love stories my ME!!!

welcome to my blog!
hope you enjoy reading my stories!
watch out for the other chapters that will be published here soon!

06 July 2010

TO MY DEAREST READERS, READ THIS!!!

Due to my HECTIC schedule, I decided to stop posting chapters, because I can't find time to type the next FIVE chapters. Yes, there's only five chapters left. I already finished the story FACEBOOK, but I haven't written it yet. *awkward laugh* it's still on my mind, playing again and again, as if it was recorded. Hey? Why am I writing an English blog? I usually write my stories in Tagalog. Haha. [sinapian lang ako]

Well, I really feel guilty for doing this, but I have to focus on my studies right now. T_T
[as if I study well]

So ayun nga guys, nagno-nose bleed na ko dito. haha. wag kayo mag-alala, someday. Someday, makakahanap ako ng oras para maisulat lahat ng nasa isip ko. I love you guys, God bless.

23 June 2010

FACEBOOK chapter 3

Chapter 3: HOUSEMATES

Nag-tinginan kami ni Kuya, natawa naman siya. Im really confused. Kung magkakilala sila ni Kuya, bakit? Bakit di niya sinabi? Bakit nya ko inaway? Bakit nandito siya?

Tumingin ako sa kanya, ang tangkad niya! Grabe, di ko naman inimagine na ganito siya katangkad. Mamaw, matangkad pa kay Kuya. Tapos naka-long sleeves pa siya na shirt kaya di ko alam kung may muscle. Teka, bakit ba muscle hinahanap mo Paula? Ikaw ah. Obssessed ka na sa maskulado.

“Nics, ang aga mo naman, sabi ko after lunch pa eh, gabi pa naman alis namin.”

Lumapit si Kuya sa kanya, tapos umakbay si Kuya, hindi naman malayo yung agwat ng height nila, pero halata pa ring mas matangkad si Nico.

“Eh, nasense ko kasing kakain na kayo, pwede maki-join?” sabi niya, tumingin sya sakin, tapos sabi, “Kapatid mo to?”
“Oo. At alam kong kilala mo na yan, kaya manahimik ka na lang, hoy Paula,”
“Po?!?!” badtrip na ko nun.
“Akyat sa taas, dalin mo pagkain mo, may pag-uusapan lang kami nito.”

Kahit na di ko alam kung ano yun, at kung bakit siya nandito, umakyat na ako agad sa kwarto para magkulong, di ko na kinuha yung pagkain ko. Bakit nandito siya? Bakit kilala niya si Kuya? Kanina lang kausap ko pa siya sa cellphone tapos ngayon nandito na siya sa bahay namin? AAAAHHHH!!! Naguguluhan na talaga ako. Hindi ko na alam kung ano bang pakay niya sa buhay ko? Tsaka bakit biglang nagseryoso si Kuya? Anong meron?

“TOK, TOK, tao po…” nagulat ako nung biglang bumukas yung pinto, hindi ko ba na-lock yun? Nakatayo siya sa doorway, tumalikod naman ako sa kanya. Sa lahat ng taong gusto kong makita sa pinto ko, nasa huli siya ng listahan.

“Paula, sorry kung di ko sinabi sayo…best friend ko si Arnold.”

Humarap ako sa kanya, naiinis talaga ako, bakit di na lang niya ko tantanan para maayos diba? Yung huling kaibigan ni Kuya na nanloko sakin sa facebook eh si Jerome. At kung best friend nga siya ni Kuya, imposibleng di niya kilala si Jerome. Ano to? Trip talaga nila ako?

“Ano bang gusto mo? Pinagti-tripan mo lang ba ako? Kaibigan mo rin ba si Jerome? Bakit ba gustong gusto niyo kong pinapaiyak?”
“EH BAKIT KA NAMAN IIYAK??? Hindi naman porket kaibigan ko si Arnold at Jerome, pinagtritripan na kita. Wag mo kong itulad sa Jerome na yun. Oo, inaamin ko, alam kong naging kayo noon pa, pero hindi yun yung dahilan kung bakit kinaibigan kita. Gusto ko lang naman makilala yung magiging housemate ko!”

Ano daw? Housemates? Kami? Bakit? Pano? HUH?! Nagulat talaga ako. Akala ko sa pelikula lang nangyayari yung ganitong sitwasyon. Kasama mo sa bahay yung…teka! Di ko naman gusto tong taong to ah! Erase, erase.

“HOUSEMATE?!?!?!?”
“Oo, hindi pa ba sinasabi ni Arnold na makikitira kayo sa apartment ko?”
“KUYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!

Kumaripas naman ng takbo si Kuya papunta sa kwarto ko, hinihingal pa siya nung dumating siya. Akala niya siguro may kung anong ginawa si Nico sakin. Tinitigan ko lang siya. Oo, ok lang sakin kahit saan tumira, basta kasama si Kuya, pero hindi naman ako papayag na may kasama kaming lalaki na hindi ko pa masyadong kilala.

“Housemate? Siya?” tinuro ko naman si Nico. Tapos sinundan ng tingin ni Kuya yung kamay ko. Napadiretso siya ng tayo.
“Ay…oo, hindi ko nga pala nasabi. Makikitira tayo sa mansion niya, este bahay pala.” Sabi ni Kuya. Ok. Confirmed na, lilipat na nga talaga kami ngayon.
“Apartment yun, hindi bahay.” Sagot naman ni Nico, seryoso siyang nakasandal sa pader. Sa ganitong angulo, nakikita mo yung mysterious side niya, natatakpan ng buhok niya yung mata niya tapos nakayuko pa. Ang cute talaga niya…ay ano ba yan Paula?!

“Ok. Sige, papayag na ko, pero sana Kuya, sa susunod, wag ka naman makakalimot magsabi.”

Umupo na ko sa kama ko tapos hinatak ko yung bag sa ilalim ng kama, magsisimula na kong mag empake ngayon.

“Kumain na kayo sa baba Kuya, mamaya na ko. Mageempake na ko. Nico, may iba pa bang kasama sa bahay niyo?”
“Little sis ko, si Lorjane, grade six”
“Lorjane? Ang weird naman ng pangalan.”
“Lorina Jane” binuo pa yung pangalan.

Lumabas na sila ng kwarto ko, ni-lock ko na rin yung pinto. Ayoko ng may nanggugulo kapag nag-aayos ako ng mga gamit ko.

Nagulat ako nung may narinig akong kumakanta sa sala, hindi yun radio, hindi rin si Kuya…si Nico.

When I was younger
I saw my daddy cry
And curse at the wind
He broke his own heart
And I watched
As he tried to reassemble it

And my momma swore that
She would never let herself forget
And that was the day that I promised
I'd never sing of love
If it does not exist

But darling,
You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception

Isa sa mga madalas kong pakinggan yung song na to. Ang galing ng pagkaka-kanta niya. Kahit girl yung kumanta, maganda pa rin pag siya.

Hindi ko na napigil yung pagiging usisera ko. Bumaba ako sa sala, nandun siya, may hawak na gitara, nakaupo sa sofa. Ang weird ng pakiramdam, akala ko natural na yung pagiging nakakabadtrip niya, pero ngayon, natutuwa talaga ako. Tumingin siya sa direksyon ko, pero di niya ko nakita kasi nagtago ako sa pinto…or so I thought. Tumayo siya tapos kumuha ng juice sa ref.

“At home na at home ka ata ah.” Lumabas na ko sa pinagtataguan ko.
“Titira naman kayo sa bahay ko eh, anong masama kung maging at home ako dito?”

Sa bagay, may point siya, pero ang yabang talaga eh. Kaasar!

Gumabi na rin, nandun lang sya sa bahay, nangangalikot ng kung anu-anong bagay sa sala. Natulog na ko’t lahat di pa rin kami umaalis, nagulat na lang ako nung ginising ako ni Kuya.

“Pau, gising na, aalis na tayo.” Tumingin ako sa relo ko, nagulat naman ako, 11 pm talaga dapat umalis? Bakit? Ano sila, bampira?

Sumakay na kami sa kotse ni Nico. Oo, may kotse siya, sosyal ang loko, pero may driver, 17 pa lang kasi siya kaya hindi pa pwede magdrive. Si Manong lang kinulit ko, wala ako sa mood kausapin yung dalawa.

“Manong, san tayo pupunta?”
“Sunny Hills po Ma’am Paula, nandoon po yung bahay ni Sir Nico”
“Apartment daw yun Manong” ako pa nag-correct.
“Ay, oo nga po pala. Apartment po.”
“Eh manong, gaano katagal na kayong nagtra-trabaho kila Nico?

Kinalabit naman ako ni Kuya tapos may tinuro sa right side na malaking bahay. Bumaba na kami, eto? Eto ang apartment niya? Mansion to eh! Pano pa pag bahay na niya? Palasyo? Naglakad na kami papasok ng bahay. Nakapatay lahat ng ilaw.

Sa sobrang tapang ko, ako na pala yung nangunguna saming tatlo na maglakad. Kaso… pag lingon ko, wala na sila. Nakasara na yung gate, tapos nakabukas yung front door. Ayoko pa sanang pumasok kaso may kumaluskos sa mga halaman kaya napatakbo ako papasok. Ang dilim, sumigaw ako ng Kuya, tapos biglang may tumawa sa dilim. Iiyak na sana ako, kung hindi lang bumukas yung ilaw.

Nasilaw pa ko sa spot light, pero nung naka-adjust na yung mata ko, natameme na ko. May malaking banner ng HAPPY BIRTHDAY PAULA!

14 June 2010

FACEBOOK chapter 2

Chapter 2: PEACE

Habang naglalakad ako papasok ng kwarto, iniisip ko na kung gaano kamali si Nico sa pagkakakilala niya sakin. Maraming beses na kong nasabihang pa-asa, flirt, play girl, pero ngayon lang talaga may nagsabi saking amature ako pagdating sa pagpapayo. Nakakainis na siya, bakit ba nakikielam siya sa buhay ko? Ano naman kung hindi ko naa-apply sa sarili ko yung mga pinapapayo ko sa iba? Bakit ba kailangan niyang sirain yung focus ko? Sino ba siya?

Binuksan ko yung computer ko kahit madaling araw pa lang, nag auto-recover pa dahil nga hindi maayos yung pagkakapatay ko kahapon. Medyo matatagalan pa siguro kaya bumaba muna ako sa kusina para magtimpla ng kape. Usually kapag nagka-cram lang ako nagkakape, pero ngayong stressed ako, ito lang ang kailangan ko. Sumilip ako sa sala kung may gising na, nakita ko si Manang Ida, yung kasambahay namin, na nag-aayos ng mga throw pillow. Hindi naman ako papagalitan nito. Umakyat na ko sa kwarto ko at umupo na sa harap ng computer. Ni-refresh ko ng ni-refresh kahit di naman kailangan, nung nagsawa na ko, binuksan ko na agad yung facebook. Sino naman kayang mga online ngayon, eh ang aga aga pa. Nung naka-log in na ako, may 8 online friends, hindi ko kilala yung 7 pero yung isa eh si Nico.

Paula: Ang aga natin ah!
Nico: Bakit gising ka na bata?
Paula: Sinong tinawag mong bata?
Nico: Ikaw. Di ka ba marunong magbasa?
Paula: Ang kapal mo rin eh no?
Nico: Di naman, mejo lang.
Paula: Gusto ko lang sanang linawin sayo na hindi ako makikielam sa mga trip mo, kaya sana wag mo na rin akong pakielaman sa ginagawa ko.
Paula: leave me alone!
Nico: ganun? Eh panu kung trip kong bwisitin ka? Ok lang talaga?
Paula: ginagawa mo na nga eh.
Nico: ahahaha! Hindi pa no. Marami pang mas malala dito.

Hindi na ako nagreply, mabu-bwisit lang ako lalo. Tinignan ko lang yung profile ko, tapos yung fan page, maraming bagong fans na nanghihingi ng payo sakin, pero wala pa ako sa mood para mag advice. Sana hindi na lang ako nag OL, wala naman masyadong magawa eh. Nag post na lang ako sa wall nung page, baka may gising na fan or co-admins ko.

“Hindi mo malalaman kung sino ang para sayo, kung yung sarili mo mismo, hindi mo alam kung sino.”

Naghanap muna ako ng mga post na makakapagpabuhay nung “taga-payo” sa loob ko, kaso isa lang yung napansin kong post, yung kahapon. Dumami yung comments, nagagalit sila kasi bakit daw kay Nico ko lang sinabi yung about sa love life ko, bakit daw ayaw kong aminin sa kanila. Natuwa naman ako sa comment ni Nico sa dulo.

“Sorry guys, wala ako sa posisyon para sagutin yung mga tanong niyo. Pero nung nakausap ko si Pea-G, alam kong hindi maganda yung pinagdaanan niya kaya wag na natin ipaalala sa kanya. OK? Kawawa naman sya eh.”

Kawawa? Siguro nga. Makikpag bati na nga ako bago pa lumala yung sitwasyon. Hindi naman ako war freak eh. Nagsimula akong magtype, at nung naikabit ko na yung comment ko, mga 5 seconds pa lang, lumabas na yung chat box niya.

Nico: Totoo?
Paula: anong totoo?
Nico: Yung comment mo, magpapatulong ka talaga sakin?
Paula: Pwede ba?
Nico: Ok lang, kaso… bakit sakin pa?
Paula: Ayaw mo ba?
Nico: Ok nga lang, pero, ibig sabihin ba nito ok na tayo? Wala nang away?
Paula: Yeah, so tutulungan mo ba akong makaganti sa ex ko o hindi?
Nico: Game ako, sino ba yun?
Paula: si Jei-C.
Nico: Jei-C? as in Admin Jei-C? Yung creator nung fan page?
Paula: yeah, sya nga. Sa Facebook lang kami nagmeet.
Nico: Ano? Nakikipagrelasyon ka sa facebook? Baliw ka na ba? Anong nangyari sa inyo?
Paula: Matagal na nung nagbreak kami, mahal niya pa kasi yung ex niya.
Nico: At pumayag ka namang makipagbreak siya sayo ng ganun ganun lang?
Paula: Hindi. Maraming beses pa niya kong pinagmukhang tanga bago ako tuluyang sumuko.
Nico: Paki-kwento nga lahat ng nangyari, medyo di ko kasi ma-gets eh.
Paula: smart user ka ba?
Nico: oo, bakit??
Paula: Tawagan na lang kita sa cp. Ano no. mo?
Nico: aahh, ok. 09*********
Paula: wait lang ah, papatayin ko lang yung computer tapos tatawag na ko.
Nico: Ok

Sinilip ko lang yung profile ni Nico bago mag log out. Natameme naman ako sa pictures niya. Hindi mo naman mahahalatang ganito siya kagwapo dun sa profile picture niya kasi nakatalikod siya. Pero yung ibang pictures niya, grabe! Pang heartrob talaga! Pinatay ko na yung computer ng maayos. Hindi naman pala masama ugali nung Nico na yun eh. Mabait rin pala, gwapo pa. Pero hindi ko pa rin alam kung gusto ko siyang maging kaibigan, basta ang alam ko, ginagawa ko to para hindi niya ako siraan sa mga fan.

Tumawag na ko sa kanya, wala pang dalawang ring may sumagot na.

