love stories my ME!!!

welcome to my blog!
hope you enjoy reading my stories!
watch out for the other chapters that will be published here soon!

25 May 2010

EAH chapter 2

***2***

I swear, kung hindi ko lang nanay ‘to, kanina ko pa siya binatukan. Imposible naman kasing maging kami nitong lalaking ‘to. Una, hindi kami close, pangalawa, imposibleng magustuhan niya ko. Oo nga’t pareho kami ng mga gusto, but it doesn’t mean na BAGAY na kami.

Umalis si Mommy kasi may phone call from Boracay. Emergency ata. Kami namang dalawa, natahimik lang. Ewan ko ba, ang weird ng nararamdaman ko, nahihiya na natutuwa na nalulungkot.
Nahihiya, kasi nga sinabihan kami ni Mommy na bagay kaming dalawa. Natutuwa, kasi in some ways, I really like him. And nalulugkot, kasi imposibleng magustuhan niya rin ako.

Naligo na ‘ko para makaalis na kami ng maaga. Pagkatapos ng mga seremonyas ko sa bathroom, palabas na sana ako kaso nakita ko si Mommy at Tito Eric sa tapat ng pinto. Sumilip lang ako dun sa gilid ng pinto para di nila ako makita. Ayoko namang lumabas ng naka-towel lang. Naririnig ko silang nag-uusap about sa destination namin.

“Sorry talaga Eric, biglaan eh…Hindi ko alam kung anong gagawin ko dun sa mga anak ko… Wala ka bang ka-kilala sa Batanggas na pwedeng niyong tirahan?” sabi ni Mommy.

Magkadikit pa yung palad niya na parang nagmamakaawa talaga. Napakamot ng ulo si Tito Eric. Mannerism na nilang magtatay yun. Tumingin siya sa ceiling then kay Mommy.

“Meron, kaso… I’m not sure kung papayag si Kiel…tsaka…”
Nagulat na lang ako nung tumingin siya sa direksyon ko tapos ngumiti.
“Baka i-reto niya kung kani-kanino yung anak mo.” Sabi niya.

Ako ba yung sinasabi niya? Pero hindi ba sila lang ang magba-Batanggas? Kami sa Bora. Baka si Claire ang tinutukoy niya. Tama! Si Claire yun…hindi ako, so no need to worry. Bakit ba kasi sila magba-Batanggas? Akala ko ba ayaw nila umalis? Tsaka bakit magagalit si Kiel? Diba nga Bora kami pupunta? Hayy…ang gulo nitong matatandang ‘to. Tsaka sino ba yung tinutukoy ni Tito Eric? Nabasa niya ata yung iniisip ko, bigla ba namang sinagot yung isa sa mga tanong ko.

“Si Bea. Yung kapatid ko, nakatira siya sa Batanggas. Ayaw ni Kiel na nagpupunta dun pero wala naman siyang magagawa kung kasama ako.”

So sister pala niya yung nasa Batanggas. Ano ba kasing meron sa Batanggas? Lumakad na sila mommy pababa ng hagdan kaya ako naman, lumabas na ng bathroom. Nakatingin ako sa kanila habang naglalakad papunta sa kwarto nung bigla akong mabangga. Palabas pala siya ng kwarto niya nun. Nahawakan naman niya ako sa balikat kaya hindi ako natumba…buti na lang…kaso…nakita pa rin niya akong naka-towel lang kaya napa-sigaw ako.

“Whoa! Whoa! Shut up!” sabi niya, nagulat din siya eh.

Tinakpan niya ng kamay niya yung bibig ko tapos hinatak niya ‘ko sa room niya. Nakita ko pang lumingon sila Mommy pero hindi nila ako nakita. Oh my God! Iligtas niyo ako dito! Hawak pa rin niya yung bibig ko tapos may kinuha siya na something na color blue. Binalot niya sakin, bath robe pala niya. Mukha tuloy akong lumpiang color blue.

Tinitigan niya ako sa mata. Seryosong seryoso pa siya, ako naman naiiyak na ata. Ayoko kasing may nakakakita sakin pag naka-towel lang ako, lalo na kapag lalaki, maiiyak talaga ako. Kahit nga si Dexter hindi pa ako nakikitang ganito, tapos siya? Siya na kahapon ko lang nakilala? Hindi naman masamang mahiya diba? Sinabi niya ulit yung sinabi niya kaninang madaling araw.

“wag kang sisigaw! Mamaya isipin pa nilang may ginagawa ako sayong kung ano, tatanggalin ko na yung kamay ko, wag kang sisigaw!”

Tumango na lang ako tapos tumalikod agad nung tinanggal niya yung kamay niya. Napansin niya atang naiiyak na ako kaya nataranta siya.

“So-sorry, kasi naman hindi ka nakatingin sa dinadaanan mo, nabangga tuloy kita, wag kang magalala, wala naman akong nakita eh” kumakamot pa siya sa ulo niya habang nagsasalita.

Nakaharap ako sa salamin kaya nakikita ko pa rin siya. Nakatingin siya sa pinto tapos namumula yung mukha niy. Nagbu-blush ba siya? Ewan. Basta ako namumula na talaga yung mga mata ko. Kanina ko pa pinipigil yung pag-iyak ko.

