love stories my ME!!!

welcome to my blog!
hope you enjoy reading my stories!
watch out for the other chapters that will be published here soon!

02 June 2010

EAH chapter 5

***5***
[Zik]
At that very moment, hindi lang yung babaeng gusto ko yung natulala. Ako man nagulat din. Sino bang mag-aakala na yung taong biglaang nawala sa buhay mo, ay babalik sa isang di inaasahang pagkakataon? Gaya nung nangyari kanina habang naglalakad kami, bigla na lang tumulo yung luha niya. Gustong gusto kong punasan, pero hindi ito yung tamang time para maging sweet sa kanya. Kanina lang gusto ko nang makilala si Ryan, and now, he’s here! Mas gulat pa kesa saming lahat.

“J-Jay? I-ikaw ba yan? Anong ginagawa mo dito?” Yan yung tanong niya. Eh kung sapakin ko kaya to? Umiiyak na yung tao, tatanungin mo pa ng walang ka-kwenta kwentang bagay. Humawak ako sa balikat ni Eah, di lang para damayan siya, para rin mapigilan ko yung sarili kong masapak tong lalaking ito. Kung ano man yung ginawa niya kay Eah noon, sigurado akong nasaktan niya to ng todo todo, kasi hindi naman ‘to iiyak ng ganito kung hindi diba?

Naramdaman siguro ni Eah na nag-aalala ako sa kanya kaya hinawakan niya yung kamay ko. Akala ko pa naman assurance yun na ok siya, kaso tinanggal niya yung kamay ko. Rejection ba ‘to? Eh dinadamayan ko lang naman siya ah! Kumapit ako sa kamay niya, wala kang kawala sakin Eah, alam ko kung anong pakiramdam ng iwan ng mahal mo. Coz I’ve felt that. And I know how much support you needed.

“Kiel…” hinatak na ako ni Earl noon, “hayaan mo muna silang mag-usap, sasabihin ko sayo kung ano yung nangyari.” Tapos ngumiti si Eah, at binitawan na niya yung kamay ko. Parang naka-slow motion lahat. Pakiramdam ko nagpaalam na rin si Eah sa akin nun. Sa oras na makapag-ayos sila ni Ryan, ano nang mangyayari sakin? Dapat bang hayaan ko silang maging masaya sa isa’t isa? Eh nagawa na nga niyang iwan si Eah noon, paano ako makakasiguradong hindi na niya sasaktan yung babaeng mahal ko? Hindi ko naman pwedeng ipilit yung sarili ko. Argh! Bahala na nga, bahala na siyang pumili saming dalawa ni Ryan.

Sumama ako kila Earl sa loob ng bahay. Naiwan sa labas si Ryan at Eah. Hindi na nya ulit masasaktan si Eah, magtitiwala na lang ako sa magiging desisyon niya. I should wait. Pagdating namin sa loob, kumpleto nga kami. Hindi lahat ng nakatira sa bahay na to, iisang pamilya lang, karamihan samin magkakaibigan lang talaga.

“Earl, asan si…Tita Emma?” I’d rather call her that way. Hindi ko pa rin tanggap yung katotohanan. Lumapit naman siya sakin kaya hindi na sinagot ni Earl yung tanong ko. Nag-mano lang ako tapos dumiretso na ako sa tanong ko.

“Magtatagal rin ba kayo dito? Hanggang kailan?” Medyo rude, pero ganyan ako makipag-usap sa nanay ko…sa nanay namin ni Felix.

Yeah. Si Tita Emma ang real mom ko. At kapatid ko sa ina si Felix. Paano nangyari? Simple lang. Kapatid ni Daddy yung Daddy ni Felix, pero namatay yun nung 12 ako. Anak naman ako ni Dad, at ni Tita Emma. Yeah, naging sila noon, pero friends na lang daw sila ngayon. At dahil mas matanda ako ng isang taon kay Felix, ibig sabihin, naging si Dad at Tita Emma bago pa lang magka-anak si Tito at Tita, pero kasal na sila nun, kaya anak ako sa labas. Hindi pala simple yung story, pero lahat ng ito, nalaman ko 3 years ago, yun yung huling beses na nagpunta ako dito. Alam din ni Felix yung totoong story, but we prefer to treat each other as cousins, not brothers.

