love stories my ME!!!

welcome to my blog!
hope you enjoy reading my stories!
watch out for the other chapters that will be published here soon!

14 June 2010

FACEBOOK chapter 2

Chapter 2: PEACE

Habang naglalakad ako papasok ng kwarto, iniisip ko na kung gaano kamali si Nico sa pagkakakilala niya sakin. Maraming beses na kong nasabihang pa-asa, flirt, play girl, pero ngayon lang talaga may nagsabi saking amature ako pagdating sa pagpapayo. Nakakainis na siya, bakit ba nakikielam siya sa buhay ko? Ano naman kung hindi ko naa-apply sa sarili ko yung mga pinapapayo ko sa iba? Bakit ba kailangan niyang sirain yung focus ko? Sino ba siya?

Binuksan ko yung computer ko kahit madaling araw pa lang, nag auto-recover pa dahil nga hindi maayos yung pagkakapatay ko kahapon. Medyo matatagalan pa siguro kaya bumaba muna ako sa kusina para magtimpla ng kape. Usually kapag nagka-cram lang ako nagkakape, pero ngayong stressed ako, ito lang ang kailangan ko. Sumilip ako sa sala kung may gising na, nakita ko si Manang Ida, yung kasambahay namin, na nag-aayos ng mga throw pillow. Hindi naman ako papagalitan nito. Umakyat na ko sa kwarto ko at umupo na sa harap ng computer. Ni-refresh ko ng ni-refresh kahit di naman kailangan, nung nagsawa na ko, binuksan ko na agad yung facebook. Sino naman kayang mga online ngayon, eh ang aga aga pa. Nung naka-log in na ako, may 8 online friends, hindi ko kilala yung 7 pero yung isa eh si Nico.

Paula: Ang aga natin ah!
Nico: Bakit gising ka na bata?
Paula: Sinong tinawag mong bata?
Nico: Ikaw. Di ka ba marunong magbasa?
Paula: Ang kapal mo rin eh no?
Nico: Di naman, mejo lang.
Paula: Gusto ko lang sanang linawin sayo na hindi ako makikielam sa mga trip mo, kaya sana wag mo na rin akong pakielaman sa ginagawa ko.
Paula: leave me alone!
Nico: ganun? Eh panu kung trip kong bwisitin ka? Ok lang talaga?
Paula: ginagawa mo na nga eh.
Nico: ahahaha! Hindi pa no. Marami pang mas malala dito.

Hindi na ako nagreply, mabu-bwisit lang ako lalo. Tinignan ko lang yung profile ko, tapos yung fan page, maraming bagong fans na nanghihingi ng payo sakin, pero wala pa ako sa mood para mag advice. Sana hindi na lang ako nag OL, wala naman masyadong magawa eh. Nag post na lang ako sa wall nung page, baka may gising na fan or co-admins ko.

“Hindi mo malalaman kung sino ang para sayo, kung yung sarili mo mismo, hindi mo alam kung sino.”

Naghanap muna ako ng mga post na makakapagpabuhay nung “taga-payo” sa loob ko, kaso isa lang yung napansin kong post, yung kahapon. Dumami yung comments, nagagalit sila kasi bakit daw kay Nico ko lang sinabi yung about sa love life ko, bakit daw ayaw kong aminin sa kanila. Natuwa naman ako sa comment ni Nico sa dulo.

“Sorry guys, wala ako sa posisyon para sagutin yung mga tanong niyo. Pero nung nakausap ko si Pea-G, alam kong hindi maganda yung pinagdaanan niya kaya wag na natin ipaalala sa kanya. OK? Kawawa naman sya eh.”

Kawawa? Siguro nga. Makikpag bati na nga ako bago pa lumala yung sitwasyon. Hindi naman ako war freak eh. Nagsimula akong magtype, at nung naikabit ko na yung comment ko, mga 5 seconds pa lang, lumabas na yung chat box niya.

Nico: Totoo?
Paula: anong totoo?
Nico: Yung comment mo, magpapatulong ka talaga sakin?
Paula: Pwede ba?
Nico: Ok lang, kaso… bakit sakin pa?
Paula: Ayaw mo ba?
Nico: Ok nga lang, pero, ibig sabihin ba nito ok na tayo? Wala nang away?
Paula: Yeah, so tutulungan mo ba akong makaganti sa ex ko o hindi?
Nico: Game ako, sino ba yun?
Paula: si Jei-C.
Nico: Jei-C? as in Admin Jei-C? Yung creator nung fan page?
Paula: yeah, sya nga. Sa Facebook lang kami nagmeet.
Nico: Ano? Nakikipagrelasyon ka sa facebook? Baliw ka na ba? Anong nangyari sa inyo?
Paula: Matagal na nung nagbreak kami, mahal niya pa kasi yung ex niya.
Nico: At pumayag ka namang makipagbreak siya sayo ng ganun ganun lang?
Paula: Hindi. Maraming beses pa niya kong pinagmukhang tanga bago ako tuluyang sumuko.
Nico: Paki-kwento nga lahat ng nangyari, medyo di ko kasi ma-gets eh.
Paula: smart user ka ba?
Nico: oo, bakit??
Paula: Tawagan na lang kita sa cp. Ano no. mo?
Nico: aahh, ok. 09*********
Paula: wait lang ah, papatayin ko lang yung computer tapos tatawag na ko.
Nico: Ok

Sinilip ko lang yung profile ni Nico bago mag log out. Natameme naman ako sa pictures niya. Hindi mo naman mahahalatang ganito siya kagwapo dun sa profile picture niya kasi nakatalikod siya. Pero yung ibang pictures niya, grabe! Pang heartrob talaga! Pinatay ko na yung computer ng maayos. Hindi naman pala masama ugali nung Nico na yun eh. Mabait rin pala, gwapo pa. Pero hindi ko pa rin alam kung gusto ko siyang maging kaibigan, basta ang alam ko, ginagawa ko to para hindi niya ako siraan sa mga fan.

