***7***
[Eah]
8 days, 6 hours and 56 minutes simula nung huli ko siyang kinausap. Hindi ko na siya inaabutan sa umaga, tulog pa ako umaalis na siya. Tapos gabing gabi na sya uuwi kaya tulog na ako kapag uuwi siya. Hindi ko naman masabing mali ako dahil alam kong siya yung naunang manakit…alam ko nga ba? 3 days ko lang nakausap si Kiel, pero parang worth 3 years yung nawalang friendship namin. Halos lahat ng tao sa resort na kakilala ko sinasabi saking hindi ko dapat sinabi sa kanya yun.
Sabi pa nga ni Dexter, “Kung may taong mas basagulero pa kay Kiel, ewan ko na lang, pero kung may taong mas insensitive pa sayo little sis, ewan ko na lang din! Obvious naman na pinagtanggol ka niya, tapos ginanun mo pa?” ginulo lang niya yung utak ko tapos umalis na. Si Earl naman, iba yung approach niya. Mas nakakaunawa talaga siya kesa dun sa iba, “Ej, sana buksan mo yung mga mata mo. Alam kong mali si Kiel dahil sinaktan niya yung boyfriend mo, pero wala tayo dun para manghusga. Kung ano man yung problema niyo ni Kiel, sana pag-usapan niyo ng maayos. Hindi tamang layuan mo yung tao dahil lang nakipagsapakan siya sa boyfriend mo.” Amen Earl! Lahat sila paulit-ulit lang ng sinasabi sakin. Mali ka, tama si Kiel.
8 days, 7 hours and 2 minutes simula nung huli akong gumawa ng desisyon na alam kong tama pero pakiramdam ko mali. Ang sabi ni Ryan, tumakbo daw sa kanya si Kiel tapos nagwala daw. “Basagulero si Kiel.” Yan naman ang sabi ni Dexter, pero noon ko lang nakitang nakipag-away siya. Niloloko lang daw ako ni Ryan, yan naman ang alibi ni Kiel. Oo nga naman, sino nga bang magkakagusto sa weirdong tulad ko? Hindi ako maganda, hindi ako sikat, pero kahit ganun pa man, proud si Ryan na ako ang girlfriend niya. Samantalang si Kiel, parang pinaglalaruan niya lang yung damdamin ko.
Mahal ko si Ryan, akala ko mahal ko din si Kiel, pero pareho silang nagsasabi na mahal nila ako. Si Ryan, matagal ko nang hindi nakita kaya nasira na rin yung tiwala ko sa kanya. Si Kiel naman, paiba-iba siya ng isip, minsan mabait sakin, paparamdam siyang gusto niya ako pero the next day, sasabihin niyang dun ka na sa boyfriend mo.
Naaalala ko pa nung araw na nakita ko si Tita Emma at Ryan after nung gabing nakipagsapakan siya, kinausap ako ni Tita Emma na mama ni Felix at Kiel. Sinabi niya sakin kaya alam ko.
“Hindi naman talaga dapat magiging kami ulit. Yeah, I loved him, at alam kong mahal din niya ako. Pero determined ako nung araw na yon na mahal ko si Kiel. Nung inaasar ko siya na kami pa rin ni Ryan, dahil yun sa alam kong mahal niya ako. Gusto ko lang namang mag-selos siya, pero hindi naman gumana. Iniwasan lang niya ako. Tapos nung kinausap na niya ulit ako, pinamimigay naman niya ako sa iba. Anong gagawin ko? Nung nakita kong nakahiga sa sahig si Ryan, puro galit lang yung naramdaman ko kay Kiel. Hindi ko alam yung nangyari pero alam kong mali ang manakit kaya nagagalit ako kasi ayokong gumawa sya ng mali. Sinabi kong layuan niya ako, pero I didn’t mean it. Nasabi ko lang dahil galit ako. Pero hindi ko na siya mahagilap ngayon.”