“hello?” natameme na naman ako, ang ganda ng boses niya, ang sarap pakinggan. Parang yung boses ng mga singer sa bandang acoustic. Naalala ko naman yung isang album ng pictures niya na hindi ko natignan. Nakalagay dun GIGS. Posible kayang singer siya ng banda? Teka, bakit ba interesado ka sa kanya ha Paula?

“Hello Paula? Andyan ka ba? Bakit di ka sumasagot?”
“Ahh..eh sorry, natulala lang ako.” Siya naman yung hindi nakasagot. Ano yun, natameme rin siya sa boses kong ngarag dahil maaga pa?
“huy, bat ikaw naman yung hindi sumagot dyan?
“Ahh..ang ganda kasi ng boses mo, natameme ako.” Promise! Namula talaga ako nung sinabi niya yun. Adik naman nito, alam ko naman na maganda boses ko, bat kailangan pang sabihin?
“Talaga? Haha, thanks.”
“Naniwala ka naman? Hahahahaha”

Napatigil naman ako nun. Ang kapal talaga ng mukha nitong lalaking to.

“Harhar, alam ko namang nagjo-joke ka lang eh”
“Talaga? Edi ayos, di na ko magsosorry ah.”

Wow! Marunong ba siya magsorry? Kainis talaga to.

“So ano nang kwento?”

Inisip ko kung anong sasabihin ko. Mahabang dramahan din to. Sinimulan ko yung kwento ko sa dahilan kung bakit nagkalabuan kami ni Jerome a.k.a. Jei-C. Mahabahaba rin yung naikwento ko sa kanya. Tahimik naman siya habang nakikinig, akala ko nga tinulugan na ko pero tumatawa naman siya kapag tinatanong ko kung inaantok siya. Natapos yung kwento ko nang umiiyak ako at galit na galit si Nico sa mga ginawa sakin ni Jerome. Pinapatahan naman niya ako kahit sa phone lang kami magkausap.

“Paula, wag ka nang umiyak, hindi dapat iniiyakan yung ganung lalaki.”
“P-pe-pero…ang sa-sakit ka-kasi e-ehh…” garalgal pa yung boses ko nun. Pakiramdam ko naulit lahat ng nangyari noon samin ni Jerome, lahat ng sakit na pinagdaanan ko.
“Sorry nga pala dun sa nasabi ko kahapon ah, hindi ko alam na ganun pala pinagdaanan mo. Sorry.” Natuwa ulit ako, medyo nagugustuhan ko na tong si Nico, alam niya kung kailan dapat seryoso at kung kailan dapat magbiro. Pinatawad ko naman siya. Ok na kami, hindi na kami nagaway ulit nung araw na yun.

“So…ano nang balak nating gawin kay Jerome?” tanong ko naman.
“Hmm.. magpanggap tayong tayo na, pagselosin natin. Tapos aawayin ko siya dahil nalaman ko ngang ganun yung ginawa niya sayo. Ano bang gusto mo? Bugbugin ko na ba yun?”

Tumawa naman ako, walang wala naman kasi siya kay Jerome, kung ibabase mo dun sa nakita ko sa pictures ni Nico, payat siya kung ikukumpara kay Jerome. Muscles kung muscles si Jerome eh, siya parang hindi man lang nakakapag work out. Tinanong niya kung bakit ako tumatawa, nung sinabi ko yung rason, tumawa din siya.
“Tingin mo ba hindi ko kaya yung sarili ko?”

Nag-isip naman ako. Oo, tingin ko di niya kaya yung sarili niya, bakit, eh hindi naman siya maskulado no.

“Alam mo Paula, black belter sa Taekwondo tong kausap mo, wala akong inaatrasan kahit pa muscle na tinubuan ng katawan yung iharap mo sakin no.”

“Eh bakit kasi kailangan pang bugbugin, eh hindi mo naman kilala yun, tsaka ayoko rin ng away.”

“Eh friends na nga tayo diba? Sorry war freak lang. Eh ano ngang gusto mong gawin ko sa kanya?”

“Wala, hayaan natin sya, basta, isip tayo ng paraan para makaganti.”

Hindi ko namalayan na umaga na pala, nagulat na lang ako nung tinatawag na ko ni Kuya para kumain. Nagba-bye na ko kay Nico nun tapos bumaba na ko. Nasa mood na ko ulit, hindi ko alam kung anong dala nung Nico na yun sa buhay ko pero kahapon lang, siya yung dahilan kung bakit ako umiyak, tapos ngayon siya naman yung dahilan kung bakit ako masaya.

“Oh, little sis, ang saya mo ata ahh.” Bati sakin ni Kuya. Ngumiti lang ako tapos umupo na sa harap niya para kumain.
“Oo nga pala, magempake ka na, nakahanap na ng apartment sila Mama para sating dalawa, lilipat na tayo ngayon.”
“Huh? Ahh…ok” hindi naman ako mapili sa bahay kaya anything ok na, basta kasama ko si Kuya, medyo Kuya’s girl kasi ako eh.

Nagulat naman kami nung may nagdoor bell, tinanong ko si Kuya kung may bisita ba siya, sabi niya mamaya pa dapat.
“eh sino naman kaya yun?”

Si Manang ang nagbukas ng pinto, pumasok siya na may kasunod na lalaki. Sabay pa kaming napatayo ni Kuya nun. Hindi ko alam kung bakit nagulat din siya pero sabay pa kaming nag sabi ng “Nico!”

13 June 2010

FACEBOOK chapter 1

Chapter 1: ADMIN [Paula]

May mga tao sa buhay natin na minsan, hindi natin kayang pakawalan kahit nasasaktan na tayo. Nasasabihan pa tayong tanga ng ibang tao dahil nagtitiis tayo kahit na alam nating wala nang pag-asa. Pero sa buhay, walang permanente, lahat ng hindi natin kailangan, dapat nating bitawan, lahat ng hindi para sa atin, kailangan nating pakawalan, dahil may ibang tama para sa atin at may ibang tama para sa kanya.

Yan ang status message ko sa fan page na “MOVE ON” sa Facebook. Admin kasi ako dun, at madalas, ako yung natatakbuhan ng mga fans nung page para manghingi ng advice about moving on. Hindi naman ako love expert or anything, magaling lang talagang magpayo sabi nung iba, pero ang totoo kasi, lagi akong naloloko at napapaasa kaya sanay ako sa usapang moving on. Nung una, nagco-comment lang ako sa mga post nila, sasabihin ko kung anong gagawin ko kung ako yung nasa sitwasyon nila, yung iba natutuwa dahil sinunod daw nila yung payo ko at nag work daw, naka move-on sila. Pero may iba ding kahit anong payo ang ibigay ko, laging may reasons, natatakot siguro silang baka maka-move on nga sila. Eh kung ganun lang din bakit pa sila sumali dun sa fan page?

Marami na rin akong nakilala dahil sa pagiging admin ko. Yung ibang natulungan ko, naging kaibigan ko na rin. Nakaka-chat ko sila, yung iba nakakatext ko pa nga. Pero marami din akong naging friend sa fan page na yun na nanligaw sakin, maganda daw kasi ako…sa picture. Hindi ko naman sila kilala kaya hindi ko na lang pinansin, sigurado naman akong hindi sila papasa sa standards ko. Una, hindi ko nga sila kilala eh. Pangalawa, masyadong mabilis yung process of falling in love nila. Grabe naman kaya yun, natulungan ko lang silang mag move on tapos ako na mahal nila? WTH?? I mean, what the hell? Pangatlo, mas gusto kong nililigawan ako ng personal, hindi yung sa chat lang, kaya yung iba, pinagbibigyan ko na lang. Sabihan man nila akong paasa, magpapaligaw tapos wala pa lang balak sagutin yung tao, sabihan man nila akong flirt or play girl, wala na kong pakielam, in the first place, sila naman yung most likely eh manloloko, kapag sineryoso ko sila, ako naman yung lolokohin nila.

Pero kahit may certain standards ako, marami akong kino-consider na special friends. Sila yung medyo matagal ko nang kaibigan sa facebook. Yung iba nakita ko na, pero karamihan, hindi pa talaga, sa picture pa lang. Special friends ko sila dahil sila yung sigurado akong mahal ako. Sila kasi yung mga naka-build na ng tiwala ko, hindi nila ako binobola or anything, nakikipag kaibigan lang talaga sila. I even consider them as my best friends. Ganito nga siguro kapag wala kang social life sa personal, nasa internet yung mga kaibigan mo, hindi mo kilala pero sinasabihan mo ng problema, hindi mo pa nakikita pero nasasabi mo na na kaibigan mo sila.

Ako nga pala si Paula, incoming freshman sa college at oo, facebook addict ako. Wala pa sigurong 5 months simula nung gumawa ako ng account sa facebook, medyo late na nga ako sa uso eh pero nasa 900+ na yung mga friends ko ngayon, accept lang kasi ako ng accept kapag may nag add. Kaka-graduate ko lang sa high school last week kaya masasabi kong nawala yung social life ko. Hindi na din kasi ako gumagamit ng cellphone kasi nga ang daming nagte-text na hindi ko naman kilala, kaya wala na akong contact sa classmates ko noon, pero ayos lang, hindi naman kami close eh. Hindi rin ako pala-labas ng bahay kaya wala akong kaibigan sa village namin.

Araw-gabi nasa tapat lang ako ng computer namin, facebook sa tanghali, YM sa gabi, tapos facebook ulit sa madaling araw. Automatic na rin na alas tres ng umaga yung tulog ko. Yan ang pang araw-araw na buhay ng isang Paula Guisano, internet buong maghapon, boring, lalo na ngayon na walang pasok dahil sa summer vacation. Nagsasawa na rin ako sa facebook, at sa mga taong hirap mag move on. Sana naman may makilala akong lalaki na hindi ako bobolahin at hindi ako lolokohin. Sana nga sa facebook ko mahanap yung lalaking tama para sakin.

Pero isang araw, nagulat ako sa dami ng comment dun sa post ko, eh wala pa namang 30 minutes simula nung pinost ko yun. Nung binasa ko yung unang comment, natawa ako.

“Pea-G, matanong ko lang ahh, na inlove ka na ba ng todo?”

Pea-G yung codename ko sa page namin, wag niyo na alamin kung bakit. Natawa ako kasi siya pala yung dahilan kung bakit 60+ yung comments sa post ko. Lahat kasi sila nagtanong din kung na-inlove na ba ako ng todo.

“Oo nga Pea-G, lagi mo kaming tinutulungan sa pag move on, may pinaghuhugutan ka ba?”
“Pea-G, sagutin mo naman yung tanong namin oh, interesado lang kami sa love life mo.”
“Pea-G, nasan na ba yung bf mo? Meron ba?”
“Pea-G..blah, blah, blah”

Nung natapos ko nang basahin lahat ng comment na actually eh puro oo nga lang, sinimulan ko na yung mala-nobela kong reply. At sinimulan ko dun sa unang nagcomment, si Nico.

“@ nico, chat, now na. --Pea-G--“

Hindi ko pa napag-iisipan kung sasabihin ko ba talaga sa kanila yung totoo o hindi, pero hindi na ako nag-reply sa iba, lumabas na kasi sa chatbox si nico. Pamilyar talaga yung itsura niya, kaso di ko maalala kung san ko siya nakita or nakachat.

Nico: hi! 
Paula: hi din :P
Nico: Paula pala name mo, im nico. 
Paula: pansin ko nga, nababasa ko eh. >:P
Nico: sasagutin mo na ba ko? :/
Paula: huh? What do you mean?
Nico: yung tanong ko kanina, na inlove ka na ba ng todo?
Paula: ahh, yun ba, bakit mo nga pala natanong?
Nico: ang hilig mo kasing mag payo, pero na inlove ka na ba?
Paula: oo naman, sa tingin mo san ko huhugutin yung payo ko kung hindi ko pa naranasan yun?
Nico: ewan, sa tv? Baka naman akala mo lang mahal mo xa pero hindi pala.
Paula: huh? Hindi kita na gets
Nico: naniniwala kasi akong kung mahal mo talaga yung tao, hindi mo siya dapat pakawalan, dahil hindi lang ikaw ang pwedeng masaktan, malay mo siya din pala nasasaktan.
Paula: Nico, wala akong pakielam kung magkaiba tayo ng paniniwala, pero ang masasabi ko lang, alam ko kung anong pinapayo ko, kapag iniwan tayo ng mahal natin, tama lang na mag move on tayo, dahil hindi unlimited ang buhay, at kung sasayangin natin ang buhay natin para sa taong iniwan tayo, walang mangyayari satin.
Nico: hindi ka pa nga naiinlove ng todo. Hindi mo pa alam yung feeling ng umaasa dahil may tiwala ka sa taong mahal mo, kung mahal mo yung tao, maiintindihan mo siya, at kung wala na talagang pag asa, hindi naman ganun ka dali mag move on. Yung mga payo mo kasi para sa mga taong umasa, hindi sa mga taong in love.
Paula: Napayuhan na ba kita?
Nico: hindi pa, first time nga kitang makausap eh.
Paula: well nico, payo lang, mind your own business. 
Nico: ouch! Well, siguro nga, hindi na kita papakielaman, but remember, im watching you.
Paula: bye nico! :P
Nico: bye paula, goodluck sa advice mo…amature!

Pinatay ko na yung computer kahit di ko pa nila-log out yung facebook ko, hindi ko na rin shinat down, pinatay ko na lang yung CPU. Tapos… tumak bo na ko sa kwarto ko at umiyak.

Tama naman siya eh, amature ako, hindi madaling mag move on, bakit ba kasi pinipilit ko pang mag payo, eh kahit naman ako hindi pa nakaka move on. Pero mali siya sa isang bagay, nainlove na ko…ng todo. Hindi ko na alam kung anong nangyari sakin kagabi, basta sunod na alam ko, nasa kwarto na ko ni Kuya Arnold, nangangalikot ng mga cd.

“Pau, ok ka lang? namamaga pa yung mata mo oh.” Humarap naman ako sa salamin niya, oo nga, umiyak nga pala ako kagabi. Magang maga yung mata ko, bakit nga ba hindi ako tumigil? Iniisip ko na naman ba yung sinabi nung nakakainis na lalaking yun? O iniisip ko na naman ba yung ex ko? Nagulat na lang ako nung hinawakan ako ni kuya sa balikat, tapos inalog alog ako.

“Pau! Ok ka lang? Gumising ka nga! Ay mali, matulog ka nga muna dun, ang aga aga mo kasi gumising eh! 5 am pa lang kaya!”

Tumingin naman ako sa relo niya, oo nga maaga pa, ni-hindi pa nga sumisikat yung araw pero nanggugulo na ko kay kuya. Tumayo ako tapos lumabas ng pinto, sinundan lang niya ako ng tingin, iniisip siguro niya ang weird ko, na nababaliw na siguro yung kapatid niya.