“Wala na kaming balak bumalik sa States. I’m planning to stay here for a while, pero sa iiwan ko rin si Felix dahil may kailangan akong asikasuhin sa Manila. Im happy na bumalik ka dito Kiel.”

Galit pa rin ako sa kanya dahil hindi siya nagpakita sa akin for 12 freaking years. For all I know, patay na yung nanay ko. And then bigla na lang aamin yung nanay ng pinsan ko na siya yung totoo kong Mommy? What the hell. Pero siguro nga mas ok na yung alam ko, rather than living in a life full of bulls. I don’t need a mother. Lalo na kung ganitong babae lang din naman.

Lumapit si Earl sakin. Eto na siguro yung binibida niyang “pagpapaliwanag”. Sa aming lahat naman si Earl lang ang marunong umintindi at magpaliwanag. Minsan lang talaga magaling akong magpanggap na naiintindihan ko kahit hindi. Umupo kami sa couch na malapit sa glass door. Nasa labas pa rin sila Eah at Ryan, nagsasalita siya pero hindi ko marinig. Nakatitig lang si Eah sa kanya. Nagsimula nang magpaliwanag si Earl kaya nakinig na ako sa kanya.

“Zik, alam mo naman kung anong estado ng resort namin. Isa kami sa pinakamayayamang pamilya sa lugar na to, and we’re famous not because of our wealth,”

“But because of what you do for other people. Ang pinupunto mo ba eh yung pagpapatira niyo dito ng mga taong hindi niyo kilala?” tinanong ko siya pero alam ko naman yung sagot.

“yeah, yun yung pinupunto ko, hindi namin sila kilala, hindi namin alam kung anong nakaraan nila, ang alam lang namin, hindi sila masamang tao. That’s what my mother thought me since I was young.
A year ago, isang normal day para saming lahat, dumating dito si Mama na may bitbit na binata. Ryan is a great kid, mabait, masipag, musician siya, magaling makisama, pero hindi nagku-kwento tungkol sa pinanggalingan niya. Masyado daw komplikado sabi niya. Pero wala naman kaming magawa ni Felix kundi manahimik na lang at wag magtanong.
Last month, nasa beach nun si Ryan, walang tao sa kwarto niya pero may tumutugtog na music. Si Felix yung nakarinig, papatayin niya na sana yung music nung mapansin niyang nakabukas din yung PC sa kwarto ni Ryan. And guess what, may screen saver siya na puro pictures nila ng ex girlfriend niya. Nung una, akala ni Felix si Claire yun kaya pinakita niya sakin, pero napansin din naming masyadong bata para maging si Claire. Dun na kami nangulit kay Ryan kung sino yun. He called her “Jay” dahil ata sa Ej. Kaya kanina, nung nakita ko si Ej, syempre inisip kong si Claire yun, pero narecognize ko din siya. Alam kong siya yung “Jay” ni Ryan. They never really broke up. Ang sabi ni Ryan, napilitan siyang umalis ng Manila dahil kailangan na niyang lumayo sa father niya na may ilegal atang gawain. He can’t take Ej kaya mas minabuti niyang umalis na lang ng walang paalam, kasi hindi niya kakayaning makita si Ej na nasasaktan. So he left, sumakay ng bus papuntang Batanggas, pero coincident lang yun, naging palaboy until makita siya ni Mama. He never stopped loving her. Maraming girls na ang nagtangkang landiin yang si Ryan, pero hindi naman niya pinapansin. But there’s the other reason why he left her. Pero hindi niya sinabi.” He stopped.

Huminto siya sa pagkwento, napansin siguro niyang hindi na ako interesado sa lovelife ni Ryan. Nakakaawa naman talaga yung nangyari kay Eah at Ryan, until now mahal pa rin niya si Eah and he never gave up. Pero bakit ganun? Parang may galit pa rin ako kay Ryan na hindi ko ma-pin point kung saan nanggagaling. Ano nang mangyayri ngayong nandito na rin si Eah? Magiging sila na ulit? Happily ever after? What about me? Kasalanan ko rin siguro tong nangyayari sakin, in the first place, ako lang naman ang in love, ni-hindi ko man lang nasabi sa babaeng mahal ko na mahal ko siya. Hindi man lang ako nagkaroon ng chance para mapakita sa kanya that I care about her. Im too coward to leave her, I’ll never be brave enough para saktan siya.