Malayo kami kay Ryan noon kaya hindi niya ako naririnig. I don’t know kung mahal ko pa si Ryan, masyado nang maraming nangyari para magtiwala ulit. Sabi niya sakin, kaya siya umalis dahil sa pagmamaltrato sa kanilang dalawa ni Hannah ng tatay nila. Naiwan si Hannah dun, pero papunta na rin dito. Alam kong may iba pang dahilan kung bakit siya umalis. Kilala ko siya, hindi siya aalis ng walang paalam kung wala siyang isyu sakin…o sa pamilya ko. Nung time na sinabi niyang mahal niya ako, tumakbo na ako agad kay Kiel sa sobrang tuwa ko. May pagkakataon pa akong makaganti sa sakit na binigay niya sakin. Oo, binalak kong saktan si Ryan, pero simula nung nakita kong saktan siya ni Kiel, alam kong hindi ko makakayang lokohin yung taong dati kong minahal.
“Mas magiging maayos ang buhay natin kung wala tayong secrets.” Nakaupo kami nun sa bench sa tapat ng resort. Sexy si Tita Emma kahit nanay na, naka bikini siya, samantalang akong teen ager, naka t-shirt at shorts lang.
“Tama kayo dyan. Kung wala lang sanang sikreto sa mundo, wala sigurong nasisirang tiwala.” Sagot ko naman.
“At kung walang lalaking torpe, walang babaeng naguguluhan sa nararamdaman niya”
Tumango ako. Para sakin ata yung patama niya. Tumawa naman siya, ngumiti lang ako. Kilala na niya agad ako kahit 1 week pa lang ako. Mas madalas kong kausap si Tita Emma kesa sa ibang mga ka-edad ko. Sunod sa kanya, si Earl ang tagapag-paliwanag ko. Wala naman akong napapalang matinong sagot kay Dexter o kay Claire, biro lang sakanila yung mga bagay na tulad nito.
Dapat ko nga bang kausapin si Kiel para malaman yung totoo? O totoo nga ba yung malalaman ko kay Kiel kapag kinausap ko siya? Nakuha ko na yung side ni Ryan, siguro tama lang na malaman ko rin yung side ni Kiel. Tumingin ako kay Tita Emma, ngumiti siya tapos tinuro niya yung batuhan. Doon ko makikita si Kiel.
Hindi ko alam kung handa na akong makausap siya. Kung tama siyang lolokohin lang ako ni Ryan, handa akong iwan si Ryan, pero kung malaman kong tama si Ryan, at nagsisinungaling sakin si Kiel, handa ba kong kalimutan si Kiel?
Hindi ako tumuloy sa batuhan, pumasok ako sa loob ng bahay. Umakyat ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Sa tapat ng kwarto ko ay yung kwarto niya. Isang silip lang Ej, kukunin mo lang naman yung cd na ipaparinig sana niya last time, yung compositions niya. Mahirap ba yun? Imposible yun! Sa dami ng cd na nasa kwarto niya, malamang nakauwi na siya, naghahanap ka pa rin.
Hindi ako nakinig sa alter ego ko. Kumatok ako sa kwarto niya kahit alam kong walang tao sa loob. Walang sumagot, sinubukan kong buksan yung door knob pero naka-lock. Ibig sabihin nandun siya, wala ka na talagang kawala, kausapin mo na kahit nakasara yung pinto.
“Kiel, nandyan ka ba?” haha Ej, malamang nandyan yan.
“Wala.” Wow ah, edi multo yung sumagot sakin?
“Kiel, kausapin mo na ko, buksan mo naman tong pinto oh!”
“Leave me alone.” Tapos lumakas yung music sa kwarto niya na hindi ko naririnig kanina.
“Kung ayaw mo kong papasukin, dito lang ako hanggang sa lumabas ka!!” sumigaw ako para marinig niya.