“Sorry kuya ah, matutulog na lang siguro ako. Peram muna nito ah” tinaas ko yung cd na nahalungkat ko sa drawer niya. Tumango lang siya tapos sinara ko na yung pinto. Pati ata lumakad papuntang kwarto tinatamad ako. Ganito na ba talaga ako ka-depress kapag iniisip ko siya? Ganito na ba kahirap mabuhay kapag nawala yung mahal mo? Hindi alam ni Nico yung sinasabi niya, hindi niya alam kung gaano kasakit yung naranasan ko. Hindi niya pa siguro naranasan yung naranasan ko. Di pa siguro siya umasa at na disappoint, di pa siguro siya nagmukhang tanga. Di pa siguro siya napahamak para lang sa taong mahal niya. Hindi ko akalaing may maglalakas ng loob na sabihin sakin yun. Sino ba siya? Kilala niya ba ko?
Naalala ko yung picture niya, kilala nga siguro niya ko. Hindi ko pa rin alam kung san ko siya nakita, pero sigurado akong nakachat ko na siya. Friend ko na nga siya sa facebook eh. Pero bakit hindi ko alam kung sino siya? Bakit di ko siya maalala?

Hindi na rin ako nakatulog nun, 5 am pa lang nasa tapat na naman ako ng computer, tinignan ko yung online friends, 8 lang. 7 hindi ko kilala, ang guess kung sino yung isa…

Si Nico.

new stories!!!

natuwa ako sa pagsusulat ko nung EAH kaya nakapagsulat ako ulit ng bagong kwento, subaybayan niyo din ah. kung nagustuhan niyo yung EAH, sana magustuhan niyo din yung bago kong sinusulat... FACEBOOK :)

09 June 2010

EAH chapter 8

***8***
[Eah, present year]
2 years, 1 month and 2 weeks simula nung iniwan ako ni Kiel. I’ve been miserable for the whole summer. Hindi na kami umuwi sa manila dahil hanggang ngayon, umaasa pa rin akong babalik siya dito sa lugar kung saan nabuo yung maikling pagmamahal na meron ako para sa kanya.

Nasagot nga lahat ng tanong ko nung summer na yun, pero kapalit nun, mas marami pang tanong ang nabuo sa isip ko. Nasaan si Daddy? Bakit siya umalis dito? Bakit hindi siya bumalik? Nasaan na si Kiel? Bakit niya ako iniwan kung kelan handa na akong mahalin siya ng buong buo? Bakit kailangan niyang umalis at bakit hindi pa siya bumabalik? Mahal pa ba niya ako?

Marami na ring nagbago after 2 years. Bukod sa permanent na kaming magkakapatid dito, napatawad na nila Claire si Tita Bea, ganun din siya. Natapos ng pag-aaral si Claire at Earl at nagpakasal after graduation. Umuwi si Ryan sa Papa niya at sinundo si Hannah. Bumalik sila last year dito at permanent na rin sila sa resort. Nagkabalikan si Dexter at Hannah at magpapakasal na rin next year, si Ryan naman, naging sales supervisor ng Keila Resort. Si Felix, nasa Amerika na ulit pero uuwi na dito next week for good. Sikat na swimmer na siya at marami pa ring babae ang naglalandi sa kanya.

And as for me, naging bestfriend ko si Tita Emma, sa kanya ko nalaman halos lahat ng bagay na hindi nakayang sabihin ni Kiel noon. Tulad ng pagiging next family nila kahit na matanda siya kay Felix. Kasal na kasi yung papa ni Felix kay Tita Emma nung nagka-affair sila ni Tito Eric. Oo nga pala, nagpakasal na rin sila last year. Daddy na rin ang tawag ni Felix kay Tito at hindi na unico hijo si Kiel. Si Mommy naman, naging permanent na sa Boracay, pero dumadalaw siya samin. May naging boyfriend siya na kano pero hindi pa sila nagbabalak magpakasal. OA yun ah.

Ako lang siguro yung walang napala sa 2 taon na tinagal ko dito. 1st year college na ako sa sikat na music school sa Batanggas sa susunod na pasukan. Naging kwarto ko na yung kwarto ni Kiel, nandun pa rin yung gamit niya, kasi, umaasa pa rin akong babalik siya. Alam ko, at the right time, babalik siya.

“I never questioned your love for him Eah, but what I don’t understand is why do you kept on rejecting opportunities?” sabi nung lalaki sa likod ko, nakaupo ako nun sa isang café sa airport. Susunduin ko sana si Felix pero late siya.

Nung lumingon ako, nandun na si Felix. Alam ko namang siya yun, umaasa lang akong yung isa… Tumayo ako at yumakap sa kanya. Medyo malaki na yung tinangkad niya, hindi pa rin siya magaling magtagalog, pero marami nang nagbago sa kanya. Minsan nga namimiss ko yung Felix na masayahin at walang problema sa buhay. Yung Felix sa harap ko masyadong naging seryoso pagkatapos umalis ni Kiel. Hindi lang ako ang naapektuhan sa pag-alis niya, infact, lahat kami nagbago. Si Tito Eric, parang walang pakielam sa anak niya, nagdududa na nga akong alam niya kung nasan si Kiel, pero sabi lang niya, malaki na yung anak niya.

Yumakap din si Felix sakin ng mahigpit na mahigpit, yung hindi na ako makahinga, eto ang di nagbago saming dalawa, sweet man kami sa isa’t isa, may halong pangaasar pa rin pag magkasama kami.

“I’ve missed you Eah, how I wish I could crush you into pieces.” Tumawa naman ako. Naglakad na kami papunta sa kotse niya. Yeah, may kotse siya sa labas, si Dexter yung nagdrive.

“Why did you reject the Yale scholarship? Don’t you know that you’re a musical genius?” umarte siya na parang nagva-violin. Hindi naman sa pagyayabang, pero marami nang scholarship na inoffer sakin, galing man dito sa bansa, o galing pa sa amerika (si Felix ang may kakagawan nun), lahat tinatanggihan ko.

“You perfectly knew why Lix, I don’t wanna miss his homecoming, and besides, im not the only musical genius that deserves a scholarship.” Nalungkot naman kami pareho, bukod sakin, may isa pang musical genius na deserving talaga sa kahit anong scholarship…kung marami man akong alam tungkol sa music, dahil yun kay Kiel. Dahil sa mga cd, libro at notes na meron siya sa kwarto niya.

“Still no news? It’s been 2 years, if he’s gonna come back Eah, that would be a miracle!”
“Hindi pa siya ready pra bumalik, yun lang ang dahilan kung bakit hanggang ngayon wala pa siya. At kung himala man ang pagbalik niya, I do believe in miracles!” naiirita na ko sa kanya, napaka insensitive ata ng mga tao ngayon?

Halos lahat ng tao sa resort, sinasabing itigil ko na yung paghihintay, pero hindi nila naiintindihan. I don’t want to quit, I’ll never leave. Para kay Kiel, I’ll stay here hanggang sa bumalik siya.

2 years, 1 month, 3 weeks and 4 days simula nung umalis siya. I hate waiting, pero what can I do? Mukhang hilig kong gawin yung ayaw ng isip ko. Nakaupo na naman ako sa batuhan namin. Kalahati ng araw ko, ginugugol ko sa pag upo dito. Marami mang magsabing tigilan ko na, mukhang wala sa bokabularyo ko yun sa ngayon.

Sa oras na bumalik siya, hindi ko na hahayaang mawala pa siya, hindi ko hahayaang iwan niya ako ulit. Marami na akong sinakripisyo sa kanya, at alam kong ganun din siya.

“Ayoko sanang sabihin sayo to dahil nangako kaming lahat sa kanya, pero after two years, I guess sapat na yun para maging ready siya…” nakatayo si Earl sa likuran ko, hindi ko siya napansing pumunta dun, pero ganun naman ako lately, walang napapansin.

“Spit it out Earl, what do you wanna tell me?” lumingon ako sa kanya, may hawak siyang magazine at inabot niya sakin. Magazine? Anong gagawin ko dyan? Hindi naman ako nagbabasa ng magazine, I don’t even read at all.

“Anong gagawin ko dyan?” tinitigan ko lang, pero may napansin ako, hindi ko na hinintay na sabihin niya, hinablot ko at binasa yung title: ‘Music is my LIFE’ yung title nung foreign magazine, pero hindi yun yung nakakuha ng atensyon ko, yung cover… siya nga ‘to! “Exekiel Alcantara, pianist of the year”

“2 years ago, nung araw na nagpaalam siya, determined na siyang umalis noon, may ticket na siya papuntang amerika. Nakakuha kasi siya ng scholarship sa Yale noon. Yun yung dahilan kung bakit pinipilit ka ni Felix na pumunta ng Amerika, at kung bakit dine-descourage ka namin na maghintay.Hindi ka dapat naniniwala sa motto ni Kiel na ‘if you really want something, you should learn to be patient’, hindi yun tama, kung gusto mong makuha yung gusto mo, gagawa ka ng paraan, hindi ka lang basta maghihintay. Pero sa sitwasyon ngayon, wala nang Felix na tutulong sayong makapasok sa schools sa Amerika, nireject mo na yung huling pag-asa mo na university. Wala na kaming communication kay Kiel at wala kang ginawa para hanapin siya.”

Tumulo yung luha ko, hindi ko man lang naisip na hanapin siya. For two years, naghintay lang ako. Ngayon, wala nang pag-asa para hanapin siya, wala na kong scholarship para makapunta ng Amerika, wala na si Kiel sa buhay ko. At dahil yun sa katangahan ko, sa pagaakala kong babalik siya. Bakit nga ba hindi ko naisip na hanapin siya? Natatakot ba akong baka ireject lang din niya ako? Dahil nga ba yung pagbalik niya ang magiging simbolo na mahal pa rin niya ako. Kapag hinanap ko siya at nireject niya ako, hindi ko na alam kung makakaya ko pang mabuhay. Most probably, magpapakamatay ako kapag sinabi niyang hindi na niya ako mahal. Pero kapag hinintay ko siya at bumalik siya, ibig sabihin, mahal pa rin niya ako.

“Kung…wala na talagang pag asa para hanapin siya, ano pa bang chance na bumalik siya? Masaya na rin siguro siya sa Amerika, nakalimutan na nya ko…kaya hindi na siya bumalik.” Tumayo ako sa harap ni Earl at ngumiti ng nakakaloko. To tell you the truth, bangin yung batuhan na sinasabi ko noon, 15 ft. above the ground yun. Hindi ako mamamatay kapag nahulog ako, pero mamamatay ako sa lunod kapag hindi ako lumangoy.

“Eah, hindi mo pa kasi ako pinapatapos…” Hindi ko nga siya pinatapos, nagpahulog na ko sa bangin. Ang sarap nung feeling habang nahuhulog, parang nawawala yung problema ko. Lagi kong nakikita noon si Felix at Kiel na tumatalon dito, pero swimmers sila. Ako, runner, marunong lumangoy, pero hindi ko susubukan. Lumubog ako sa tubig, narinig ko yung boses niyang tumatawag sa pangalan ko, ganun ata talaga kapag mamamatay ka na, naririnig mo yung boses ng taong pinakamamahal mo. Wala nang saysay yung buhay ko kung hindi ko na rin naman makikita si Kiel. I love you Kiel…until my last breath.

“2 years, 1 month, 3 weeks and 4 days Eah at napaka stupid mo pa rin!” nagising ako sa boses niya. Nasa langit na ba ako? Akala ko ba buhay ka pa? Bakit nandito ka rin? Dinilat ko yung mata ko, nananaginip lang ata ako, basang basa siya at buhat buhat niya ako. Nakatingin siya sa daan habang naglalakad. Kung panaginip lang to, ayoko nang gumising. Pero kung panaginip to, yung itsura niya dati ang makikita ko, hindi ganito.

Mature na yung mukha niya, pero mapapansin mo pa rin yung pagiging pilyo sa mga mata niya. Tumingin siya sakin, nakakunot yung noo niya. Pero nag-smile siya, yung paborito kong smile, yung nakakatunaw. Parang kahapon lang nung nakilala ko siya at ngumiti siya ng ganito sakin.

“Ngumingiti ako dahil alam kong mahal mo ko kaya ka tumalon, pero hindi ako natutuwang isipin na magpapakamatay ka para lang sakin, eh ni-hindi nga ako namatay. Tingin mo ba kakalimutan talaga kita? Iniwan nga kita dahil hindi pa yon yung tamang oras para satin.”

Umiiyak na ko nun, alam kong hindi yun panaginip kasi nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. Kung hindi yun yung tamang oras para samin, kelan? Kapag sikat na siya at wala na kong puwang sa puso niya? Kapag tuluyan na niya akong nakalimutan?

“Hindi mo man lang kasi pinatapos si Earl! Bakit ba kasi kailangan mong tumalon? Nasa beach lang naman ako eh, hinihintay ko lang yung signal ni Earl sakin para umakyat dun sa batuhan, nagulat na lang ako nung biglang may nahulog sa tubig kaya napatakbo ako.”

Humahagulgol na ko nun. Ang pangit ko siguro kaya nagtawanan sila Dexter nung pumasok kami sa bahay. Ibinaba ako ni Kiel sa tapat ng kwarto ko tapos tinakpan niya yung bibig ko.

“Wag ka na ngang umiyak dyan, mamaya isipin pa nila kung anong ginawa ko sayo, tatanggalin ko yung kamay ko, wag ka nang iiyak ahh” tinanggal niya yung kamay niya, tapos parang reflex lang naming dalawa, we kissed each other.

Yun yung first kiss ko, sa first true love ko. Hindi ko akalaing ganito pala kasaya yung pagkikita namin. Nagpalit na ko ng damit at bumalik sa kwarto niya, nakahiga siya sa kama niya, naka black sya na t-shirt at walking shorts, ako naman, naka black na sando at naka shorts. Anong meron sa black?

“upo ka dito” tinapik niya yung space sa tabi niya. Umupo naman ako sa tabi niya, umayos siya ng upo at pinatugtog niya yung same song na kinompose niya para sakin.

“Noon, hindi pa ako ready para sa relasyon, natakot ako na baka mangyari satin yung nangyari sa inyo ni Ryan, natakot akong baka masaktan lang kita. Perfect timing yung pagtanggap sakin sa Yale, perfect yung pag amin ni Ryan sayo, perfect yung timing ng lahat. Ang problema lang, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo lahat. Naduwag akong sabihin yung totoo, tulad ng sinabi ko sayo, hindi pa ako ready na magsakripisyo para sayo. Hindi ko pa kayang iprioritize ka. Hindi dahil hindi kita mahal, kundi dahil mahal kita at alam kong sa oras na piliin kita, makakalimutan ko na lahat ng bagay, pangarap ko, pangarap mo, yung ibang tao. Kaya pinili kong maging mas deserving sa pagmamahal mo. Pinakiusap ko sa kanila na wag sabihin sayo dahil alam kong susundan mo ko kapag nalaman mo kung nasaan ako. Pero nung kaya ko na ulit na harapin ka, ayaw mo namang tanggapin yung scholarship sa Yale. Kaya napilitan kami ni Felix na umuwi dito. Umiwas muna ako sayo ng ilang araw, pero ngayon, nandito na ulit ako, at babawiin ko na nga pala tong kwarto ko, unless gusto mong ishare.”

Ngumiti ako sabay iling.

“iyong iyo na, isa pa, naubos na rin naman yung stock mo ng butter cookies kaya kailangan mo na ulit punuin yung mga taguan mo.”

