***4***
“Ano?! Step bro ba yung sinabi ni Dexter? Pano?Bakit? Si Earl?” naguguluhan na talaga ako. Ano ba yan. Akala ko pa naman pag nagkwento na sila, maiintindihan ko na. eh mas lalo pa atang gumulo yung pangyayari.
“Eah. You don’t have to know everything in one day. It’s healthier for you to wait for them. Kung kailangan mong malaman ang isang bagay, malalaman at malalaman mo rin yun. You just have to wait.” Sabi niya habang nakatingin sa sunset.
It’s the first time na nakapanood ako ng sunset. Kasam ko p si Kiel. Usually kasi, kapag sunset sa manila, natatakpan ng buildings or ng mga puno. Ngayon ko lang nakita kung ano yung sinasabi nilang “beauty of sunset”.
“May nabasa akong libro noon na may line yung main character na, ‘The magic of this sunset is useless and boring without your true love. It is love which gives the sun the power to break our shells. Love makes us confident despite of the disappointments we had.’ Love made me confident of what I am Eah.” Nakatingin pa rin siya nun sa horizon habang nagsasalita.
“Kiel, bakit Zik yung tawag nila sayo?” wala lang talaga akong maisip na itanong kaya yun na lang.
Tumingin siya sakin, tapos ngumiti. Sabi niya “Ezikiel dapat pangalan ko, kaso gusto daw ng Mommy ko, may X sa pangalan ko, kaya naging Exekiel.”
Ahh, ganun pala, kaya naman pala Zik kasi Ezikiel, pero mas maganda pa rin yung Kiel. Natahimik na naman ako. Tumingin naman ako sa kaliwa ko. Syempre nandun pa rin si Felix na naglalaro ng snake 3 sa phone niya. Natutuwa ako kay Felix, mukhang walang problema itong taong ‘to, lagi siyang nakatawa. Samantalang ako, lagi na lang akong naguguluhan. Buong buhay ko, marami akong tanong na hanggang ngayon hindi pa nasasagot. Nadagdagan lang. Ang sarap niya bigyan ng problema. Mas mapapadali siguro yung pagiisip kapag hindi makata yung kausap mo. So si Felix naman yung ginulo ko.
“Felix, nakakapag-tagalog ka ba?” sabi ko. Tumawa bigla si Kiel, humalakhak would be the right term. Kulang na lang gumulong siya. Anong nakakatawa sa tanong ko?
Nakatingin sakin si Felix nun, masama yung tingin niya, mukha na naman ata akong tanga? Anong mali sa tanong ko?
“Yah Ej, nakekepag-tagalowg akow. But I prefer speaking in English, nakeketawah kaseh yung accent ko peg tagalowg. So speak to me in tagalowg if you want, but I’ll answer you in English. These monkeys here just got carried away by my language, that’s why they speak to me in English too.”
Unfortunately, hindi ko na rin napigilang tumawa. Tagalowg? Wow! Nakeketawah! Pakiramdam ko ang babaw ko ngayon. Kaya pala tawa ng tawa si Kiel, sana nag-English na lang siya para hindi namin siya napagtawanan. Nabadtrip naman ata siya nun tapos bumalik na sa paglalaro.
“Magtetenowng kah, tapows pagtetewanan niyo lahng akow.”
Mas malakas pa ata yung tawa namin ni Kiel nun. Biglang lumapit si Dexter samin, napansin ata niyang pinagkaka-tuwaan namin si Felix kaya makikisali na rin siya. Nung tinignan ko si Earl tsaka Claire, magkatabi na sila, nag-uusap na pero hindi pa rin nila makuhang tumingin sa isa’t isa. Nakatingin din nun si Kiel, tapos umiling. Tumingin siya sakin then ngumiti, minsan talaga mukhang retarded itong si Kiel. Ang hilig ngumiti kapag tumitingin sayo, akala mo may kung anong nakakatawa sa mukha mo. Tumabi na kay Felix nun si Dexter tapos tinanong niya kung bakit badtrip si Felix samin. Si Kiel yung sumagot, kaso mukhang walang humpay na tawanan na naman to.
“Hindi kow namen sinahsedyeng pagtewenen yung Tagalowg mowweh, kasow pare keng jejemown mag saleteh. Ibeng ibe ke telegeh brow”
Tapos gumulong na nga siya sa kakatawa. Bawal pigilin ang tawa, baka kabagin kami. Masama yun sa environment. Namumula na yung mukha ni Kiel kakatawa. Pero napigilan siya sa sinabi ni Felix.
“Go on Zik, just laugh at me, I bet Ej would love to know what happened the last time you laugh that much.” Sabi ni Felix. Hay naku, isa na namang bagong hiwaga sa baul ng katanungan. Ano na naman ba yung ibubunyag na sikreto ni Felix?
Madilim na nun pero nakahiga lang kaming apat sa batuhan. Sila Claire nag-uusap pa rin sa malayo, malamig na kaya tumayo na ako. To remind you all, naka-razor back ako. Naka-cut off sleeves din si Kiel kaya malamang giniginaw na din yan, pero nakahiga lang siya sa batuhan. Si Felix naman, mukhang hindi giniginaw kahit naka-sando lang, sanay yan sa states eh kaya nakahiga lang din siya, nakapatong yung braso sa mata niya kaya mukhang tulog na. Si Dexter, tulog na din. Kami na lang ni Kiel ang gising na gising pa.