“Enjoy!” sabi niya. Nakakainis talaga siya! Ako na nga yung lumalapit, siya pa yung pakipot. Nagsisimula na akong maniwala kay Tito Eric na likas yung pagka-suplado niya.
Umupo ako sa hallway, wala na kong pakielam kung hindi niya buksan yung pinto o kung isipin man ng iba na mukha akong tanga. Kailangan kong malaman yung totoo.
“If you really want something, you should learn to be patient.” Yan ang sabi niya sakin noon. So maghihintay ako hanggang sa kausapin niya ako.
1:30 ata nung umupo ako dito, 5 pm na hindi pa rin siya lumalabas. Sumasakit na yung pwet ko kakaupo, ngawit na ngawit na yung ulo ko kakalingon kung binuksan na niya yung pinto. May umaakyat sa hagdanan, nakaupo pa rin ako sa hallway. Bahala na, kung sino man yun, maiintindihan naman siguro niya kung bakit ako ganito. Kaso mukhang hindi ata mangyayari yun, si Ryan yung umakyat.
“Oi, anong ginagawa mo dyan?” tanong niya. Lumapit siya, tapos umupo sa tabi ko.
“Hinihintay kong lumabas siya.” Sabi ko, sabay turo sa pinto ni Kiel. Sumimangot si Ryan, ayaw kasi niyang nagpapakahirap at nagmumukhang tanga ako para sa ibang tao.
“Gusto mo ba talaga malaman yung totoo Jay?” seryoso siya. Seryoso nga ba sya? Sasabihin na ba talaga niya kung ano yung totoong nangyari? Tumango ako.
“Mahal kita, yun yung totoo. Pero hindi yun yung sinabi ko sa kanya. I have my own reasons kung bakit ako umalis noon. Alam kong mafi-figure out mong ano man yung rason ko para umalis, hindi ako mapipigilan ng kahit na ano na magpaalam, unless may issue ako sayo o sa pamilya mo.”
Tumango ako, ibig sabihin, kung ano man yung nangyari sa kanila ni Kiel, may kinalaman yun sa pag alis niya.
“Mahal kita, at di kita kayang iwan. Pero yung galit ko kay…Dexter, higit pa sa pagmamahal ko sayo. Ayoko na sanang makita siya pagkatapos nung nangyari sa kanila ni Hannah, kaya hindi na ko nagpakita sayo bago umalis, hindi ko inaasahang makita siya dito—“ hindi pa siya tapos pinutol ko naman yung pagsasalita niya.
“Teka, teka, anong nangyari sa kanila ni Hannah?” matagal nang mystery sakin kung bakit bigla na lang nagkaganun si Hannah, dati rati masayahin siya tsaka nakikipagusap saming lahat. Pero after mawala ni Ryan, bigla na lang naging matamlay si Hannah, akala ko noon dahil sa pagalis nung kapatid niya, may iba pa pala.
“Hindi mo rin alam yun? Ang dami mo atang hindi alam ngayon?” sabi naman niya. Oo nga eh, ang dami kong di alam, bakit ba kasi ako lagi yung behind the news?
“Nabuntis niya si Hannah, nagalit si Papa kaya pinalayas siya. Tumira siya sa apartment pero kahit ilang buwan na, hindi pa rin lumaki yung tiyan niya. Yun yung tima na narealize ko yung nangyari. Pinalaglag nila ni Dexter yung baby. I can’t believe na nagawa ng Kuya mo yun Jay, hindi ba niya kayang panindigan yung ginawa niya sa Ate ko? Lalaki ba siya? Hindi ko kinaya yung depression ni Hannah kaya umalis na ko, and never came back.”
Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Ryan, totoo ba talaga yun o pati Kuya ko sinisiraan na rin niya? Wala naman siyang mapapala kung magsisinungaling siya diba? Tumingin ako sa kanya, seryoso siya, tinuloy na niya yung rason kung bakit siya sinapak ni Kiel.