Tumayo ako tapos hinanap ko yung huling plastic ko ng butter cookies, inabot ko sa kanya tapos bumalik ako ulit sa tabi niya. Eto na siguro yung sinasabi nilang true love. Whatever happens, ano mang pader ang magtangkang maghiwalay sa inyo, hangga’t nagmamahalan kayo babalik at babalik kayo sa isa’t isa.

Sunsets never failed to amaze me. Kahit ilang beses ko na siyang napanood sa beach na ‘to, lagi pa rin akong namamangha sa ganda niya. For me, isa ang panonood ng sunset sa pinaka-romantic na bagay na naranasan ko sa buhay ko. The very minute na mapanood mo yun, especially if you’re with someone you love, you would certainly feel the magic of it. Two years ago, dito mismo sa lugar na ‘to, I’ve met that someone.

Nakaupo na naman kami sa batuhan nun. Pero this time, kumpleto na kami. Ako, si Kiel, Dexter, Hannah, Claire, Earl at ang bagong magbestfriend, sila Ryan at Felix. Maraming nagdaan sa buhay namin, at marami pa ring mga problema ang dadating, pero hangga’t naniniwala tayong makakaya natin, walang problemang hindi natin malalagpasan.

Ako nga pala si Eah, music lover, track and field runner, valedictorian, suki sa grocery ni Aling Nena, walking and talking corpse, bestfriend ng pinaka magaling na swimmer sa mundo, kapatid ng pinaka magaling na marketing manager sa buong Batanggas, weirdo paminsanminsan…at higit sa lahat, engaged kay Exekiel Alcantara, pianist of the year, 2nd na pinakamagaling na swimmer sa mundo, at mapagmahal na fiance ng isang zombie.





***THE END***

EAH chapter 7

***7***
[Eah]
8 days, 6 hours and 56 minutes simula nung huli ko siyang kinausap. Hindi ko na siya inaabutan sa umaga, tulog pa ako umaalis na siya. Tapos gabing gabi na sya uuwi kaya tulog na ako kapag uuwi siya. Hindi ko naman masabing mali ako dahil alam kong siya yung naunang manakit…alam ko nga ba? 3 days ko lang nakausap si Kiel, pero parang worth 3 years yung nawalang friendship namin. Halos lahat ng tao sa resort na kakilala ko sinasabi saking hindi ko dapat sinabi sa kanya yun.
Sabi pa nga ni Dexter, “Kung may taong mas basagulero pa kay Kiel, ewan ko na lang, pero kung may taong mas insensitive pa sayo little sis, ewan ko na lang din! Obvious naman na pinagtanggol ka niya, tapos ginanun mo pa?” ginulo lang niya yung utak ko tapos umalis na. Si Earl naman, iba yung approach niya. Mas nakakaunawa talaga siya kesa dun sa iba, “Ej, sana buksan mo yung mga mata mo. Alam kong mali si Kiel dahil sinaktan niya yung boyfriend mo, pero wala tayo dun para manghusga. Kung ano man yung problema niyo ni Kiel, sana pag-usapan niyo ng maayos. Hindi tamang layuan mo yung tao dahil lang nakipagsapakan siya sa boyfriend mo.” Amen Earl! Lahat sila paulit-ulit lang ng sinasabi sakin. Mali ka, tama si Kiel.

8 days, 7 hours and 2 minutes simula nung huli akong gumawa ng desisyon na alam kong tama pero pakiramdam ko mali. Ang sabi ni Ryan, tumakbo daw sa kanya si Kiel tapos nagwala daw. “Basagulero si Kiel.” Yan naman ang sabi ni Dexter, pero noon ko lang nakitang nakipag-away siya. Niloloko lang daw ako ni Ryan, yan naman ang alibi ni Kiel. Oo nga naman, sino nga bang magkakagusto sa weirdong tulad ko? Hindi ako maganda, hindi ako sikat, pero kahit ganun pa man, proud si Ryan na ako ang girlfriend niya. Samantalang si Kiel, parang pinaglalaruan niya lang yung damdamin ko.

Mahal ko si Ryan, akala ko mahal ko din si Kiel, pero pareho silang nagsasabi na mahal nila ako. Si Ryan, matagal ko nang hindi nakita kaya nasira na rin yung tiwala ko sa kanya. Si Kiel naman, paiba-iba siya ng isip, minsan mabait sakin, paparamdam siyang gusto niya ako pero the next day, sasabihin niyang dun ka na sa boyfriend mo.

Naaalala ko pa nung araw na nakita ko si Tita Emma at Ryan after nung gabing nakipagsapakan siya, kinausap ako ni Tita Emma na mama ni Felix at Kiel. Sinabi niya sakin kaya alam ko.

“Hindi naman talaga dapat magiging kami ulit. Yeah, I loved him, at alam kong mahal din niya ako. Pero determined ako nung araw na yon na mahal ko si Kiel. Nung inaasar ko siya na kami pa rin ni Ryan, dahil yun sa alam kong mahal niya ako. Gusto ko lang namang mag-selos siya, pero hindi naman gumana. Iniwasan lang niya ako. Tapos nung kinausap na niya ulit ako, pinamimigay naman niya ako sa iba. Anong gagawin ko? Nung nakita kong nakahiga sa sahig si Ryan, puro galit lang yung naramdaman ko kay Kiel. Hindi ko alam yung nangyari pero alam kong mali ang manakit kaya nagagalit ako kasi ayokong gumawa sya ng mali. Sinabi kong layuan niya ako, pero I didn’t mean it. Nasabi ko lang dahil galit ako. Pero hindi ko na siya mahagilap ngayon.”

Malayo kami kay Ryan noon kaya hindi niya ako naririnig. I don’t know kung mahal ko pa si Ryan, masyado nang maraming nangyari para magtiwala ulit. Sabi niya sakin, kaya siya umalis dahil sa pagmamaltrato sa kanilang dalawa ni Hannah ng tatay nila. Naiwan si Hannah dun, pero papunta na rin dito. Alam kong may iba pang dahilan kung bakit siya umalis. Kilala ko siya, hindi siya aalis ng walang paalam kung wala siyang isyu sakin…o sa pamilya ko. Nung time na sinabi niyang mahal niya ako, tumakbo na ako agad kay Kiel sa sobrang tuwa ko. May pagkakataon pa akong makaganti sa sakit na binigay niya sakin. Oo, binalak kong saktan si Ryan, pero simula nung nakita kong saktan siya ni Kiel, alam kong hindi ko makakayang lokohin yung taong dati kong minahal.

“Mas magiging maayos ang buhay natin kung wala tayong secrets.” Nakaupo kami nun sa bench sa tapat ng resort. Sexy si Tita Emma kahit nanay na, naka bikini siya, samantalang akong teen ager, naka t-shirt at shorts lang.

“Tama kayo dyan. Kung wala lang sanang sikreto sa mundo, wala sigurong nasisirang tiwala.” Sagot ko naman.

“At kung walang lalaking torpe, walang babaeng naguguluhan sa nararamdaman niya”

Tumango ako. Para sakin ata yung patama niya. Tumawa naman siya, ngumiti lang ako. Kilala na niya agad ako kahit 1 week pa lang ako. Mas madalas kong kausap si Tita Emma kesa sa ibang mga ka-edad ko. Sunod sa kanya, si Earl ang tagapag-paliwanag ko. Wala naman akong napapalang matinong sagot kay Dexter o kay Claire, biro lang sakanila yung mga bagay na tulad nito.

Dapat ko nga bang kausapin si Kiel para malaman yung totoo? O totoo nga ba yung malalaman ko kay Kiel kapag kinausap ko siya? Nakuha ko na yung side ni Ryan, siguro tama lang na malaman ko rin yung side ni Kiel. Tumingin ako kay Tita Emma, ngumiti siya tapos tinuro niya yung batuhan. Doon ko makikita si Kiel.

Hindi ko alam kung handa na akong makausap siya. Kung tama siyang lolokohin lang ako ni Ryan, handa akong iwan si Ryan, pero kung malaman kong tama si Ryan, at nagsisinungaling sakin si Kiel, handa ba kong kalimutan si Kiel?

Hindi ako tumuloy sa batuhan, pumasok ako sa loob ng bahay. Umakyat ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Sa tapat ng kwarto ko ay yung kwarto niya. Isang silip lang Ej, kukunin mo lang naman yung cd na ipaparinig sana niya last time, yung compositions niya. Mahirap ba yun? Imposible yun! Sa dami ng cd na nasa kwarto niya, malamang nakauwi na siya, naghahanap ka pa rin.

Hindi ako nakinig sa alter ego ko. Kumatok ako sa kwarto niya kahit alam kong walang tao sa loob. Walang sumagot, sinubukan kong buksan yung door knob pero naka-lock. Ibig sabihin nandun siya, wala ka na talagang kawala, kausapin mo na kahit nakasara yung pinto.

“Kiel, nandyan ka ba?” haha Ej, malamang nandyan yan.
“Wala.” Wow ah, edi multo yung sumagot sakin?
“Kiel, kausapin mo na ko, buksan mo naman tong pinto oh!”
“Leave me alone.” Tapos lumakas yung music sa kwarto niya na hindi ko naririnig kanina.
“Kung ayaw mo kong papasukin, dito lang ako hanggang sa lumabas ka!!” sumigaw ako para marinig niya.
“Enjoy!” sabi niya. Nakakainis talaga siya! Ako na nga yung lumalapit, siya pa yung pakipot. Nagsisimula na akong maniwala kay Tito Eric na likas yung pagka-suplado niya.

Umupo ako sa hallway, wala na kong pakielam kung hindi niya buksan yung pinto o kung isipin man ng iba na mukha akong tanga. Kailangan kong malaman yung totoo.

“If you really want something, you should learn to be patient.” Yan ang sabi niya sakin noon. So maghihintay ako hanggang sa kausapin niya ako.

1:30 ata nung umupo ako dito, 5 pm na hindi pa rin siya lumalabas. Sumasakit na yung pwet ko kakaupo, ngawit na ngawit na yung ulo ko kakalingon kung binuksan na niya yung pinto. May umaakyat sa hagdanan, nakaupo pa rin ako sa hallway. Bahala na, kung sino man yun, maiintindihan naman siguro niya kung bakit ako ganito. Kaso mukhang hindi ata mangyayari yun, si Ryan yung umakyat.

“Oi, anong ginagawa mo dyan?” tanong niya. Lumapit siya, tapos umupo sa tabi ko.
“Hinihintay kong lumabas siya.” Sabi ko, sabay turo sa pinto ni Kiel. Sumimangot si Ryan, ayaw kasi niyang nagpapakahirap at nagmumukhang tanga ako para sa ibang tao.

“Gusto mo ba talaga malaman yung totoo Jay?” seryoso siya. Seryoso nga ba sya? Sasabihin na ba talaga niya kung ano yung totoong nangyari? Tumango ako.

“Mahal kita, yun yung totoo. Pero hindi yun yung sinabi ko sa kanya. I have my own reasons kung bakit ako umalis noon. Alam kong mafi-figure out mong ano man yung rason ko para umalis, hindi ako mapipigilan ng kahit na ano na magpaalam, unless may issue ako sayo o sa pamilya mo.”

Tumango ako, ibig sabihin, kung ano man yung nangyari sa kanila ni Kiel, may kinalaman yun sa pag alis niya.

“Mahal kita, at di kita kayang iwan. Pero yung galit ko kay…Dexter, higit pa sa pagmamahal ko sayo. Ayoko na sanang makita siya pagkatapos nung nangyari sa kanila ni Hannah, kaya hindi na ko nagpakita sayo bago umalis, hindi ko inaasahang makita siya dito—“ hindi pa siya tapos pinutol ko naman yung pagsasalita niya.

“Teka, teka, anong nangyari sa kanila ni Hannah?” matagal nang mystery sakin kung bakit bigla na lang nagkaganun si Hannah, dati rati masayahin siya tsaka nakikipagusap saming lahat. Pero after mawala ni Ryan, bigla na lang naging matamlay si Hannah, akala ko noon dahil sa pagalis nung kapatid niya, may iba pa pala.

“Hindi mo rin alam yun? Ang dami mo atang hindi alam ngayon?” sabi naman niya. Oo nga eh, ang dami kong di alam, bakit ba kasi ako lagi yung behind the news?

“Nabuntis niya si Hannah, nagalit si Papa kaya pinalayas siya. Tumira siya sa apartment pero kahit ilang buwan na, hindi pa rin lumaki yung tiyan niya. Yun yung tima na narealize ko yung nangyari. Pinalaglag nila ni Dexter yung baby. I can’t believe na nagawa ng Kuya mo yun Jay, hindi ba niya kayang panindigan yung ginawa niya sa Ate ko? Lalaki ba siya? Hindi ko kinaya yung depression ni Hannah kaya umalis na ko, and never came back.”

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Ryan, totoo ba talaga yun o pati Kuya ko sinisiraan na rin niya? Wala naman siyang mapapala kung magsisinungaling siya diba? Tumingin ako sa kanya, seryoso siya, tinuloy na niya yung rason kung bakit siya sinapak ni Kiel.

“Nung una pa lang tayong magkita dito, alam ko nang wala ka nang natitirang pagmamahal sakin, nakita ko kung paano mo tignan si Kiel, kung paano mo i-assure sa kanya na ok ka lang. Nakita kong mahal mo siya at wala na kong pag-asa sayo. Kilala kita kaya alam ko kung paano mo pahalagahan ang nararamdaman ng taong mahal mo.”

Habang sinasabi niya to, hindi lang ako yung nakikinig, sa gilid ng mata ko, nakita kong bumukas yung pinto, sabay kaming tumingin ni Ryan kay Kiel, lumabas siya ng kwarto tapos umupo sa harap namin ni Ryan.

“Sige ungas, ituloy mo yung kwento mo, bakit mo sinabi yun?” sabat ni Kiel.

“Kasi alam kong magagalit ka kapag sinabi kong hindi ko mahal si Jay.” Tumingi sakin si Ryan tapos ngumiti.

“Sinabi ko sa ungas na to na hindi kita type at pinaglalaruan lang kita. Gusto ko kasing magalit siya sakin at bawiin ka, hindi kita kayang saktan by breaking up with you. Alam kong siya yung taong nararapat para sayo, ginawa ko rin yun para masiguradong mahal ka niya.” Tapos tumingin siya kay Kiel.

“Sorry bro sa mga sinabi ko, hindi ko naman talaga intensyong laitin si Jay, gusto ko lang marealize niya kung sino yung taong di niya kayang mawala. And nung nakita ko pa lang siyang nakaupo sa tapat ng kwarto mo, alam ko na kung sino yung di niya kayang mawala.”

I can’t believe na his perfectly right. Nakayuko lang ako kasi alam kong namumula na yung pisngi ko. Iniwan na kami ni Ryan, para daw makapag-usap kami ng maayos. Maraming nangyari samin, paano ko naman siya kakausapin? Buti na lang siya yung nauna magsalita.

