love stories my ME!!!

welcome to my blog!
hope you enjoy reading my stories!
watch out for the other chapters that will be published here soon!

23 June 2010

FACEBOOK chapter 3

Chapter 3: HOUSEMATES

Nag-tinginan kami ni Kuya, natawa naman siya. Im really confused. Kung magkakilala sila ni Kuya, bakit? Bakit di niya sinabi? Bakit nya ko inaway? Bakit nandito siya?

Tumingin ako sa kanya, ang tangkad niya! Grabe, di ko naman inimagine na ganito siya katangkad. Mamaw, matangkad pa kay Kuya. Tapos naka-long sleeves pa siya na shirt kaya di ko alam kung may muscle. Teka, bakit ba muscle hinahanap mo Paula? Ikaw ah. Obssessed ka na sa maskulado.

“Nics, ang aga mo naman, sabi ko after lunch pa eh, gabi pa naman alis namin.”

Lumapit si Kuya sa kanya, tapos umakbay si Kuya, hindi naman malayo yung agwat ng height nila, pero halata pa ring mas matangkad si Nico.

“Eh, nasense ko kasing kakain na kayo, pwede maki-join?” sabi niya, tumingin sya sakin, tapos sabi, “Kapatid mo to?”
“Oo. At alam kong kilala mo na yan, kaya manahimik ka na lang, hoy Paula,”
“Po?!?!” badtrip na ko nun.
“Akyat sa taas, dalin mo pagkain mo, may pag-uusapan lang kami nito.”

Kahit na di ko alam kung ano yun, at kung bakit siya nandito, umakyat na ako agad sa kwarto para magkulong, di ko na kinuha yung pagkain ko. Bakit nandito siya? Bakit kilala niya si Kuya? Kanina lang kausap ko pa siya sa cellphone tapos ngayon nandito na siya sa bahay namin? AAAAHHHH!!! Naguguluhan na talaga ako. Hindi ko na alam kung ano bang pakay niya sa buhay ko? Tsaka bakit biglang nagseryoso si Kuya? Anong meron?

“TOK, TOK, tao po…” nagulat ako nung biglang bumukas yung pinto, hindi ko ba na-lock yun? Nakatayo siya sa doorway, tumalikod naman ako sa kanya. Sa lahat ng taong gusto kong makita sa pinto ko, nasa huli siya ng listahan.

“Paula, sorry kung di ko sinabi sayo…best friend ko si Arnold.”

Humarap ako sa kanya, naiinis talaga ako, bakit di na lang niya ko tantanan para maayos diba? Yung huling kaibigan ni Kuya na nanloko sakin sa facebook eh si Jerome. At kung best friend nga siya ni Kuya, imposibleng di niya kilala si Jerome. Ano to? Trip talaga nila ako?

“Ano bang gusto mo? Pinagti-tripan mo lang ba ako? Kaibigan mo rin ba si Jerome? Bakit ba gustong gusto niyo kong pinapaiyak?”
“EH BAKIT KA NAMAN IIYAK??? Hindi naman porket kaibigan ko si Arnold at Jerome, pinagtritripan na kita. Wag mo kong itulad sa Jerome na yun. Oo, inaamin ko, alam kong naging kayo noon pa, pero hindi yun yung dahilan kung bakit kinaibigan kita. Gusto ko lang naman makilala yung magiging housemate ko!”

Ano daw? Housemates? Kami? Bakit? Pano? HUH?! Nagulat talaga ako. Akala ko sa pelikula lang nangyayari yung ganitong sitwasyon. Kasama mo sa bahay yung…teka! Di ko naman gusto tong taong to ah! Erase, erase.

“HOUSEMATE?!?!?!?”
“Oo, hindi pa ba sinasabi ni Arnold na makikitira kayo sa apartment ko?”
“KUYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!

Kumaripas naman ng takbo si Kuya papunta sa kwarto ko, hinihingal pa siya nung dumating siya. Akala niya siguro may kung anong ginawa si Nico sakin. Tinitigan ko lang siya. Oo, ok lang sakin kahit saan tumira, basta kasama si Kuya, pero hindi naman ako papayag na may kasama kaming lalaki na hindi ko pa masyadong kilala.