“Nung una pa lang tayong magkita dito, alam ko nang wala ka nang natitirang pagmamahal sakin, nakita ko kung paano mo tignan si Kiel, kung paano mo i-assure sa kanya na ok ka lang. Nakita kong mahal mo siya at wala na kong pag-asa sayo. Kilala kita kaya alam ko kung paano mo pahalagahan ang nararamdaman ng taong mahal mo.”
Habang sinasabi niya to, hindi lang ako yung nakikinig, sa gilid ng mata ko, nakita kong bumukas yung pinto, sabay kaming tumingin ni Ryan kay Kiel, lumabas siya ng kwarto tapos umupo sa harap namin ni Ryan.
“Sige ungas, ituloy mo yung kwento mo, bakit mo sinabi yun?” sabat ni Kiel.
“Kasi alam kong magagalit ka kapag sinabi kong hindi ko mahal si Jay.” Tumingi sakin si Ryan tapos ngumiti.
“Sinabi ko sa ungas na to na hindi kita type at pinaglalaruan lang kita. Gusto ko kasing magalit siya sakin at bawiin ka, hindi kita kayang saktan by breaking up with you. Alam kong siya yung taong nararapat para sayo, ginawa ko rin yun para masiguradong mahal ka niya.” Tapos tumingin siya kay Kiel.
“Sorry bro sa mga sinabi ko, hindi ko naman talaga intensyong laitin si Jay, gusto ko lang marealize niya kung sino yung taong di niya kayang mawala. And nung nakita ko pa lang siyang nakaupo sa tapat ng kwarto mo, alam ko na kung sino yung di niya kayang mawala.”
I can’t believe na his perfectly right. Nakayuko lang ako kasi alam kong namumula na yung pisngi ko. Iniwan na kami ni Ryan, para daw makapag-usap kami ng maayos. Maraming nangyari samin, paano ko naman siya kakausapin? Buti na lang siya yung nauna magsalita.
“Ano sanang kukunin mo sa kwarto ko kanina?” tanong niya, pano naman niya nalamang may kukunin ako?
“Butter cookies…tsaka yung cd…”
“Gusto mo pa ring marinig yung kanta ko?”
“Oo sana.”
“Wait.” Tumayo siya tapos pumasok sa kwarto niya, pag labas niya may hawak na siyang bag ng cookies, cd player at post its. Nagets ko yung dalawa pero yung post its, hindi. Pinatugog niya yung cd, tapos umupo siya sa tabi ko. Walang lyrics yung song, puro piano lang. Pagkatapos nun, inabot niya sakin yung post its.
“I may not be the best man that you’ll ever have, but girl… when you look at me, I felt like im the luckiest man alive.”
“Too bad you let “PAST” come in between us, but baby I’ll never let you go, never let your heart choose the man who’ll hurt you…”
“Hindi ako tanga o manhid Eah, marunong akong magmahal kahit ganito lang ako. Pero may taong mas deserving pa kesa sakin.” Natapos yung tugtog, sumunod yung “When I look at you” pero kasabay nun, kumakanta rin ako sa record, nirecord ata niya to nung araw na nakatambay ako sa kwarto niya.
Hindi ko alam kung anong pinapahiwatig ni Kiel, hindi rin ako tanga…o manhid, alam kong nagpapaalam siya sakin, pero bakit? Bakit ngayon pang wala nang hadlang saming dalawa?
“Im just not good enough for you Eah, at ayokong masayang yung pagmamahal mo sa taong tulad ko.”
“Pero mahal na kita! Minahal na kita noon pa, at mamahalin pa rin kita ano pang sabihin mo!”
“Hindi ko pa kayang maging seryoso sayo ngayon Eah, hindi ko pa kaya yung ganitong commitment. I love you Eah, pero it’s not enough para pangakuan kita ng kahit na ano. I’ll always love you Eah. Goodbye.” Then, he left and never came back.
No comments:
Post a Comment