“Ano sanang kukunin mo sa kwarto ko kanina?” tanong niya, pano naman niya nalamang may kukunin ako?
“Butter cookies…tsaka yung cd…”
“Gusto mo pa ring marinig yung kanta ko?”
“Oo sana.”
“Wait.” Tumayo siya tapos pumasok sa kwarto niya, pag labas niya may hawak na siyang bag ng cookies, cd player at post its. Nagets ko yung dalawa pero yung post its, hindi. Pinatugog niya yung cd, tapos umupo siya sa tabi ko. Walang lyrics yung song, puro piano lang. Pagkatapos nun, inabot niya sakin yung post its.
“I may not be the best man that you’ll ever have, but girl… when you look at me, I felt like im the luckiest man alive.”
“Too bad you let “PAST” come in between us, but baby I’ll never let you go, never let your heart choose the man who’ll hurt you…”
“Hindi ako tanga o manhid Eah, marunong akong magmahal kahit ganito lang ako. Pero may taong mas deserving pa kesa sakin.” Natapos yung tugtog, sumunod yung “When I look at you” pero kasabay nun, kumakanta rin ako sa record, nirecord ata niya to nung araw na nakatambay ako sa kwarto niya.

Hindi ko alam kung anong pinapahiwatig ni Kiel, hindi rin ako tanga…o manhid, alam kong nagpapaalam siya sakin, pero bakit? Bakit ngayon pang wala nang hadlang saming dalawa?

“Im just not good enough for you Eah, at ayokong masayang yung pagmamahal mo sa taong tulad ko.”
“Pero mahal na kita! Minahal na kita noon pa, at mamahalin pa rin kita ano pang sabihin mo!”
“Hindi ko pa kayang maging seryoso sayo ngayon Eah, hindi ko pa kaya yung ganitong commitment. I love you Eah, pero it’s not enough para pangakuan kita ng kahit na ano. I’ll always love you Eah. Goodbye.” Then, he left and never came back.

EAH chapter 6

***6***

There are some things, na tanging tayo lang ang dapat na nakakaalam, we call it secrets. We don’t want others to know these things dahil embarrassed tayo, or feeling natin, mas magiging maayos ang buhay natin kung hindi to malalaman ng iba. But what if, yung secret na yun, ang maging dahilan para maging miserable ang buhay mo? What if instead of happiness, pain pala ang dala nila sayo.

I never meant to know those secrets, masyado lang talaga akong mausisa kaya nabunyag sakin yung mga sikreto ng nakaraan. If she have a million questions inside her mind, I might be the only person who have the answers she might needed, answers she wanted, pero never niyang nakuha.

“You should look for a new hiding place, delikado yung mga pagkain mo dun, pinaalam mo pa kasi sakin yung grocery store mo sa loob ng kwarto.” She sat beside me and opened her can of coke.

“Yeah, I should relocate. Do you mind kung itago ko muna sa kwarto mo habang naghahanap ako ng ibang pagtataguan?” she smiled, tapos binatukan ako.

“OUCH! What was that for?”
“Kiel, pwede bang magtanong? Pero sana seryosohin mo yung pagsagot mo.”
“Nagtatanong ka na nga eh.” Tumingin siya ng masama sakin tapos tumuloy na siya sa tanong niya. Well, im kind of prepared for this. Hindi rin naman maiiwasan tong topic na to.

“what’s your favorite color?” natawa naman ako. Kamoteng to, akala ko kung anu na.
“orange, you?”
“green.” Nakasimangot siya.
“spill the beans Eah, what’s your real question?”

“I know na may alam ka sa nakaraan ng pamilya mo, at ng pamilya ko. I want to know, kung may alam ka about sa Daddy ko.” Nakayuko siya habang nagtatanong, tumingin lang ako sa dagat.

“remember the end of my story yesterday?”
“yeah, nasagasaan ng kotse si Dexter.”

“Yeah, exactly, the guy that drives the car is your Dad. That was the day na nalaman naming lahat yung totoong story sa nakaraan ng parents natin.
Earl is standing at the middle of the road, your Dad is drunk, well, Earl is drunk too. Mabilis yung pangyayari. Nung sinugod sa ospital si Dexter, I saw Tito inside his car, crying. Tinanong ko sya kung bakit, sabi niya sakin “hijo, there are some things, na tanging tayo lang ang dapat na nakakaalam, we call it secrets. We don’t want others to know these things dahil embarrassed tayo, or feeling natin, mas magiging maayos ang buhay natin kung hindi to malalaman ng iba. But secrets ruined my life Exekiel, it ruined my family’s lives, my son’s life.” Then, umiyak siya ulit. Lumapit samin si Earl. At that time, ang alam ko lang, step dad siya ni Earl, so I thought si Earl yung tinutukoy niya. I asked Earl kung anong nangyayari, coz im really confused. He told me that I should wait, whatever happens, I should wait for others to tell me everything, so I waited.
Sinundo ako ni Dad at inuwi na sa bahay, before I went to my room, pinaupo niya ako sa sala.
“Everything is messed up Kiel, and I want to tell you everything pero hindi ako ang dapat magsabi sayo. Ang pwede ko lang sabihin sayo ay kung anong nangyari kay Earl.”
“What happened Dad?”
“Si Tito Daniel mo, may family siya noon sa Manila na iniwan niya. And walang may alam na magkikita sila dito ng anak niya. Dexter and Claire were his kids. At dahil nga anak ni Tito Daniel mo si Claire, at anak anakan din niya si Earl…” he trailed off.
“Would it be incest kung magkatuluyan sila Earl at ate Claire?” they’re not blood related.

“Nope, hindi incest yun Kiel, pero si Tita Bea mo, she sort of…hated Daniel’s first family. So she told Earl to break up with Claire coz it doesn’t look good kung ipagpapatuloy nila yun. Daniel heard everything and got drunk. He can’t believe na ganun si Bea, pati yung relasyon ng anak nila pinapakielaman niya. He was supposed to go home pero nasagasaan niya si Dexter. And that’s all.”

Nagulat ako nung biglang bumukas yung pinto at dumating si Tito Daniel at Tita Bea, they were arguing about something na hindi ko masyadong maintindihan.

“I don’t care about your daughter, I care about my son. She is not the right girl for Earl.” Sabi ni Tita Bea.
“And I don’t care about your son too! Hindi mo dapat kinokontrol yung mga bagay na tungkol sa kanila. God damn it Bea! Ang tanda na nila para i-guide sa kung sino ang tamang tao para sa kanila!” Tumalikod kami ni Dad, hindi dapat kami nakikinig kaso pareho naman kaming interesado sa susunod na pangyayari kaya hindi na kami umalis.

“And God damn it too Dan! Anak mo yun dun sa dati mong asawa! And guess what, anak ko yung pinag-uusapan dito! Isn’t it weird na pinagtatalunan pa natin to, it’s incest!”
“No it isn’t. They’re not blood related!”
“Whatever Dan, pero isa lang ang sinisigurado ko sayo, your children will be out of this house immediately or else,”
“Or else what?”
“Or else, you’ve got to leave. Choose, it’s either your kids or me!”

Hindi na kinaya ni Tito Daniel yung nangyayari, as soon as nakaakyat siya ng kwarto niya, he packed his things and took off. We’ve never seen him again since then. Hindi ako yung tamang tao para magsabi sayo nung sumunod na nangyari, pero if you really want something, you should learn to be patient. Wait for them to tell you.”

Pinunasan niya yung pisngi niya gamit yung panyo niya. Umiiyak ba siya? I didn’t mean to make her cry. Masakit man tanggapin, alam kong ready na siyang malaman yung totoo about sa dad niya. Hindi yung nabubuhay siya sa pagaakalang patay na yung amang hindi man lang niya nakilala. She deserves to know everything. But not now, definitely not now.

I tried to change the subject para maiwasan na yung mga tanong niya, pero hindi ko naman nagustuhan yung unang lumabas sa bibig ko.

“so… kamusta na kayo ng boyfriend mo?”
“excuse me?”

I caught her off guard. Hindi matutuwa si Dexter pag nalaman niyang pinamimigay ko yung kapatid niya dun sa lokong yun. Unang beses pa lang kaming nagkita ni Dex sinabi na niyang magugustuhan ko yung bunso nila. I never though he would be this freaking right. Nasa akin nga ang boto ni Dexter, pero hindi yung puso ni Eah, still useless.

“You and Ryan, diba sabi mo kayo pa? How are you to doing? Going strong?” I totally screwed up. Bakit ba ganito ako ngayon? Must be the weather, I never loved clouds in the middle of summer. Sabay kaming tumingala, and unfortunately, I got hurt by what she said next.

“Hmm, Ryan, were doing great. Actually isasama daw niya ko sa party mamaya sa beach. You’ll come right?” tumingin ako sa kanya. Is she actually expecting me to go to a party? Hindi ako “party guy” type. I’ve always been weird in the eyes of others. Another reason why I’ve never had a girlfriend, no one wants a wierdo. I’ll never go to a party like that.

“Yeah, sure, I’ll be there.” Is it me, or my alter ego? Geez… wala ka na bang tamang sasabihin ngayong araw na to?

“Talaga? Buti naman, akala ko mao-OP lang ako dun. At least may makakausap akong kakilala.” Edi sana di ka na lang nagpunta kung ayaw mo rin pala makipagusap sa di mo kilala.

“Coz you know Kiel, I’ve never been the “party girl” type. I even hate parties.” Parang narinig ko na yun? Eh bakit pa siya pupunta?

“Eh bakit ka pa pupunta?” nakakairita din tong babaeng to ha. She’ll go to a party tonight kahit ayaw niya sa parties? Ano kaya yun? adik ka Eah?

“Gusto kong mapalapit ulit kay Ryan, and he’s a party guy type. Wala naman akong magagawa kung gusto niya pumunta. I want to earn his trust too. I want him to know na he could lean on me.”

Pumalakpak ako. “Very well said Ms. Mendoza, would you like me to stand up to show my appreciation on you very pleasant speech?” imagine na british accent ako niyan.

“You don’t have to go if you don’t want to.” Sumeryoso na ko ulit. May mood swings ako these past few days. Isisisi ko na lang ulit sa weather. I never loved clouds in the middle of summer.

“The hell, I wanna go! Tsaka kahit ayaw ko pa, I’ll still be there for him.”

Wow. Unrequitted love talaga yung meron siya sa ungas na yun no? Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko, pero parang gusto kong mahulugan ng 50 pounds na bato ngayon. I looked at her, she looked at me. Nagtitigan lang kami hanggang sa umayaw na siya.

“I’ll still go kahit na ayoko sa parties. And what do you care? It’s my goddamn freakin personal life” Hindi ko namalayang palubog na pala yung araw, napansin ko lang nung tumingin ako sa kanya at napapalibutan ng color orange yung silhouette niya. I hate orange from now on.

Another sunset na kasama ko siya. It’s getting late kaya tumayo na ko para umalis. There’s no point in arguing with her. Hindi naman ako mananalo dun sa ever-so-loved niyang boyfriend. And in the first place, sino ba ko? Ano bang pakielam ko sa personal life niya?

“Im just the music lover wierdo na mahilig mamigay ng butter bicuits at coke in can. What do I care about you?” tumakbo na ko ng mabilis na mabilis, hindi ko na tinignan kung sinundan ba niya ko o nag-stay lang siya, pero ang alam kong humabol sakin eh si Ryan. Nahuli kasi niya ko.

“Hey, sandali lang. Bakit mo tinatakbuhan si Jay? What happened bro?” akala mo naman concerned siya kay Eah, halata namang nagpapanggap lang siya. Makakahanap din ako ng baho mo Ryan, maghintay ka lang!

“Get. Your. Hands. Off. Of. Me.” tumingin ako ng masama sa kanya.
“Hey, hey, chill lang dude. Kung galit ka sa bruhang yun, I don’t care. Nabangga mo lang ako kaya pinigilan kita.” Anong tinawag niya kay Eah? I thought he likes her?
“I thought she’s your girlfriend?” nahuhuli ka sa mga sinasabi mo Ryan.
“She is. Pero I don’t really love her. Kahit noon, madalas akong makipagdate sa iba kahit kami pa. Bakit dude? Type mo? Come on dude, who likes a wierdo?” that’s it! Im gonna kill this guy!
“Really? Ibig sabihin ba nun I could do this?” sinapak ko siya sa mukha. Hindi ako violent na tao, pero pinilit niya ko. Nagsapakan lang kami, may mga nagpustahan pa nga, kaso umawat na sila Earl, Dexter at Felix. Wala akong laban sa tatlong yun, ang laki ng katawan nung mga yun. Puro dugo na yung mukha ni Ryan at nakahiga siya sa sahig, I guess ganun din itsura ko.

“What the heck were you thinking? Gusto mo bang mapa-pulis ka pa dahil sinapak mo siya?” sermon ni Earl. Great! Ipapapulis ako nung sarili kong pinsan! Yung ga*ong yun ang dapat pinapa-pulis!

Dumating si Eah sa scene, hindi pa niya alam kung anong nangyari, pero dahil nakita niyang nakahiga sa sahig si Ryan, sakin na naman napunta ang sisi.

“Ano bang problema mo Kiel? Bakit mo ba pinag-iinitan si Ryan?” sinigawan niya ko. Hindi ako makasagot. Hindi naman siya maniniwala sakin, ganun naman yung mangyayari. Mas makakabuti kung mananahimik na lang. Kaso hindi nanahimik yung mokong.

“Bigla na lang niya kong sinuntok. Nagseselos ata sating dalawa, bakit daw ba bumalik pa ko. Sabi ko sa kanya mahal kita pero ayaw niyang maniwala.” What a great story. Gusto ko na ulit manapak.

“Sinungaling ka! Ang sabi mo kanina you don’t like her at sabi mo wala namang magkakagusto sa wierdo.” Oh no, I lost it.

“I don’t care kung anong sinabi mo o kung anong sinabi niya. The point is nanakit ka. I thought iba ka ka. Now, I don’t even know kung ano pang tingin ko sayo.” Inalalayan niya patayo si Ryan tapos naglakad na sila. I need to clear everything, hindi siya dapat magstay kasama ni Ryan.

“Eah wait!” huminto siya, pero hindi siya lumingon.

“Stay away from me Kiel, stay away from us!” then, she left.

02 June 2010

EAH chapter 5

***5***
[Zik]
At that very moment, hindi lang yung babaeng gusto ko yung natulala. Ako man nagulat din. Sino bang mag-aakala na yung taong biglaang nawala sa buhay mo, ay babalik sa isang di inaasahang pagkakataon? Gaya nung nangyari kanina habang naglalakad kami, bigla na lang tumulo yung luha niya. Gustong gusto kong punasan, pero hindi ito yung tamang time para maging sweet sa kanya. Kanina lang gusto ko nang makilala si Ryan, and now, he’s here! Mas gulat pa kesa saming lahat.

“J-Jay? I-ikaw ba yan? Anong ginagawa mo dito?” Yan yung tanong niya. Eh kung sapakin ko kaya to? Umiiyak na yung tao, tatanungin mo pa ng walang ka-kwenta kwentang bagay. Humawak ako sa balikat ni Eah, di lang para damayan siya, para rin mapigilan ko yung sarili kong masapak tong lalaking ito. Kung ano man yung ginawa niya kay Eah noon, sigurado akong nasaktan niya to ng todo todo, kasi hindi naman ‘to iiyak ng ganito kung hindi diba?