Nagulat kaming lahat nung biglang pumasok si Eah sa bahay, tumatakbo siya habang umiiyak. Hindi ko alam kung anong gagawin. Sumisigaw pa sa likod niya si Ryan ng “Jay”. Lalapitan ko na sana si Ryan para sutukin. Kaso…tumatakbo pala papunta sakin si Eah, sabay pa yung pagtayo ko at yung pagyakap niya sakin. I felt stupid. Bakit ba kasi inuuna ko pa yung galit ko kay Ryan kesa pagintindi kay Eah.

“E-Eah… si-sige, iiyak mo lang yan.” Nabubulol pa ko sa sinasabi ko. It’s good to know na sakin tatakbo si Eah pag malungkot siya. Kung ano man yung sinabi ni Ryan na nakapagpaiyak sa kanya ng ganito, bukas ko na yung aalamin. He need to pay for making my girl cry.

“Kiel, i-akyat mo na si Ej sa kwarto niya, katapat yung ng kwarto mo, nandoon na lahat ng kailangan niya. I think it would be better kung doon mo siya ico-comfort. Masyadong crowded tong living room.” Tumango naman ako kay Daddy tapos inalalayan ko si Eah paakyat ng hagdan, nakita ko pa si Dexter na papalapit kay Ryan. Nung makarating kami sa kwarto niya, hindi na siya umiiyak. Gumaan naman yung pakiramdam ko nun, kaso nung nakaupo na kami sa kama niya. She smiled, parang mas sumama pa yung pakiramdam ko. Is this smile for me? O para dun sa sintu-sinto niyang ex boyfriend?

“Kiel. All these years, akala ko hindi na niya ako mahal kaya niya ‘ko iniwan. I never thought na hindi pala ako yung dahilan kung bakit siya umalis.” Masayang masaya siya.

Natulala lang ako. Akala ko umiiyak siya kasi galit siya kay Ryan, or hindi na niya mahal si Ryan. Hindi pala. Tears of joy? Sobra sobra na talaga yung disappointment na nakukuha ko ngayong araw na to. Sobrang sakit na ng dibdib ko ngayon. Pakiramdam ko, magco-collapse na ko sa susunod na sasbihin niya. Please Eah, wag mong sasabihing kayo na ulit, please lang. Hindi ko nakakayanin yun.

“Kiel, nakikinig ka ba? Hindi ako iniwan ni Ryan! Hindi niya ko pinagsawaan! We didn’t broke up!” She’s telling me this na parang ako yung best friend forever niya

“Yes you did.” Kiel, wrong answer kiel, wrong answer!!! Sana nanahimik ka na lang.

“No. We did not.” Nabadtrip na ata siya sakin. Humiga siya tapos nagtalukbong. Kung ganito lang din kabilis ang lahat. Hindi ko i-gigive up yung babaeng mahal ko. Palakasan na lang yan ng loob Kiel! Tumayo ako, palabas na sana ng kwarto niya. But I won’t give her up. Kalmado ako nung sinabi kong;

“Yes. You did split up Eah! Iniwan ka niya ng walang pasabi, sinaktan ka, pinaiyak, tapos ngayong may bagong buhay ka na, kung kelan nakalimutan mo na siya, kung kelan may iba nang handang magmahal sa zombie na minahal niya noon. Bakit ngayon pa siya babalik at sasabihing kayo na ulit? Kung kelan nililigawan na kita at wala na siyang magagawa?! Bakit ngayon ka pa naging tanga Eah? Bakit ngayon pang mahal na mahal na kita? O sige, kayo na nga, pero ano nang mangyayari sakin ngayon?”

Tinanggal nya yung kumot niya tapos tinitigan lang niya ko na parang pang-alien yung sinabi ko sa kanya.

“Anong sabi mo?” tinitigan ko lang siya na parang pang alien din yung sinabi niya. Alam kong napansin niyang malungkot ako sa nangyayari, pero hindi niya pa rin tinigil yung pagkwento kung gaano siya kasaya sa Ryan na yun. Hindi ko na kinaya kaya nasabi ko sa kanya yung feelings ko. At nagsisisi ako sa pag-amin na yun. Sana nanahimik na lang ako. Ngayon confirmed na talagang mahal ko siya. Mahal na mahal.