Binuksan niya yung pinto para sakin. Then pumunta siya sa kama niya na hindi halatang kama sa sobrang dami ng damit na naka-kalat. Ngayon ko lang napansin kung gaano kakalat nung kwarto niya. May mga CD sa table, mga sapatos na nakahilera sa sahig, mga can ng coke, at sangkatutak na damit at bag na nasa kama niya. Ano to? Dadalin niya lahat? OA din ‘tong lalaking to eh, hindi naman sila forever na titira dito.

“Anong mas maganda suotin? Itong sleeveless na black o itong blue na may collar?” hindi siya nakatingin sakin habang nagtatanong. Hindi ko na lang siya sinagot, narinig ko kasing tumutugtog yung favorite song ko sa iphone niya. When I look at You.

Tinanong niya ulit ako tapos nung napansin niyang hindi ako nakikinig, nainis na ata siya. Sabi ba naman niya, “Pakisara na lang yung pinto pag naisipan mo nang lumabas at magbihis.”

Bigla akong natauhan sa sinabi niya. Oo nga pala! Suot ko pa rin yung bathrobe niya! Back to reality tuloy ako bigla. Tumakbo na ako palabas pero nung isasara ko na yung pinto, “Balik ka pag bihis ka na, may papakita ako sayo!” Tapos sinara ko na yung pinto.

After five minutes, naka-bathrobe pa rin ako. Pinagco-compare ko yung black na razor back tsaka blue dress. It’s summer, kaya maganda tignan yung dress, kaso ang init init naman. Mas comfortable din siguro kung naka-capri ako kesa naka-dress. “teka, ganito ba ka-big deal kung anong isusuot ko?” sabi ko sa sarili ko, natawa na lang ako kasi kinakausap ko na yung sarili ko. Nababaliw na nga siguro ako. Ibinalik ko na sa closet yung dress tapos sinuot ko na yung razor back at capri pants ko. Naka-braid yung buhok ko at nakaharap na ako sa salamin. I smiled. Mukha na naman akong galing ng “Tomb Raider”.

Siguro mga ten minutes pa bago ko naisipang kumatok sa kwarto ni Kiel. Pagkabukas niya ng kwarto niya nagtitigan lang kami, tapos sabay pa kaming tumawa kasi we matched. I wish I’ve worn my blue dress. He’s wearing a black cut-off sleeves at white na walking shorts. Nung tapos na kami tumawa, pinapasok na niya ako. Actually, wala namang nakakatawa dun, coincidence lang talaga, kaso parang feel ko tumawa ng malakas nung tumawa siya.

“Seriously Ej, are you trying to impersonate Angelina Jolie? Coz it’s perfect” sabi niya. Really? Tumawa na lang ako ulit. Hindi ko naman alam kung anong dapat kong sabihin. I’m not trying to impersonate anyone, nagkataon lang na naging kamukha ko si Angelina Jolie nung gumanap siya sa Tomb Raider. Umupo lang ako sa couch niya at hindi ko na pinatulan yung pangaasar niya. Nagulat talaga ako nung inilibot ko yung mata ko. Parang kanina lang ang gulo ng kwarto niya ah? Ngayon, mas malinis at mas organized pa kesa sa kwarto ko. Yung pile ng CDs kanina sa table, maayos nang nakasort. May dalawang box na nasa table, yung isa may label na “BATANGGAS” yung isa naman “BAHAY”. Hindi ko nagets. Ano yun, yung isang box dadalin niya sa Batanggas yung isa iiwan niya sa bahay? Ganun ba yun? Naguguluhan na rin ako kasi bakit ba may nasamang “Batanggas” sa scene?

“Ei, you like music right? How many songs do you have in your iPhone?” tanong ko.

Tumingin siya sakin, tapos hinagis niya sakin yung iPhone niya. Nung tinignan ko yung folder, muntik ko pang mahulog yung phone niya. 1867 songs? At organized lahat.

“Paano ka nakahanap ng ganito karaming kanta? Yung iPhone ko nga 100+ lang ata yung kanta.” Sabi ko. Natawa lang siya, sabi niya ganun daw talaga kapag music lover ka. Sinubukan kong hanapin yung kanta na pinapakinggan niya kanina. Naging favorite ko yun kasi ang ganda talaga nung message nung kanta. Kaso sa dami niyang kanta dito, pano ko naman mahahanap? Kanina pa ‘ko pindot ng pindot, hindi ko pa rin mahanap. Tinignan naman niya ‘ko nun, napansin siguro niyang naiignorante na ‘ko sa phone niya.

“Need help? Anong kanta ba gusto mo pakinggan?” Kinuha niya yung iPhone, tatlong beses lang ata siya pumindot tapos narinig ko nang tumugtog yung “When I look at You”.

“Pano mo nalaman kung anong kanta? And how did you do that so fast?” clueless talaga ako. Nilagay niya sa table yung phone, tapos bumalik na siya sa pagaayos ng bag. Kanina pa siya dun, bakit ba nya ‘ko pinapunta dito? Ano bang ipapakita niya?