Naramdaman siguro ni Eah na nag-aalala ako sa kanya kaya hinawakan niya yung kamay ko. Akala ko pa naman assurance yun na ok siya, kaso tinanggal niya yung kamay ko. Rejection ba ‘to? Eh dinadamayan ko lang naman siya ah! Kumapit ako sa kamay niya, wala kang kawala sakin Eah, alam ko kung anong pakiramdam ng iwan ng mahal mo. Coz I’ve felt that. And I know how much support you needed.

“Kiel…” hinatak na ako ni Earl noon, “hayaan mo muna silang mag-usap, sasabihin ko sayo kung ano yung nangyari.” Tapos ngumiti si Eah, at binitawan na niya yung kamay ko. Parang naka-slow motion lahat. Pakiramdam ko nagpaalam na rin si Eah sa akin nun. Sa oras na makapag-ayos sila ni Ryan, ano nang mangyayari sakin? Dapat bang hayaan ko silang maging masaya sa isa’t isa? Eh nagawa na nga niyang iwan si Eah noon, paano ako makakasiguradong hindi na niya sasaktan yung babaeng mahal ko? Hindi ko naman pwedeng ipilit yung sarili ko. Argh! Bahala na nga, bahala na siyang pumili saming dalawa ni Ryan.

Sumama ako kila Earl sa loob ng bahay. Naiwan sa labas si Ryan at Eah. Hindi na nya ulit masasaktan si Eah, magtitiwala na lang ako sa magiging desisyon niya. I should wait. Pagdating namin sa loob, kumpleto nga kami. Hindi lahat ng nakatira sa bahay na to, iisang pamilya lang, karamihan samin magkakaibigan lang talaga.

“Earl, asan si…Tita Emma?” I’d rather call her that way. Hindi ko pa rin tanggap yung katotohanan. Lumapit naman siya sakin kaya hindi na sinagot ni Earl yung tanong ko. Nag-mano lang ako tapos dumiretso na ako sa tanong ko.

“Magtatagal rin ba kayo dito? Hanggang kailan?” Medyo rude, pero ganyan ako makipag-usap sa nanay ko…sa nanay namin ni Felix.

Yeah. Si Tita Emma ang real mom ko. At kapatid ko sa ina si Felix. Paano nangyari? Simple lang. Kapatid ni Daddy yung Daddy ni Felix, pero namatay yun nung 12 ako. Anak naman ako ni Dad, at ni Tita Emma. Yeah, naging sila noon, pero friends na lang daw sila ngayon. At dahil mas matanda ako ng isang taon kay Felix, ibig sabihin, naging si Dad at Tita Emma bago pa lang magka-anak si Tito at Tita, pero kasal na sila nun, kaya anak ako sa labas. Hindi pala simple yung story, pero lahat ng ito, nalaman ko 3 years ago, yun yung huling beses na nagpunta ako dito. Alam din ni Felix yung totoong story, but we prefer to treat each other as cousins, not brothers.

“Wala na kaming balak bumalik sa States. I’m planning to stay here for a while, pero sa iiwan ko rin si Felix dahil may kailangan akong asikasuhin sa Manila. Im happy na bumalik ka dito Kiel.”

Galit pa rin ako sa kanya dahil hindi siya nagpakita sa akin for 12 freaking years. For all I know, patay na yung nanay ko. And then bigla na lang aamin yung nanay ng pinsan ko na siya yung totoo kong Mommy? What the hell. Pero siguro nga mas ok na yung alam ko, rather than living in a life full of bulls. I don’t need a mother. Lalo na kung ganitong babae lang din naman.

Lumapit si Earl sakin. Eto na siguro yung binibida niyang “pagpapaliwanag”. Sa aming lahat naman si Earl lang ang marunong umintindi at magpaliwanag. Minsan lang talaga magaling akong magpanggap na naiintindihan ko kahit hindi. Umupo kami sa couch na malapit sa glass door. Nasa labas pa rin sila Eah at Ryan, nagsasalita siya pero hindi ko marinig. Nakatitig lang si Eah sa kanya. Nagsimula nang magpaliwanag si Earl kaya nakinig na ako sa kanya.

“Zik, alam mo naman kung anong estado ng resort namin. Isa kami sa pinakamayayamang pamilya sa lugar na to, and we’re famous not because of our wealth,”

“But because of what you do for other people. Ang pinupunto mo ba eh yung pagpapatira niyo dito ng mga taong hindi niyo kilala?” tinanong ko siya pero alam ko naman yung sagot.

“yeah, yun yung pinupunto ko, hindi namin sila kilala, hindi namin alam kung anong nakaraan nila, ang alam lang namin, hindi sila masamang tao. That’s what my mother thought me since I was young.
A year ago, isang normal day para saming lahat, dumating dito si Mama na may bitbit na binata. Ryan is a great kid, mabait, masipag, musician siya, magaling makisama, pero hindi nagku-kwento tungkol sa pinanggalingan niya. Masyado daw komplikado sabi niya. Pero wala naman kaming magawa ni Felix kundi manahimik na lang at wag magtanong.
Last month, nasa beach nun si Ryan, walang tao sa kwarto niya pero may tumutugtog na music. Si Felix yung nakarinig, papatayin niya na sana yung music nung mapansin niyang nakabukas din yung PC sa kwarto ni Ryan. And guess what, may screen saver siya na puro pictures nila ng ex girlfriend niya. Nung una, akala ni Felix si Claire yun kaya pinakita niya sakin, pero napansin din naming masyadong bata para maging si Claire. Dun na kami nangulit kay Ryan kung sino yun. He called her “Jay” dahil ata sa Ej. Kaya kanina, nung nakita ko si Ej, syempre inisip kong si Claire yun, pero narecognize ko din siya. Alam kong siya yung “Jay” ni Ryan. They never really broke up. Ang sabi ni Ryan, napilitan siyang umalis ng Manila dahil kailangan na niyang lumayo sa father niya na may ilegal atang gawain. He can’t take Ej kaya mas minabuti niyang umalis na lang ng walang paalam, kasi hindi niya kakayaning makita si Ej na nasasaktan. So he left, sumakay ng bus papuntang Batanggas, pero coincident lang yun, naging palaboy until makita siya ni Mama. He never stopped loving her. Maraming girls na ang nagtangkang landiin yang si Ryan, pero hindi naman niya pinapansin. But there’s the other reason why he left her. Pero hindi niya sinabi.” He stopped.

Huminto siya sa pagkwento, napansin siguro niyang hindi na ako interesado sa lovelife ni Ryan. Nakakaawa naman talaga yung nangyari kay Eah at Ryan, until now mahal pa rin niya si Eah and he never gave up. Pero bakit ganun? Parang may galit pa rin ako kay Ryan na hindi ko ma-pin point kung saan nanggagaling. Ano nang mangyayri ngayong nandito na rin si Eah? Magiging sila na ulit? Happily ever after? What about me? Kasalanan ko rin siguro tong nangyayari sakin, in the first place, ako lang naman ang in love, ni-hindi ko man lang nasabi sa babaeng mahal ko na mahal ko siya. Hindi man lang ako nagkaroon ng chance para mapakita sa kanya that I care about her. Im too coward to leave her, I’ll never be brave enough para saktan siya.

Nagulat kaming lahat nung biglang pumasok si Eah sa bahay, tumatakbo siya habang umiiyak. Hindi ko alam kung anong gagawin. Sumisigaw pa sa likod niya si Ryan ng “Jay”. Lalapitan ko na sana si Ryan para sutukin. Kaso…tumatakbo pala papunta sakin si Eah, sabay pa yung pagtayo ko at yung pagyakap niya sakin. I felt stupid. Bakit ba kasi inuuna ko pa yung galit ko kay Ryan kesa pagintindi kay Eah.

“E-Eah… si-sige, iiyak mo lang yan.” Nabubulol pa ko sa sinasabi ko. It’s good to know na sakin tatakbo si Eah pag malungkot siya. Kung ano man yung sinabi ni Ryan na nakapagpaiyak sa kanya ng ganito, bukas ko na yung aalamin. He need to pay for making my girl cry.

“Kiel, i-akyat mo na si Ej sa kwarto niya, katapat yung ng kwarto mo, nandoon na lahat ng kailangan niya. I think it would be better kung doon mo siya ico-comfort. Masyadong crowded tong living room.” Tumango naman ako kay Daddy tapos inalalayan ko si Eah paakyat ng hagdan, nakita ko pa si Dexter na papalapit kay Ryan. Nung makarating kami sa kwarto niya, hindi na siya umiiyak. Gumaan naman yung pakiramdam ko nun, kaso nung nakaupo na kami sa kama niya. She smiled, parang mas sumama pa yung pakiramdam ko. Is this smile for me? O para dun sa sintu-sinto niyang ex boyfriend?

“Kiel. All these years, akala ko hindi na niya ako mahal kaya niya ‘ko iniwan. I never thought na hindi pala ako yung dahilan kung bakit siya umalis.” Masayang masaya siya.

Natulala lang ako. Akala ko umiiyak siya kasi galit siya kay Ryan, or hindi na niya mahal si Ryan. Hindi pala. Tears of joy? Sobra sobra na talaga yung disappointment na nakukuha ko ngayong araw na to. Sobrang sakit na ng dibdib ko ngayon. Pakiramdam ko, magco-collapse na ko sa susunod na sasbihin niya. Please Eah, wag mong sasabihing kayo na ulit, please lang. Hindi ko nakakayanin yun.

“Kiel, nakikinig ka ba? Hindi ako iniwan ni Ryan! Hindi niya ko pinagsawaan! We didn’t broke up!” She’s telling me this na parang ako yung best friend forever niya

“Yes you did.” Kiel, wrong answer kiel, wrong answer!!! Sana nanahimik ka na lang.

“No. We did not.” Nabadtrip na ata siya sakin. Humiga siya tapos nagtalukbong. Kung ganito lang din kabilis ang lahat. Hindi ko i-gigive up yung babaeng mahal ko. Palakasan na lang yan ng loob Kiel! Tumayo ako, palabas na sana ng kwarto niya. But I won’t give her up. Kalmado ako nung sinabi kong;

“Yes. You did split up Eah! Iniwan ka niya ng walang pasabi, sinaktan ka, pinaiyak, tapos ngayong may bagong buhay ka na, kung kelan nakalimutan mo na siya, kung kelan may iba nang handang magmahal sa zombie na minahal niya noon. Bakit ngayon pa siya babalik at sasabihing kayo na ulit? Kung kelan nililigawan na kita at wala na siyang magagawa?! Bakit ngayon ka pa naging tanga Eah? Bakit ngayon pang mahal na mahal na kita? O sige, kayo na nga, pero ano nang mangyayari sakin ngayon?”

Tinanggal nya yung kumot niya tapos tinitigan lang niya ko na parang pang-alien yung sinabi ko sa kanya.

“Anong sabi mo?” tinitigan ko lang siya na parang pang alien din yung sinabi niya. Alam kong napansin niyang malungkot ako sa nangyayari, pero hindi niya pa rin tinigil yung pagkwento kung gaano siya kasaya sa Ryan na yun. Hindi ko na kinaya kaya nasabi ko sa kanya yung feelings ko. At nagsisisi ako sa pag-amin na yun. Sana nanahimik na lang ako. Ngayon confirmed na talagang mahal ko siya. Mahal na mahal.

“Sabi ko, tanga ka!” tapos lumabas na ko sa kwarto niya. Pumasok ako sa kwarto ko, I didn’t bother to come down kahit pa si Eah na yung tumatawag sakin para kumain. Medyo papansin din ako eh, ako pa ngayon yung nagmamaktol kahit siya dapat yung kino-comfort. Eh hindi naman na din niya kailangan yung pagcomfort eh. Masayang masaya na sila ni Ryan niya, and I was the one who felt miserable and alone. Hindi ko na dapat ipakita na apektado ako. Kung mahal niya si Ryan, fine! Kung gusto niya yung taong mapagparaya, edi magpaparaya na din ako. Let’s see kung sinong hindi kayang mawala ni Eah.

Kinabukasan, hindi ko pa rin pinapansin si Eah. Hindi naman din niya ko pinapansin, mas ok na siguro yung ganito, kung mahal niya si Ryan, at wala na talaga akong magagawa, mas ok na yung sanay akong makisama sa kanya ng ganito. Lumapit sila Felix at Dexter sakin, tapos inalok nila akong magswimming kasama nung iba.

“It would be fun Zik! And we will finally see Ej on bikini! Right Claire?” mas excited pa ata si Felix na makitang naka-bikini si Eah kesa magswimming na kasama kami. Nag-thumbs up lang si Claire tapos umalis na. Akala ko pa naman si Ryan lang yung karibal ko kay Eah, pati pala si Felix.
“Tsaka matagal tagal na din tayong hindi nakakapagswimming ng magkakasama diba? Tatawagan daw ni Earl yung ibang girls para may kasama tayo.” Kakaiba din yung ngiti nitong si Dexter. Akala ko pa man din loyal sa girlfriend niya tong mokong na to. Wala naman akong magagawa, imbis na magmukmok ako sa kwarto ko, bakit nga ba hindi na lang ako magswimming, pantanggal stress din yun.

“NO WAY CLAIRE!” sumisigaw na bumaba ng hagdan si Eah, kasunod niya si Claire.
“That’s Ate Claire from now on. Hindi tayo sa simbahan pupunta Ej. Mags-swimming tayo. Ano bang masama sa pagsuot ng bikini?” pasigaw din si Claire. Wala na ba silang alam gawin kundi magsigawan sa bahay na to? Dumadagdag lang sila sa sakit ng ulo ko.

Tumingin sakin si Eah, tapos iniwas na niya ulit nung nakita niyang nakatingin ako. Kumakain ako nun ng butter cookies habang nakikinig ng music sa iPhone ko. Kahit head phones ako, rinig na rinig ko pa rin sila. Nakahiga lang ako nun sa couch habang nagbabasa naman ng libro si Earl sa tapat ko. Si Felix at Dexter, kumakain na sa kitchen, yun lang naman alam nilang gawin eh. Bumaba na si Eah tapos hinablot yung hawak kong plastik ng butter cookies. Yun na lang ata laman ng tiyan ko ngayong mga nakaraang araw. Yun at coke. Tinitigan ko siya ng masama. Usually naman mapagbigay ako sa kanya, pero hindi pag stressed ako. Hinablot ko ulit kaya nagulat siya. Akala niya siguro galit ako sa kanya kaya naging worried yung itsura niya. Tumalikod na lang ako at naglakad papunta sa beach. Pero huminto ako bago makalabas, lumingon ako sabay ngiti.

“Kumuha ka na lang sa kwarto ko Eah. Marami pa dun sa drawer ko. Kuha ka na din ng dalawa pang coke sa ref.” Tapos talikod na ulit. Pero bago pa ako makalabas tinawag niya ko. Lumingon ako, nakangiti na siya.

“Kiel! Saang drawer, yung blue o yung black?” nag-isip naman ako.

“Black. Yung coke nasa ref sa kitchen, unahan mo na sila Dex, baka maubusan ka.” Tumalikod na ulit ako. Pero tinawag ko siya ulit. This time, hindi na ako lumingon.

“Eah!” hindi ko alam kung lumingon siya pero sumagot siya ng “oh?”