Tumawag na ko sa kanya, wala pang dalawang ring may sumagot na.

“hello?” natameme na naman ako, ang ganda ng boses niya, ang sarap pakinggan. Parang yung boses ng mga singer sa bandang acoustic. Naalala ko naman yung isang album ng pictures niya na hindi ko natignan. Nakalagay dun GIGS. Posible kayang singer siya ng banda? Teka, bakit ba interesado ka sa kanya ha Paula?

“Hello Paula? Andyan ka ba? Bakit di ka sumasagot?”
“Ahh..eh sorry, natulala lang ako.” Siya naman yung hindi nakasagot. Ano yun, natameme rin siya sa boses kong ngarag dahil maaga pa?
“huy, bat ikaw naman yung hindi sumagot dyan?
“Ahh..ang ganda kasi ng boses mo, natameme ako.” Promise! Namula talaga ako nung sinabi niya yun. Adik naman nito, alam ko naman na maganda boses ko, bat kailangan pang sabihin?
“Talaga? Haha, thanks.”
“Naniwala ka naman? Hahahahaha”

Napatigil naman ako nun. Ang kapal talaga ng mukha nitong lalaking to.

“Harhar, alam ko namang nagjo-joke ka lang eh”
“Talaga? Edi ayos, di na ko magsosorry ah.”

Wow! Marunong ba siya magsorry? Kainis talaga to.

“So ano nang kwento?”

Inisip ko kung anong sasabihin ko. Mahabang dramahan din to. Sinimulan ko yung kwento ko sa dahilan kung bakit nagkalabuan kami ni Jerome a.k.a. Jei-C. Mahabahaba rin yung naikwento ko sa kanya. Tahimik naman siya habang nakikinig, akala ko nga tinulugan na ko pero tumatawa naman siya kapag tinatanong ko kung inaantok siya. Natapos yung kwento ko nang umiiyak ako at galit na galit si Nico sa mga ginawa sakin ni Jerome. Pinapatahan naman niya ako kahit sa phone lang kami magkausap.

“Paula, wag ka nang umiyak, hindi dapat iniiyakan yung ganung lalaki.”
“P-pe-pero…ang sa-sakit ka-kasi e-ehh…” garalgal pa yung boses ko nun. Pakiramdam ko naulit lahat ng nangyari noon samin ni Jerome, lahat ng sakit na pinagdaanan ko.
“Sorry nga pala dun sa nasabi ko kahapon ah, hindi ko alam na ganun pala pinagdaanan mo. Sorry.” Natuwa ulit ako, medyo nagugustuhan ko na tong si Nico, alam niya kung kailan dapat seryoso at kung kailan dapat magbiro. Pinatawad ko naman siya. Ok na kami, hindi na kami nagaway ulit nung araw na yun.

“So…ano nang balak nating gawin kay Jerome?” tanong ko naman.
“Hmm.. magpanggap tayong tayo na, pagselosin natin. Tapos aawayin ko siya dahil nalaman ko ngang ganun yung ginawa niya sayo. Ano bang gusto mo? Bugbugin ko na ba yun?”

Tumawa naman ako, walang wala naman kasi siya kay Jerome, kung ibabase mo dun sa nakita ko sa pictures ni Nico, payat siya kung ikukumpara kay Jerome. Muscles kung muscles si Jerome eh, siya parang hindi man lang nakakapag work out. Tinanong niya kung bakit ako tumatawa, nung sinabi ko yung rason, tumawa din siya.
“Tingin mo ba hindi ko kaya yung sarili ko?”

Nag-isip naman ako. Oo, tingin ko di niya kaya yung sarili niya, bakit, eh hindi naman siya maskulado no.

“Alam mo Paula, black belter sa Taekwondo tong kausap mo, wala akong inaatrasan kahit pa muscle na tinubuan ng katawan yung iharap mo sakin no.”

“Eh bakit kasi kailangan pang bugbugin, eh hindi mo naman kilala yun, tsaka ayoko rin ng away.”

“Eh friends na nga tayo diba? Sorry war freak lang. Eh ano ngang gusto mong gawin ko sa kanya?”

“Wala, hayaan natin sya, basta, isip tayo ng paraan para makaganti.”

Hindi ko namalayan na umaga na pala, nagulat na lang ako nung tinatawag na ko ni Kuya para kumain. Nagba-bye na ko kay Nico nun tapos bumaba na ko. Nasa mood na ko ulit, hindi ko alam kung anong dala nung Nico na yun sa buhay ko pero kahapon lang, siya yung dahilan kung bakit ako umiyak, tapos ngayon siya naman yung dahilan kung bakit ako masaya.

“Oh, little sis, ang saya mo ata ahh.” Bati sakin ni Kuya. Ngumiti lang ako tapos umupo na sa harap niya para kumain.
“Oo nga pala, magempake ka na, nakahanap na ng apartment sila Mama para sating dalawa, lilipat na tayo ngayon.”
“Huh? Ahh…ok” hindi naman ako mapili sa bahay kaya anything ok na, basta kasama ko si Kuya, medyo Kuya’s girl kasi ako eh.

Nagulat naman kami nung may nagdoor bell, tinanong ko si Kuya kung may bisita ba siya, sabi niya mamaya pa dapat.
“eh sino naman kaya yun?”

Si Manang ang nagbukas ng pinto, pumasok siya na may kasunod na lalaki. Sabay pa kaming napatayo ni Kuya nun. Hindi ko alam kung bakit nagulat din siya pero sabay pa kaming nag sabi ng “Nico!”

No comments:

Post a Comment