Natapos na yung kanta, tapos natawa ako dun sa sumunod na song. Beethoven? From Miley Cyrus to this? It’s not even a song, it’s a symphony. Napalingon siya nung tumawa ako. Magkasalubong na naman yung kilay niya.

“Classical music is one of my favorites” sabi niya. Hindi na ‘ko nakatawa ulit kasi biglang may kumatok. Mas malapit ako sa pinto kaya ako nagbukas. Nagulat pa si Tito Eric nung nakita niya ‘ko.

“Ow, hi Ej, andyan ka pala, sakto, aalis na tayo. Ok na ba lahat ng dadalin niyo?” sabi niya.

Naco-confuse na talaga ako, aalis na KAMI? Means kasama siya? May kinalaman siguro ito dun sa narinig ko kanina sa labas ng CR. Nagexcuse ako napupunta ng ako ng kwarto, pagpasok ko, andun si Dexter, inilalabas yung bags ko.

“Oi! Nandyan ka lang pala, tulungan mo nga akong ilabas ‘yang mga bag mo, anong oras na tumatambay ka pa sa ibang kwarto.” Badtrip ata siya.

“Dex, kasama ka rin ba?” tanong ko, naguguluhan na talaga ako, ano ba to? Joke? Tinitigan niya ko na parang ‘seryoso-ba-tong-babaeng-to?’ “Hindi mo pa rin ba alam? Sa Batanggas tayong lahat ngayong summer. Si Mommy na lang ang magbo-boracay. Hindi kasi siya pinayagan na magsama sa trabaho, so since hindi tayo kayang bantayan ni Tito Eric mag-isa, magpapatulong siya sa kapatid niya na nasa Batanggas. Aalis na tayo kaya bilisan mo.”

Ganun pala yung nangyari. At least mas malinaw na ngayon. Kaming tatlo, titira sa bahay nila Tito Eric sa Batanggas habang nasa Boracay si Mommy, kasama namin sila Kiel. Did I get it right?

Lumabas na kami ng kwarto bitbit yung bags ko. Ang dami din pala ng dadalin ko, kahit di nagrereklamo si Dexter alam kong naiirita na yan. Kasalanan ko bang maging maarte sa damit? Ipinasok na namin lahat ng gamit sa van ni Tito Eric, tapos pumasok na ako sa loob. Naglalabas pa rin ng mga gamit si Claire nung lumabas si Kiel, isang bag na lang yung ipinasok niya sa van tapos pumasok na din siya sa loob ng kotse. Ako pa lang yung tao dun kaya tumabi siya sakin. Bakit ba napaka-FC nitong taong ‘to? Hindi pa naman kami close friends, right? Gusto ko namang maging close kami, kaso medyo hindi pa ata mangyayari yun. Ang weird niya eh, minsan mabait, minsan masungit… weird guy talaga siya.

“Hindi mo nga pala napakita yung dapat ipapakita mo sana kanina, ano ba yun?” Humarap ako kay Kiel, humarap din siya sakin, tapos may nilabas siya sa pocket niya. Yung phone niya, anong meron dun? Inabot niya sakin tapos tinignan ko. Eh? Yung wallpaper niya…paano niya to nakuha ng hindi ko napapansin? Picture naming dalawa yung nasa wallpaper niya. Nung madaling araw ata yun na kumakain kami ng butter cookies. Magkatabi kami tapos parehong may hawak na coke, tapos nakangiti kami pareho. Ang cute nung picture! Gusto kong ipapasa kaso nahiya naman ako. Bakit kailangang gawing wallpaper? Adik?

“Si Dexter kumuha niyan kaninang madaling araw, buburahin ko sana kasi ipinasa niya sa phone ko, kaso nung nakita kong cute hindi ko na binura.” Nagte-text siya habang nagsasalita. Hindi na ‘ko sumagot nun. Hinintay namin silang lahat na makapasok sa loob ng van bago kami nagusap ulit. Pero puro tungkol lang sa music. Music lover din naman ako, pero hindi lahat ng genre pinapakinggan ko, ayoko nga ng rap eh.

Matagal yung byahe, inaantok na nga ako eh, buti na lang katabi ko yung bintana, at least may masasandalan ako, ayoko namang sumandal sa balikat niya. Sumandal lang ako, tapos knock out na agad. Narinig ko pa ngang tumahimik silang lahat sabay tumawa si Dexter. Gigising sana ako, kaso inaantok talaga ako kaya hindi ko na pinatulan. Nagising na lang ako sa tapik ni Dexter.

“Ej, gising na, andito na tayo sa Batanggas.” Pagdilat ko ng mata ko, nakita kong palabas na silang lahat ng van. Kami na lang nung katabi ko yung nasa loob. Nagulat ako nung tumingin ako sa katabi ko, kanina pa ba ganito yung pwesto ko? ARGH!!! Nakakahiya talaga! Kaya siguro tumawa si Dexter kanina, kasi… kasi…








Nakatulog ako sa balikat ni Kiel!!!

No comments:

Post a Comment