“Sumunod ka sakin sa batuhan. Dun na lang tayo tumambay kung ayaw mo magswimming.” Tapos nun lumabas na ako ng nakangiti. Akala siguro ng mga tao nababaliw na ako. Siguro nga, baliw na ko kay Eah. Baliw na baliw.

EAH chapter 4

***4***

“Ano?! Step bro ba yung sinabi ni Dexter? Pano?Bakit? Si Earl?” naguguluhan na talaga ako. Ano ba yan. Akala ko pa naman pag nagkwento na sila, maiintindihan ko na. eh mas lalo pa atang gumulo yung pangyayari.

“Eah. You don’t have to know everything in one day. It’s healthier for you to wait for them. Kung kailangan mong malaman ang isang bagay, malalaman at malalaman mo rin yun. You just have to wait.” Sabi niya habang nakatingin sa sunset.

It’s the first time na nakapanood ako ng sunset. Kasam ko p si Kiel. Usually kasi, kapag sunset sa manila, natatakpan ng buildings or ng mga puno. Ngayon ko lang nakita kung ano yung sinasabi nilang “beauty of sunset”.

“May nabasa akong libro noon na may line yung main character na, ‘The magic of this sunset is useless and boring without your true love. It is love which gives the sun the power to break our shells. Love makes us confident despite of the disappointments we had.’ Love made me confident of what I am Eah.” Nakatingin pa rin siya nun sa horizon habang nagsasalita.

“Kiel, bakit Zik yung tawag nila sayo?” wala lang talaga akong maisip na itanong kaya yun na lang.
Tumingin siya sakin, tapos ngumiti. Sabi niya “Ezikiel dapat pangalan ko, kaso gusto daw ng Mommy ko, may X sa pangalan ko, kaya naging Exekiel.”

Ahh, ganun pala, kaya naman pala Zik kasi Ezikiel, pero mas maganda pa rin yung Kiel. Natahimik na naman ako. Tumingin naman ako sa kaliwa ko. Syempre nandun pa rin si Felix na naglalaro ng snake 3 sa phone niya. Natutuwa ako kay Felix, mukhang walang problema itong taong ‘to, lagi siyang nakatawa. Samantalang ako, lagi na lang akong naguguluhan. Buong buhay ko, marami akong tanong na hanggang ngayon hindi pa nasasagot. Nadagdagan lang. Ang sarap niya bigyan ng problema. Mas mapapadali siguro yung pagiisip kapag hindi makata yung kausap mo. So si Felix naman yung ginulo ko.

“Felix, nakakapag-tagalog ka ba?” sabi ko. Tumawa bigla si Kiel, humalakhak would be the right term. Kulang na lang gumulong siya. Anong nakakatawa sa tanong ko?

Nakatingin sakin si Felix nun, masama yung tingin niya, mukha na naman ata akong tanga? Anong mali sa tanong ko?
“Yah Ej, nakekepag-tagalowg akow. But I prefer speaking in English, nakeketawah kaseh yung accent ko peg tagalowg. So speak to me in tagalowg if you want, but I’ll answer you in English. These monkeys here just got carried away by my language, that’s why they speak to me in English too.”

Unfortunately, hindi ko na rin napigilang tumawa. Tagalowg? Wow! Nakeketawah! Pakiramdam ko ang babaw ko ngayon. Kaya pala tawa ng tawa si Kiel, sana nag-English na lang siya para hindi namin siya napagtawanan. Nabadtrip naman ata siya nun tapos bumalik na sa paglalaro.

“Magtetenowng kah, tapows pagtetewanan niyo lahng akow.”

Mas malakas pa ata yung tawa namin ni Kiel nun. Biglang lumapit si Dexter samin, napansin ata niyang pinagkaka-tuwaan namin si Felix kaya makikisali na rin siya. Nung tinignan ko si Earl tsaka Claire, magkatabi na sila, nag-uusap na pero hindi pa rin nila makuhang tumingin sa isa’t isa. Nakatingin din nun si Kiel, tapos umiling. Tumingin siya sakin then ngumiti, minsan talaga mukhang retarded itong si Kiel. Ang hilig ngumiti kapag tumitingin sayo, akala mo may kung anong nakakatawa sa mukha mo. Tumabi na kay Felix nun si Dexter tapos tinanong niya kung bakit badtrip si Felix samin. Si Kiel yung sumagot, kaso mukhang walang humpay na tawanan na naman to.

“Hindi kow namen sinahsedyeng pagtewenen yung Tagalowg mowweh, kasow pare keng jejemown mag saleteh. Ibeng ibe ke telegeh brow”

Tapos gumulong na nga siya sa kakatawa. Bawal pigilin ang tawa, baka kabagin kami. Masama yun sa environment. Namumula na yung mukha ni Kiel kakatawa. Pero napigilan siya sa sinabi ni Felix.

“Go on Zik, just laugh at me, I bet Ej would love to know what happened the last time you laugh that much.” Sabi ni Felix. Hay naku, isa na namang bagong hiwaga sa baul ng katanungan. Ano na naman ba yung ibubunyag na sikreto ni Felix?

Madilim na nun pero nakahiga lang kaming apat sa batuhan. Sila Claire nag-uusap pa rin sa malayo, malamig na kaya tumayo na ako. To remind you all, naka-razor back ako. Naka-cut off sleeves din si Kiel kaya malamang giniginaw na din yan, pero nakahiga lang siya sa batuhan. Si Felix naman, mukhang hindi giniginaw kahit naka-sando lang, sanay yan sa states eh kaya nakahiga lang din siya, nakapatong yung braso sa mata niya kaya mukhang tulog na. Si Dexter, tulog na din. Kami na lang ni Kiel ang gising na gising pa.

Siguro isa na to sa most memorable summer I’ll ever have. Dito masasagot halos lahat ng tanong ko na gumugulo sakin buong buhay ko. First of all, ano yung totoong nangyari sa Daddy ko. Ang alam ko noon, namatay na siya. Pero yun lang yung sabi nila Dexter at Mommy, walang grave or anything. Kaya nung sinabi ni Dexter na step bro namin si Earl, kinabahan na ako. Isa lang ibig sabihin nun. Step dad niya yung Daddy ko. Pangalawa, bakit ayaw ni Kiel dito? Mukha namang masaya siya kasama nung mga pinsan niya ah. So what’s wrong about the place? Pangatlo, hindi ko sigurado kung dito ko malalaman, pero susubukan kong alamin ngayong summer kung bakit bigla na lang nag-iba yung ugali ni Hannah samin at kung bakit pumayag si Kuya na iwan siya sa Manila. And lastly, ano yung totoong nararamdaman ko para kay Kiel?

Napatingin ako nun kay Kiel, nakatingin din siya sakin. Tapos napatayo siya nung nakita niya na malungkot yung itsura ko.

“Hey, anong problema mo? Giniginaw ka na ba? Masama ba pakiramdam mo? Ano?” tanong niya. Umiling lang ako. He doesn’t have to know the last question.

Ngumiti ako para di na siya mag-alala kaya ngumiti na din sya, hindi ko alam kung hanggang kelan ako ganito. Minsan, pakiramdam ko, hindi ako dapat ma-fall sa kanya, kasi naman parang hindi niya ‘ko magugustuhan. Kaso, minsan din, hindi ko maiwasang magustuhan siya. Lalo na ngayon. Sobrang maalalahanin niya. Humiga na ako, nakatingin pa rin siya sakin na parang naguguluhan sa kinikilos ko. Ako rin eh, naguguluhan. Kahapon ko pa lang nakilala itong lalaking to, tapos maiinlove na ako? Ano kaya yun?

“Kiel. Naka-ilang girlfriends ka na?” yun lang yung gusto ko malaman for now. Next time na lang kung sino. Imposible namang wala, kasi sobrang gwapo niya. Eh kung ako ngang mukhang zombie naka-limang boyfriend na, yung ganito kagwapo pa? Kaso yung sagot niya mukhang ewan lang eh.

Humiga siya sa tabi ko tapos sabi niya, “Actually, wala pa talaga. But im plannin’ to court someone.” Tumingin siya sakin sandali pero iniwas din niya kasi nakatingin ako sa kanya. Buti na lang madilim, kasi nararamdaman ko nang umiinit yung pisngi ko. Bakit ba kasi kailangang mag-blush sa tuwing titingin siya sayo, ha Ej?

Pero bukod dun sa pagtingin niya saking yun, parang nakaramdam din ako ng kirot sa puso ko. Wow, nahahawa na ata ako sa pagiging makata niya. But seriously, if he’s planning to court someone, wala na talagang pag-asa ‘tong feelings ko para sa kanya. Mukha namang hindi niya type yung mga mukhang zombie eh.
Kanina ko pa sinasabing mukha akong zombie. Ganito kasi yung itsura ko, hindi ako payat na payat, pero hindi mo ko maco-consider na chubby. Sakto lang. Maputi ako, no, maputla pala. Hindi ako mahilig matulog ng maaga kaya may dark circles sa paligid ng mata ko. Bukod pa yun sa eye bags ko. Lagi akong mukhang haggard kahit lagi lang akong naka-higa. To sum up everything, pangit ako. Pero hindi ko rin alam kung bakit may pumatol sakin noon.

“Ikaw Eah? Naka-ilang boyfriends ka na?” hindi ata ako makasagot. Kahit na nakalima na ko, isa lang naman dun yung naging seryoso ako, so ilan sasabihin ko?

“Isa lang. Hindi ko na kino-consider na boyfriend yung hindi seryoso.” Sus! Palusot mo Eah Joy! Isa lang kasi yung sigurado kang minahal ka din. At si Ryan yun. Yung younger brother ni Hannah na girlfriend ng kuya mo na nagpasagasa dahil sa “step bro” mo na ex ng ate mo na naiinis sa lalaking nasa harapan mo ngayon na unfortunatelly, crush mo. Ay ang gulo mo Ej!

“Sino naman yung guy? Wow ah, kakaiba din yung type niya, zombie like.” Sabi ko na nga ba eh! Mukha talaga akong zombie, hindi lang basta exaggeration yun. Ipagdutdutan daw ba?
“Ryan yung name niya. And yeah, zombie like yung type niya!”

Na-badtrip ako kaya sinungitan ko na din siya. Kahit matagal na kaming wala ni Ryan, ipagtatanggol ko pa rin siya. Tutal di naman ako type nitong lalaking to, di na kailangan magpanggap na mabait. Tinawanan lang nya ko tapos sabi niya,

“Sana someday ma-meet ko siya. Para malaman ko kung paano manligaw sa zombie.” Tumawa siya tapos tumahimik din. For a moment inisip kong baka ako yung liligawan niya, sino pa bang mukhang zombie dito? Kaso tumawa siya, kaya malamang imagination ko lang yung thought na yun. Too bad.

Nakatingin lang ako nun sa langit. Full moon pala ngayon. Nakakatakot pero nakakatuwa kasi eto yung unang araw na nakausap ko ng ganito katagal si Kiel. Ngayon ko na-experience lahat ng feelings na akala ko noon di ko mararamdaman. Inaantok lang siguro ako kaya nagkakaganito na ko. Tulog naman sila kaya hindi naman siguro masamang matulog din. Ipipikit ko na sana yung mata ko nung biglang may nag-flash sa kaliwa ko.

“Exekiel and Eah Joy, caught on cam!” sigaw ni Felix.

Oh. My. God. Malapit ko na talagang mapatay tong amboy na to. Tumakbo siya kasi hinabol ko siya. Tama yan Felix, tumakbo ka lang hangga’t kaya mo pa, runner ata ako, mabilis akong tumakbo no!

Umabot na kami sa part nung beach na medyo may tao. Habang tumatakbo siya, napansin kong may kinakabit siya sa camera niya na parang case. The next thing I knew, nakasisid na siya sa dagat. Swimmer versus runner? Unfair ata yun ah! Hindi ko na siya hinabol sa dagat, pero after a few minutes may nakita na akong inaanod na figure papunta sakin.

Kinabahan na ko, si Felix ba yun? Akala ko ba swimmer siya? Tumakbo ako papunta sa kanya para dalin siya sa beach. Nung hahatakin ko na sana siya, bigla na lang niya pinalupot yung kamay at paa niya sakin. Anakanangtokwa! Akala ko pa naman nalunod na, sayang! Tumawa siya ng malakas, yung tipong nagtinginan lahat ng tao sa resort.

“I caught you Ej!” sigaw na naman niya. Yeah right, he caught me. Ano ako, isda?

Nabadtrip na talaga ako kaya bumalik na ako sa beach. Hindi na ko bumalik sa batuhan kasi papunta na rin naman sila samin. Nag-sorry naman si Felix, hindi ko siya pinanpansin kaso nung nagtagalog siya hindi ko na mapigilang tumawa.

“Soooorrrrryyy Ej, mapepetewed mow bah kow?” pati siya natawa na rin sa sinasabi niya.

Nung makarating sa beach sila Dexter, isa lang yung unang napansin namin ni Felix, sabay pa kaming natulala at napasabi ng

“NO WAY!” magka-akbay na kasi sila Earl at Claire. Sila na ulit? Ano ba yun? Akala ko ba step brother namin si Earl? Akala ko ba hindi pwedeng maging sila? Dumami na naman yung tanong ko. Pero sinigurado naman ni Earl na masasagot yun ngayong gabi.

“Mamaya ko na lilinawin lahat lahat. Lalo na sayo Ej, alam kong marami kang hindi naiintindihan. But before anything else, mag dinner muna tayo. Sinabi ko na kay Mama na doon tayo kakain sa Main House lahat. Para ma-meet niyo na din lahat ng nakatira dito.” Sa haba ng speech niya, tyan ko lang sumagot sa kanya. Nagugutom na talaga ako.

“So everyone’s gonna be here tonight?” tanong ni Felix. Tumango lang si Earl. Tumingin silang dalawa sakin. Oh? Bakit na naman? Habang naglalakad kami papunta sa bahay, kasabay ko sila Kiel at Felix, magkakasabay naman sila Earl, Dexter at Claire. Dahil ata sa age gap kaya kaming tatlo ang magkakasama lagi. Kinausap naman ako bigla ni Felix about something na hindi ko inaasahang mapag-uusapan namin.

“Ej, you had a boyfriend, Ryan right? I heard your conversation with Zik earlier. Can I ask what happened? Why did you two broke up?” sobrang casual nung pagkakasabi niya. Hindi ba niya alam na masakit alalahanin yung isang tao na nakapagpasaya sayo? Na naging rason kung bakit hindi ka na-inlove sa ibang tao pagkatapos niya. Well, I thought I fell in love with Kiel pero hindi ko na sigurado ngayon. Nagsimula nang tumulo yung luha ko. Hindi siguro nila napansin kasi madilim na rin. Ayoko na sanang alalahanin si Ryan. He actually left me for no reason. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero bigla na lang siyang nawala, as if he never existed in my life. Pakiramdam ko nararamdaman ko ulit yung lahat ng sakit na dala nung pag-alis niya. Pero bago pa ako makasagot sa tanong niya. Napahinto ako sa tapat ng glass door na papasok sa bahay. Is it just a dream? O nightmare ba tawag dito? Imposible naman yun diba? Ganun na ba kaliit ang mundo? Dinugtungan ni Felix yung sinasabi niya. Sinagot na naman niya yung tanong ko.