“Housemate? Siya?” tinuro ko naman si Nico. Tapos sinundan ng tingin ni Kuya yung kamay ko. Napadiretso siya ng tayo.
“Ay…oo, hindi ko nga pala nasabi. Makikitira tayo sa mansion niya, este bahay pala.” Sabi ni Kuya. Ok. Confirmed na, lilipat na nga talaga kami ngayon.
“Apartment yun, hindi bahay.” Sagot naman ni Nico, seryoso siyang nakasandal sa pader. Sa ganitong angulo, nakikita mo yung mysterious side niya, natatakpan ng buhok niya yung mata niya tapos nakayuko pa. Ang cute talaga niya…ay ano ba yan Paula?!

“Ok. Sige, papayag na ko, pero sana Kuya, sa susunod, wag ka naman makakalimot magsabi.”

Umupo na ko sa kama ko tapos hinatak ko yung bag sa ilalim ng kama, magsisimula na kong mag empake ngayon.

“Kumain na kayo sa baba Kuya, mamaya na ko. Mageempake na ko. Nico, may iba pa bang kasama sa bahay niyo?”
“Little sis ko, si Lorjane, grade six”
“Lorjane? Ang weird naman ng pangalan.”
“Lorina Jane” binuo pa yung pangalan.

Lumabas na sila ng kwarto ko, ni-lock ko na rin yung pinto. Ayoko ng may nanggugulo kapag nag-aayos ako ng mga gamit ko.

Nagulat ako nung may narinig akong kumakanta sa sala, hindi yun radio, hindi rin si Kuya…si Nico.

When I was younger
I saw my daddy cry
And curse at the wind
He broke his own heart
And I watched
As he tried to reassemble it

And my momma swore that
She would never let herself forget
And that was the day that I promised
I'd never sing of love
If it does not exist

But darling,
You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception

Isa sa mga madalas kong pakinggan yung song na to. Ang galing ng pagkaka-kanta niya. Kahit girl yung kumanta, maganda pa rin pag siya.

Hindi ko na napigil yung pagiging usisera ko. Bumaba ako sa sala, nandun siya, may hawak na gitara, nakaupo sa sofa. Ang weird ng pakiramdam, akala ko natural na yung pagiging nakakabadtrip niya, pero ngayon, natutuwa talaga ako. Tumingin siya sa direksyon ko, pero di niya ko nakita kasi nagtago ako sa pinto…or so I thought. Tumayo siya tapos kumuha ng juice sa ref.

“At home na at home ka ata ah.” Lumabas na ko sa pinagtataguan ko.
“Titira naman kayo sa bahay ko eh, anong masama kung maging at home ako dito?”

Sa bagay, may point siya, pero ang yabang talaga eh. Kaasar!

Gumabi na rin, nandun lang sya sa bahay, nangangalikot ng kung anu-anong bagay sa sala. Natulog na ko’t lahat di pa rin kami umaalis, nagulat na lang ako nung ginising ako ni Kuya.

“Pau, gising na, aalis na tayo.” Tumingin ako sa relo ko, nagulat naman ako, 11 pm talaga dapat umalis? Bakit? Ano sila, bampira?

Sumakay na kami sa kotse ni Nico. Oo, may kotse siya, sosyal ang loko, pero may driver, 17 pa lang kasi siya kaya hindi pa pwede magdrive. Si Manong lang kinulit ko, wala ako sa mood kausapin yung dalawa.

“Manong, san tayo pupunta?”
“Sunny Hills po Ma’am Paula, nandoon po yung bahay ni Sir Nico”
“Apartment daw yun Manong” ako pa nag-correct.
“Ay, oo nga po pala. Apartment po.”
“Eh manong, gaano katagal na kayong nagtra-trabaho kila Nico?

Kinalabit naman ako ni Kuya tapos may tinuro sa right side na malaking bahay. Bumaba na kami, eto? Eto ang apartment niya? Mansion to eh! Pano pa pag bahay na niya? Palasyo? Naglakad na kami papasok ng bahay. Nakapatay lahat ng ilaw.

Sa sobrang tapang ko, ako na pala yung nangunguna saming tatlo na maglakad. Kaso… pag lingon ko, wala na sila. Nakasara na yung gate, tapos nakabukas yung front door. Ayoko pa sanang pumasok kaso may kumaluskos sa mga halaman kaya napatakbo ako papasok. Ang dilim, sumigaw ako ng Kuya, tapos biglang may tumawa sa dilim. Iiyak na sana ako, kung hindi lang bumukas yung ilaw.

Nasilaw pa ko sa spot light, pero nung naka-adjust na yung mata ko, natameme na ko. May malaking banner ng HAPPY BIRTHDAY PAULA!

No comments:

Post a Comment