Siguro isa na to sa most memorable summer I’ll ever have. Dito masasagot halos lahat ng tanong ko na gumugulo sakin buong buhay ko. First of all, ano yung totoong nangyari sa Daddy ko. Ang alam ko noon, namatay na siya. Pero yun lang yung sabi nila Dexter at Mommy, walang grave or anything. Kaya nung sinabi ni Dexter na step bro namin si Earl, kinabahan na ako. Isa lang ibig sabihin nun. Step dad niya yung Daddy ko. Pangalawa, bakit ayaw ni Kiel dito? Mukha namang masaya siya kasama nung mga pinsan niya ah. So what’s wrong about the place? Pangatlo, hindi ko sigurado kung dito ko malalaman, pero susubukan kong alamin ngayong summer kung bakit bigla na lang nag-iba yung ugali ni Hannah samin at kung bakit pumayag si Kuya na iwan siya sa Manila. And lastly, ano yung totoong nararamdaman ko para kay Kiel?
Napatingin ako nun kay Kiel, nakatingin din siya sakin. Tapos napatayo siya nung nakita niya na malungkot yung itsura ko.
“Hey, anong problema mo? Giniginaw ka na ba? Masama ba pakiramdam mo? Ano?” tanong niya. Umiling lang ako. He doesn’t have to know the last question.
Ngumiti ako para di na siya mag-alala kaya ngumiti na din sya, hindi ko alam kung hanggang kelan ako ganito. Minsan, pakiramdam ko, hindi ako dapat ma-fall sa kanya, kasi naman parang hindi niya ‘ko magugustuhan. Kaso, minsan din, hindi ko maiwasang magustuhan siya. Lalo na ngayon. Sobrang maalalahanin niya. Humiga na ako, nakatingin pa rin siya sakin na parang naguguluhan sa kinikilos ko. Ako rin eh, naguguluhan. Kahapon ko pa lang nakilala itong lalaking to, tapos maiinlove na ako? Ano kaya yun?
“Kiel. Naka-ilang girlfriends ka na?” yun lang yung gusto ko malaman for now. Next time na lang kung sino. Imposible namang wala, kasi sobrang gwapo niya. Eh kung ako ngang mukhang zombie naka-limang boyfriend na, yung ganito kagwapo pa? Kaso yung sagot niya mukhang ewan lang eh.
Humiga siya sa tabi ko tapos sabi niya, “Actually, wala pa talaga. But im plannin’ to court someone.” Tumingin siya sakin sandali pero iniwas din niya kasi nakatingin ako sa kanya. Buti na lang madilim, kasi nararamdaman ko nang umiinit yung pisngi ko. Bakit ba kasi kailangang mag-blush sa tuwing titingin siya sayo, ha Ej?
Pero bukod dun sa pagtingin niya saking yun, parang nakaramdam din ako ng kirot sa puso ko. Wow, nahahawa na ata ako sa pagiging makata niya. But seriously, if he’s planning to court someone, wala na talagang pag-asa ‘tong feelings ko para sa kanya. Mukha namang hindi niya type yung mga mukhang zombie eh.
Kanina ko pa sinasabing mukha akong zombie. Ganito kasi yung itsura ko, hindi ako payat na payat, pero hindi mo ko maco-consider na chubby. Sakto lang. Maputi ako, no, maputla pala. Hindi ako mahilig matulog ng maaga kaya may dark circles sa paligid ng mata ko. Bukod pa yun sa eye bags ko. Lagi akong mukhang haggard kahit lagi lang akong naka-higa. To sum up everything, pangit ako. Pero hindi ko rin alam kung bakit may pumatol sakin noon.
“Ikaw Eah? Naka-ilang boyfriends ka na?” hindi ata ako makasagot. Kahit na nakalima na ko, isa lang naman dun yung naging seryoso ako, so ilan sasabihin ko?
“Isa lang. Hindi ko na kino-consider na boyfriend yung hindi seryoso.” Sus! Palusot mo Eah Joy! Isa lang kasi yung sigurado kang minahal ka din. At si Ryan yun. Yung younger brother ni Hannah na girlfriend ng kuya mo na nagpasagasa dahil sa “step bro” mo na ex ng ate mo na naiinis sa lalaking nasa harapan mo ngayon na unfortunatelly, crush mo. Ay ang gulo mo Ej!
“Sino naman yung guy? Wow ah, kakaiba din yung type niya, zombie like.” Sabi ko na nga ba eh! Mukha talaga akong zombie, hindi lang basta exaggeration yun. Ipagdutdutan daw ba?
“Ryan yung name niya. And yeah, zombie like yung type niya!”
