Parang yung boses ng mga singer sa bandang acoustic. Naalala ko naman yung isang album ng pictures niya na hindi ko natignan. Nakalagay dun GIGS. Posible kayang singer siya ng banda? Teka, bakit ba interesado ka sa kanya ha Paula?

“Hello Paula? Andyan ka ba? Bakit di ka sumasagot?”
“Ahh..eh sorry, natulala lang ako.” Siya naman yung hindi nakasagot. Ano yun, natameme rin siya sa boses kong ngarag dahil maaga pa?
“huy, bat ikaw naman yung hindi sumagot dyan?
“Ahh..ang ganda kasi ng boses mo, natameme ako.” Promise! Namula talaga ako nung sinabi niya yun. Adik naman nito, alam ko naman na maganda boses ko, bat kailangan pang sabihin?
“Talaga? Haha, thanks.”
“Naniwala ka naman? Hahahahaha”

Napatigil naman ako nun. Ang kapal talaga ng mukha nitong lalaking to.

“Harhar, alam ko namang nagjo-joke ka lang eh”
“Talaga? Edi ayos, di na ko magsosorry ah.”

Wow! Marunong ba siya magsorry? Kainis talaga to.

“So ano nang kwento?”

Inisip ko kung anong sasabihin ko. Mahabang dramahan din to. Sinimulan ko yung kwento ko sa dahilan kung bakit nagkalabuan kami ni Jerome a.k.a. Jei-C. Mahabahaba rin yung naikwento ko sa kanya. Tahimik naman siya habang nakikinig, akala ko nga tinulugan na ko pero tumatawa naman siya kapag tinatanong ko kung inaantok siya. Natapos yung kwento ko nang umiiyak ako at galit na galit si Nico sa mga ginawa sakin ni Jerome. Pinapatahan naman niya ako kahit sa phone lang kami magkausap.

“Paula, wag ka nang umiyak, hindi dapat iniiyakan yung ganung lalaki.”
“P-pe-pero…ang sa-sakit ka-kasi e-ehh…” garalgal pa yung boses ko nun. Pakiramdam ko naulit lahat ng nangyari noon samin ni Jerome, lahat ng sakit na pinagdaanan ko.
“Sorry nga pala dun sa nasabi ko kahapon ah, hindi ko alam na ganun pala pinagdaanan mo. Sorry.” Natuwa ulit ako, medyo nagugustuhan ko na tong si Nico, alam niya kung kailan dapat seryoso at kung kailan dapat magbiro. Pinatawad ko naman siya. Ok na kami, hindi na kami nagaway ulit nung araw na yun.

“So…ano nang balak nating gawin kay Jerome?” tanong ko naman.
“Hmm.. magpanggap tayong tayo na, pagselosin natin. Tapos aawayin ko siya dahil nalaman ko ngang ganun yung ginawa niya sayo. Ano bang gusto mo? Bugbugin ko na ba yun?”

Tumawa naman ako, walang wala naman kasi siya kay Jerome, kung ibabase mo dun sa nakita ko sa pictures ni Nico, payat siya kung ikukumpara kay Jerome. Muscles kung muscles si Jerome eh, siya parang hindi man lang nakakapag work out. Tinanong niya kung bakit ako tumatawa, nung sinabi ko yung rason, tumawa din siya.
“Tingin mo ba hindi ko kaya yung sarili ko?”

Nag-isip naman ako. Oo, tingin ko di niya kaya yung sarili niya, bakit, eh hindi naman siya maskulado no.

“Alam mo Paula, black belter sa Taekwondo tong kausap mo, wala akong inaatrasan kahit pa muscle na tinubuan ng katawan yung iharap mo sakin no.”

“Eh bakit kasi kailangan pang bugbugin, eh hindi mo naman kilala yun, tsaka ayoko rin ng away.”

“Eh friends na nga tayo diba? Sorry war freak lang. Eh ano ngang gusto mong gawin ko sa kanya?”

“Wala, hayaan natin sya, basta, isip tayo ng paraan para makaganti.”

Hindi ko namalayan na umaga na pala, nagulat na lang ako nung tinatawag na ko ni Kuya para kumain. Nagba-bye na ko kay Nico nun tapos bumaba na ko. Nasa mood na ko ulit, hindi ko alam kung anong dala nung Nico na yun sa buhay ko pero kahapon lang, siya yung dahilan kung bakit ako umiyak, tapos ngayon siya naman yung dahilan kung bakit ako masaya.

“Oh, little sis, ang saya mo ata ahh.” Bati sakin ni Kuya. Ngumiti lang ako tapos umupo na sa harap niya para kumain.
“Oo nga pala, magempake ka na, nakahanap na ng apartment sila Mama para sating dalawa, lilipat na tayo ngayon.”
“Huh? Ahh…ok” hindi naman ako mapili sa bahay kaya anything ok na, basta kasama ko si Kuya, medyo Kuya’s girl kasi ako eh.

Nagulat naman kami nung may nagdoor bell, tinanong ko si Kuya kung may bisita ba siya, sabi niya mamaya pa dapat.
“eh sino naman kaya yun?”

Si Manang ang nagbukas ng pinto, pumasok siya na may kasunod na lalaki. Sabay pa kaming napatayo ni Kuya nun. Hindi ko alam kung bakit nagulat din siya pero sabay pa kaming nag sabi ng “Nico!”