“Coz you know… Ryan’s here.”

31 May 2010

EAH chapter 3

***3***

Nauntog ako sa bubong nung bigla akong tumayo. Nakakahiya talaga, tulog siya pero nahihiya pa rin ako, tumingin si Dexter sakin tapos tumawa. Ginising na rin niya si Kiel na nagising naman agad. Nagreklamo pa ngang masakit yung balikat niya tapos tumingin sakin ng masama.

“Saan mo ba tinatago yung bigat mo? Hindi na ata dumadaloy yung dugo sa braso ko eh, dinaganan mo pa.” nasa labas na kami ng van nun. Grabe naman ‘to, hindi naman ako mabigat!

“Eh bakit hindi mo ako ginising? As if namang gusto kong sumandal sayo?! Wag kang feeling ha!” naglakad na ‘ko nun papasok ng bahay nila. Ang laki nung bahay, mansyon na ata yun eh. Nahuli kaming dalawa sa paglakad kaya kami na lang din yung nagusap.

“Hindi ako feeling! Hindi kita ginising kasi alam kong maaga kang nagising kanina. Tsaka…” he trailed off.

“Tsaka ano?” naiirita na yung itsura ko nun. Pa-suspense pa kasi eh!

“…tsaka, gusto ko naman kaya ok lang!” tapos tumakbo na siya papasok ng bahay. Ano daw? Hindi ko nagets! Ano daw gusto niya?

Iniwan nya ‘ko mag-isa dun. Ngayon, paano ko malalaman kung nasaan sila? Naglakad na ‘ko papasok ng bahay. Mas mukha ‘tong resort kesa bahay. Walang tao sa living room, baka umakyat sila sa kwarto. Inilapag ko muna yung gamit na dala ko dun sa couch, tapos hinanap ko na sila. May lalaki akong nakita na pumasok sa kitchen kaya sinundan ko siya. Nawawala na rin naman ako eh, edi magtatanong na ako para mahanap ko na sila Dexter.

Nung pumasok yung lalaki dun sa pinto, hunminto muna ako para silipin dun sa bintana sa gilid kung anong itsura sa loob. And guess what made me stunned? Parang kitchen sa restaurant! Yung tipong sa five star hotels mo lang makikita. Ako nga, dun lang sa sikat na koreanovela ako nakakita ng ganito kagarang kusina. Yung loob, maraming station, tapos puro stainless pa ata tsaka silver yung gamit sa loob. Ang pinagkaiba lang siguro nun sa pang five star hotel na kusina eh, walang tao bukod dun sa lalaking pumasok kanina.

“Pumasok ka kung papasok ka, bawal tumambay sa hallway.” Nakatalikod pa siya habang nagsasalita.

Pumasok naman ako. Ako ba yung kausap niya? Lumingon ako, baka kasi may kausap siya na nasa likod ko, tapos tumingin ako ulit sa kanya. Nakaharap na siya nun, may hawak siyang baso tska kutsara, may hinahalo siya dun sa baso. Magkasalubong yung kilay niya tapos bigla na lang siyang sumigaw tapos nahulog yung basong hawak niya. Nagulat naman ko kaya lumingon ako, wala namang tao, humarap ako sa kanya, namumutla yung mukha niya, parang nakakita ng multo.

“ah…eh…kuya, ok ka lang?” sinubukan kong lumapit pero tulala pa rin siya sakin. Ang weird na nito ah, sintu-sinto ba ‘to o ano? Mukha na naman b akong zombie kaya gnito ‘to?

Siguro mga 3 minutes pa kaming nakatayo dun, bago siya natauhan. Tinitigan niya ko, as in yung parang minumukhaan niya ‘ko. Then inikot niya yung index finger niya na parang pinapaikot ako. Ako namang utu-uto umikot nga, nung naka-ikot na ‘ko, ngumiti sya. Adik? Ewan.

“Sorry miss, akala ko kilala kita, hindi pala, sobrang kamukha mo lang.” sabi naman niya. Lumapit siya sa cabinet sa gilid tapos naglabas siya ng walis tsaka dustpan, ayun, winalis yung nabasag na baso. Kakaiba din mag-akala ‘tong lalaking ‘to eh no? Killer ba yung kamukha ko para mapasigaw siya ng ganun?

Lumapit ako ulit sa kanya tapos tinapik ko siya. “Umm…kuya…” sabi ko, ano bang dapat kong itawag sa kanya? Bata pa naman siya kaso halatang mas matanda siya sakin ng mga 3 or 4 years. Lumingon siya tapos ngumiti. “yes?” sabi niya.

“Umm… kasi, nawawala ata ako, nauna na kasi yung mga kasama kong pumasok dito. Kaya hindi ko alam kung saan ako pupunta. Saan ba ko pwedeng magtanong?” Humarap na siya sakin tapos nakangiti pa rin siya.

“Kasama ka ba nila Tito Eric? Ako nga pala si Earl, anak ako ng kapatid ni Tito Eric, pinsan ako ni Kiel.” Sabi niya.

Nagpakilala naman ako, sabi ko ako si Ej, kasama ko yung dalawa kong kapatid at dito kami titira for the whole summer. Tinanong naman niya kung ano yung meaning ng Ej.

“Eah Joy Mendoza yung whole name ko.” Nung sinabi ko yun sa kanya, namutla siya ulit. Ano bang meron dito sa lalaking to at parang lagi na lang namumutla? Natauhan na ata siya ulit tapos napakamot ng ulo. Habit ba nila talaga ng pamilya nila yung pagkamot ng ulo?

“Ej, anong pangalan ng kapatid mo, dalawa sila diba? Mas bata ba sayo o mas matanda?” Ang dami namang tanong.

“Pareho silang mas matanda sakin, kambal sila, Marion Dexter, tsaka Merri Claire—“ hindi pa ko tapos tumawa na siya. Eh? Bakit na naman? Kanina lang namumutla siya, tapos ngayon tawa na siya ng tawa. Tinanong ko siya kung anong nakakatawa tapos ang sabi niya, “I know them. Kaya pala napagkamalan kita yung ate mo, sobrang kamukha mo siya.” Sabi niya.

Pagkatapos nun, sinamahan na niya ako kung saan ko pwedeng makita sila Dexter. Lumabas kami doon sa glass door na katapat ng living room na mukhang lobby, then paglabas namin. Napahinto ako, sabi ko na nga ba eh! Hindi lang ‘to basta basta bahay o mansyon eh… It’s a beach resort!

“Welcome to Keila Resort! Yung pinanggalingan natin kanina, yun ang Main House. Doon kami nakatira ni Mommy, at doon din kayo titira, pero dito ko nakitang lumabas sila Kiel kanina, mags-swimming na ata sila.” Sabi niya, ganun ba? Eh sa dami ng tao dito, paano ko sila hahanapin? Nabasa ata niya yung expression ng mukha ko, ngumiti siya tapos umakbay sakin.

“Don’t worry Ej, tutulungan kita maghanap, madali lang yun, tatawagan lang natin si Felix, malamang naman kasama niya si Kiel.” Yun yung sabi niya, tapos kinuha niya yung phone niya sa bulsa niya, nag-dial siya tapos nilagay niya sa tenga niya yung phone.

Earl: “Lix, where’s Zik?” naka loud speaker ata kaya narinig ko yung sinasabi nung Felix

Felix: “He’s here, at the usual. He brought your girl. Oopps, ex-girl.” Hindi ko nagegets ah.

E: “Yeah, I already knew that she’s here, and what is with him? He brought her there? Give the freakin’ phone to Zik!” sumisigaw na siya nun. Sino si Zik?

F: “hey, hey, chill bro, Imma give him the freakin phone, doesn’t have to be that touchy.” English speaking ba talaga to? After that, narinig ko na yung familiar voice ni Kiel.

Kiel: “Hey Earl, ano na naman?” naiinis yung tono ng boses niya. Siya si Zik? Bakit Zik?

E: “Hoy Exekiel Alcantara! As I remember, maraming beses ko nang sinabi sayo na hindi iniiwan ang babae, asan ka? Bakit mo iniwan si Ej dito sa bahay? Eh kung wala ako dito? Saan pupulutin tong magandan dilag na’to?”

K: “Kasama mo si Ej? Kanina ko pa kaya siya hinahanap, nung tumakbo ako, iniwan ko lang sa kwarto yung gamit ko, tapos, nakita ko na lang yung gamit niya sa lobby, wala na siya. Saan daw ba siya nagpunta?” Tumingin si Earl sakin nun tapos tumawa siya.

E: “Hindi nga Bro? Sorry, kasama ko siya sa kitchen, nawawala kasi siya eh. Sige papunta na kami dyan.” Nagsimula na kaming maglakad nun papunta sa beach. Kausap lang niya si Kiel, pero naka-headset na siya kaya hindi ko na narinig yung iba nilang pinagusapan.

After five minutes, nakarating kami sa East side ng beach na walang tao. As in wala talagang tao, bukod dun sa apat na figures sa malayo na nakaupo sa batuhan. Nung palapit na kami, nakita ko na kung sinu-sino yung mga yun. Sila Dexter, Claire, Kiel at isa pang mistisong lalaking ka-edad ko ata. Siya siguro si Felix. Nakita na ako ni Claire, tapos kumaway siya, kaso napatigil siya nung nakita niya si Earl. Parang naulit yung nangyari kay Earl kanina. Sabay pa silang natulala at namutla ngayon. Ano bang meron sa dalawang ‘to?

Tumakbo si Dexter sa direksyon namin. The next thing I knew, nagre-wrestling na sila ni Earl. Pero tumatawa naman sila kaya hindi ako kinabahan. Lumapit si Kiel sakin tapos inabutan ako ng supot ng butter cookies. May nakalagay na card, nung binasa ko yung nakasulat, “Sorry…” lang nakalagay. Eh bakit siya nagsosorry?

“Bakit ka nagso-sorry kung wala kang kasalanan?” sabi ko. Tapos di na niya ako pinansin. Ano kaya yun?

Bumalik na siya dun sa batuhan, si Claire naman, tulala pa rin pero kinakausap siya ni Felix. Inaaliw ata siya. Yung dalawang nag wrestling, tumayo na. Sila na lang yung tinignan ko, naguguluhan na ako eh.

“Sabi ko na nga ba makikita kita ngayon dude eh, akala ko tataguan mo kami ni Claire, and yet, you’re here! Macho at buhay na buhay!” sabi ni Dexter. Magkaakbay na sila. Oohh, bad romance.

Tumingin sakin si Earl tapos tumawa siya. “Akala ko nga si Ej si Claire eh, kaso narealize kong masyado siyang bata to be Claire. Haha. Kamukhang kamukha niya si Claire three years ago.” Tumingin siya sakin, ngumiti, tumingin kay Claire, yumuko, nag b-blush ba siya?

Nakaupo na kami sa batuhan nun, kaya naghanap na ako ng chance para tanungin si Kiel kung ano ni Claire si Earl. Umupo ako sa tabi niya, mag gagabi na, almost sunset. Nagulat ako nung bigla siyang nagkwento ng hindi ko naman tinatanong.

“It was three years ago, nung may dumating dito na dalawang teen ager na kasama ni Tito Eric. Bata pa ako nun, kaya hindi pa ‘ko masyadong nakikihalubilo sa kanila. Felix and I have a daily routine na magswim race mula dito hanggang sa kabilang beach.

12 lang ako nun 11 naman si Felix kaya wala pa kaming alam about love. Pero after a week, kami mismo, we saw what love is. Earl was 15 that time. And the two teens that I was talking about are Dexter and Claire. Unang linggo pa lang nila dito, close na sila Dexter at Earl. Lagi silang naglalaro ng basketball sa court, kami ni Felix nanonood lang. Oh, before I forget, pinsan namin ni Earl si Felix, anak siya ni…Tita Emma, yung kapatid ni Daddy na pabalikbalik ng States. Kaya siya English spokening dollar. Ang Mommy naman ni Earl, si Tita Bea, siya yung may ari ng buong resort.

Well anyway. Dahil nga magpipinsan naman kami, samin ikinu-kwento ni Earl yung love story nila ni Claire.” Tumingin siya sakin tapos ngumiti lang. Ok, alam ko na kung bakit sila ganun ka-ilang sa isa’t isa.

“What happened? Bakit bigla na lang silang nagkailangan?” tanong ko. Medyo malayo saamin sila Dexter pero naririnig kami ni Felix. Tumabi siya sakin tapos ngumiti, siya yung sumagot sa tanong ko.

“One day, Dexter got hit by a car. I bet you know that, but there’s the made-up story and the real story. The made-up story is that, a drunk customer drove at the wrong side of the road. No one filed a case or anything. Coz the real story is way much complicated than that.

We, me and Zik, was playing at the beach that night. We saw what happened; Earl broke up with Claire two days before his birthday. It’s because he thought he’s not yet ready for a serious relationship. Claire was in pain, emotionally. And Dexter, as her twin brother, confronted Earl to get the real story since Claire never told anyone what really happened. Just like her, Earl didn’t tell anyone why they broke up, there’s only me and Zik who knew the story. Dexter hated Earl for the longest week I’ve ever had. No one’s planning to talk to the two guys, that’s why we all got shocked when we saw them together at the beach. We thought they’re best buds again, but the next thing we knew, Dexter punched Earl. And Earl didn’t defend his self. He just let Dex kick his ass that way. I wanted to defend my cousin but this guy here told me to back off. I guess he has the widest understanding among us. Dexter run away that day and didn’t came back. We searched for him until nightfall and Zik saw him at the beach, covered with blood. That’s my part of the story, Zik’s the best story teller for the rest.” Tumingin ako kay Kiel tapos huminga siya ng malalim.

“So, yun nga, nakita ko si Dexter sa beach, pero hindi pa siya duguan nun. Nandito siya sa batuhan, after niya i-kwento sakin yung nangyari, dumating si Claire, tapos nalaman na din pala ni Claire yung nangyari kaya nagulat ako nung sinampal niya si Dexter. Tumingin siya sa kalsada tapos tumakbo si Dexter pero may rumaragasang sasakyan at the wrong side of the road. That was the time that he got hit by a car.”

“so totoo yung story na lasing yung nakasagasa sa kanya?” tanong ko naman. Eh pinahaba lang pala nila eh. Pero nagulat ako sa sagot niya.

“Yeah. Pero hindi siya yung masasagasaan nun. He saved Earl kasi nakatayo siya sa tapat nung sasakyan. Magpapasagasa sana siya kaso hindi niya natuloy kasi tinulak siya ni Dexter. And your brother got hit.”

“Bakit niya ginawa yun?” hindi naman porket kaibigan niya, siya na yung magpapakabayani. Nagulat ako sa sagot ni Kiel.

“Because of what he knew about Earl’s step father.” Ngumiti siya nung lumapit si Dexter sa amin.

“Hindi ko hahayaang mapahamak yung lalaking mahal ng kambal ko. At hindi ko hahayaang masagasaan ang soon to be step bro ko.” Ngumiti siya tapos tinawag na siya ni Earl. Natulala na lang ako. Ano daw?!