Na-badtrip ako kaya sinungitan ko na din siya. Kahit matagal na kaming wala ni Ryan, ipagtatanggol ko pa rin siya. Tutal di naman ako type nitong lalaking to, di na kailangan magpanggap na mabait. Tinawanan lang nya ko tapos sabi niya,
“Sana someday ma-meet ko siya. Para malaman ko kung paano manligaw sa zombie.” Tumawa siya tapos tumahimik din. For a moment inisip kong baka ako yung liligawan niya, sino pa bang mukhang zombie dito? Kaso tumawa siya, kaya malamang imagination ko lang yung thought na yun. Too bad.
Nakatingin lang ako nun sa langit. Full moon pala ngayon. Nakakatakot pero nakakatuwa kasi eto yung unang araw na nakausap ko ng ganito katagal si Kiel. Ngayon ko na-experience lahat ng feelings na akala ko noon di ko mararamdaman. Inaantok lang siguro ako kaya nagkakaganito na ko. Tulog naman sila kaya hindi naman siguro masamang matulog din. Ipipikit ko na sana yung mata ko nung biglang may nag-flash sa kaliwa ko.
“Exekiel and Eah Joy, caught on cam!” sigaw ni Felix.
Oh. My. God. Malapit ko na talagang mapatay tong amboy na to. Tumakbo siya kasi hinabol ko siya. Tama yan Felix, tumakbo ka lang hangga’t kaya mo pa, runner ata ako, mabilis akong tumakbo no!
Umabot na kami sa part nung beach na medyo may tao. Habang tumatakbo siya, napansin kong may kinakabit siya sa camera niya na parang case. The next thing I knew, nakasisid na siya sa dagat. Swimmer versus runner? Unfair ata yun ah! Hindi ko na siya hinabol sa dagat, pero after a few minutes may nakita na akong inaanod na figure papunta sakin.
Kinabahan na ko, si Felix ba yun? Akala ko ba swimmer siya? Tumakbo ako papunta sa kanya para dalin siya sa beach. Nung hahatakin ko na sana siya, bigla na lang niya pinalupot yung kamay at paa niya sakin. Anakanangtokwa! Akala ko pa naman nalunod na, sayang! Tumawa siya ng malakas, yung tipong nagtinginan lahat ng tao sa resort.
“I caught you Ej!” sigaw na naman niya. Yeah right, he caught me. Ano ako, isda?
Nabadtrip na talaga ako kaya bumalik na ako sa beach. Hindi na ko bumalik sa batuhan kasi papunta na rin naman sila samin. Nag-sorry naman si Felix, hindi ko siya pinanpansin kaso nung nagtagalog siya hindi ko na mapigilang tumawa.
“Soooorrrrryyy Ej, mapepetewed mow bah kow?” pati siya natawa na rin sa sinasabi niya.
Nung makarating sa beach sila Dexter, isa lang yung unang napansin namin ni Felix, sabay pa kaming natulala at napasabi ng
“NO WAY!” magka-akbay na kasi sila Earl at Claire. Sila na ulit? Ano ba yun? Akala ko ba step brother namin si Earl? Akala ko ba hindi pwedeng maging sila? Dumami na naman yung tanong ko. Pero sinigurado naman ni Earl na masasagot yun ngayong gabi.
“Mamaya ko na lilinawin lahat lahat. Lalo na sayo Ej, alam kong marami kang hindi naiintindihan. But before anything else, mag dinner muna tayo. Sinabi ko na kay Mama na doon tayo kakain sa Main House lahat. Para ma-meet niyo na din lahat ng nakatira dito.” Sa haba ng speech niya, tyan ko lang sumagot sa kanya. Nagugutom na talaga ako.
“So everyone’s gonna be here tonight?” tanong ni Felix. Tumango lang si Earl. Tumingin silang dalawa sakin. Oh? Bakit na naman? Habang naglalakad kami papunta sa bahay, kasabay ko sila Kiel at Felix, magkakasabay naman sila Earl, Dexter at Claire. Dahil ata sa age gap kaya kaming tatlo ang magkakasama lagi. Kinausap naman ako bigla ni Felix about something na hindi ko inaasahang mapag-uusapan namin.
“Ej, you had a boyfriend, Ryan right? I heard your conversation with Zik earlier. Can I ask what happened? Why did you two broke up?” sobrang casual nung pagkakasabi niya. Hindi ba niya alam na masakit alalahanin yung isang tao na nakapagpasaya sayo? Na naging rason kung bakit hindi ka na-inlove sa ibang tao pagkatapos niya. Well, I thought I fell in love with Kiel pero hindi ko na sigurado ngayon. Nagsimula nang tumulo yung luha ko. Hindi siguro nila napansin kasi madilim na rin. Ayoko na sanang alalahanin si Ryan. He actually left me for no reason. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero bigla na lang siyang nawala, as if he never existed in my life. Pakiramdam ko nararamdaman ko ulit yung lahat ng sakit na dala nung pag-alis niya. Pero bago pa ako makasagot sa tanong niya. Napahinto ako sa tapat ng glass door na papasok sa bahay. Is it just a dream? O nightmare ba tawag dito? Imposible naman yun diba? Ganun na ba kaliit ang mundo? Dinugtungan ni Felix yung sinasabi niya. Sinagot na naman niya yung tanong ko.
“Coz you know… Ryan’s here.”
No comments:
Post a Comment