“Sabi ko, tanga ka!” tapos lumabas na ko sa kwarto niya. Pumasok ako sa kwarto ko, I didn’t bother to come down kahit pa si Eah na yung tumatawag sakin para kumain. Medyo papansin din ako eh, ako pa ngayon yung nagmamaktol kahit siya dapat yung kino-comfort. Eh hindi naman na din niya kailangan yung pagcomfort eh. Masayang masaya na sila ni Ryan niya, and I was the one who felt miserable and alone. Hindi ko na dapat ipakita na apektado ako. Kung mahal niya si Ryan, fine! Kung gusto niya yung taong mapagparaya, edi magpaparaya na din ako. Let’s see kung sinong hindi kayang mawala ni Eah.

Kinabukasan, hindi ko pa rin pinapansin si Eah. Hindi naman din niya ko pinapansin, mas ok na siguro yung ganito, kung mahal niya si Ryan, at wala na talaga akong magagawa, mas ok na yung sanay akong makisama sa kanya ng ganito. Lumapit sila Felix at Dexter sakin, tapos inalok nila akong magswimming kasama nung iba.

“It would be fun Zik! And we will finally see Ej on bikini! Right Claire?” mas excited pa ata si Felix na makitang naka-bikini si Eah kesa magswimming na kasama kami. Nag-thumbs up lang si Claire tapos umalis na. Akala ko pa naman si Ryan lang yung karibal ko kay Eah, pati pala si Felix.
“Tsaka matagal tagal na din tayong hindi nakakapagswimming ng magkakasama diba? Tatawagan daw ni Earl yung ibang girls para may kasama tayo.” Kakaiba din yung ngiti nitong si Dexter. Akala ko pa man din loyal sa girlfriend niya tong mokong na to. Wala naman akong magagawa, imbis na magmukmok ako sa kwarto ko, bakit nga ba hindi na lang ako magswimming, pantanggal stress din yun.

“NO WAY CLAIRE!” sumisigaw na bumaba ng hagdan si Eah, kasunod niya si Claire.
“That’s Ate Claire from now on. Hindi tayo sa simbahan pupunta Ej. Mags-swimming tayo. Ano bang masama sa pagsuot ng bikini?” pasigaw din si Claire. Wala na ba silang alam gawin kundi magsigawan sa bahay na to? Dumadagdag lang sila sa sakit ng ulo ko.

Tumingin sakin si Eah, tapos iniwas na niya ulit nung nakita niyang nakatingin ako. Kumakain ako nun ng butter cookies habang nakikinig ng music sa iPhone ko. Kahit head phones ako, rinig na rinig ko pa rin sila. Nakahiga lang ako nun sa couch habang nagbabasa naman ng libro si Earl sa tapat ko. Si Felix at Dexter, kumakain na sa kitchen, yun lang naman alam nilang gawin eh. Bumaba na si Eah tapos hinablot yung hawak kong plastik ng butter cookies. Yun na lang ata laman ng tiyan ko ngayong mga nakaraang araw. Yun at coke. Tinitigan ko siya ng masama. Usually naman mapagbigay ako sa kanya, pero hindi pag stressed ako. Hinablot ko ulit kaya nagulat siya. Akala niya siguro galit ako sa kanya kaya naging worried yung itsura niya. Tumalikod na lang ako at naglakad papunta sa beach. Pero huminto ako bago makalabas, lumingon ako sabay ngiti.

“Kumuha ka na lang sa kwarto ko Eah. Marami pa dun sa drawer ko. Kuha ka na din ng dalawa pang coke sa ref.” Tapos talikod na ulit. Pero bago pa ako makalabas tinawag niya ko. Lumingon ako, nakangiti na siya.

“Kiel! Saang drawer, yung blue o yung black?” nag-isip naman ako.

“Black. Yung coke nasa ref sa kitchen, unahan mo na sila Dex, baka maubusan ka.” Tumalikod na ulit ako. Pero tinawag ko siya ulit. This time, hindi na ako lumingon.

“Eah!” hindi ko alam kung lumingon siya pero sumagot siya ng “oh?”

“Sumunod ka sakin sa batuhan. Dun na lang tayo tumambay kung ayaw mo magswimming.” Tapos nun lumabas na ako ng nakangiti. Akala siguro ng mga tao nababaliw na ako. Siguro nga, baliw na ko kay Eah. Baliw na baliw.

No comments:

Post a Comment