***8***
[Eah, present year]
2 years, 1 month and 2 weeks simula nung iniwan ako ni Kiel. I’ve been miserable for the whole summer. Hindi na kami umuwi sa manila dahil hanggang ngayon, umaasa pa rin akong babalik siya dito sa lugar kung saan nabuo yung maikling pagmamahal na meron ako para sa kanya.
Nasagot nga lahat ng tanong ko nung summer na yun, pero kapalit nun, mas marami pang tanong ang nabuo sa isip ko. Nasaan si Daddy? Bakit siya umalis dito? Bakit hindi siya bumalik? Nasaan na si Kiel? Bakit niya ako iniwan kung kelan handa na akong mahalin siya ng buong buo? Bakit kailangan niyang umalis at bakit hindi pa siya bumabalik? Mahal pa ba niya ako?
Marami na ring nagbago after 2 years. Bukod sa permanent na kaming magkakapatid dito, napatawad na nila Claire si Tita Bea, ganun din siya. Natapos ng pag-aaral si Claire at Earl at nagpakasal after graduation. Umuwi si Ryan sa Papa niya at sinundo si Hannah. Bumalik sila last year dito at permanent na rin sila sa resort. Nagkabalikan si Dexter at Hannah at magpapakasal na rin next year, si Ryan naman, naging sales supervisor ng Keila Resort. Si Felix, nasa Amerika na ulit pero uuwi na dito next week for good. Sikat na swimmer na siya at marami pa ring babae ang naglalandi sa kanya.
And as for me, naging bestfriend ko si Tita Emma, sa kanya ko nalaman halos lahat ng bagay na hindi nakayang sabihin ni Kiel noon. Tulad ng pagiging next family nila kahit na matanda siya kay Felix. Kasal na kasi yung papa ni Felix kay Tita Emma nung nagka-affair sila ni Tito Eric. Oo nga pala, nagpakasal na rin sila last year. Daddy na rin ang tawag ni Felix kay Tito at hindi na unico hijo si Kiel. Si Mommy naman, naging permanent na sa Boracay, pero dumadalaw siya samin. May naging boyfriend siya na kano pero hindi pa sila nagbabalak magpakasal. OA yun ah.
Ako lang siguro yung walang napala sa 2 taon na tinagal ko dito. 1st year college na ako sa sikat na music school sa Batanggas sa susunod na pasukan. Naging kwarto ko na yung kwarto ni Kiel, nandun pa rin yung gamit niya, kasi, umaasa pa rin akong babalik siya. Alam ko, at the right time, babalik siya.
“I never questioned your love for him Eah, but what I don’t understand is why do you kept on rejecting opportunities?” sabi nung lalaki sa likod ko, nakaupo ako nun sa isang café sa airport. Susunduin ko sana si Felix pero late siya.
Nung lumingon ako, nandun na si Felix. Alam ko namang siya yun, umaasa lang akong yung isa… Tumayo ako at yumakap sa kanya. Medyo malaki na yung tinangkad niya, hindi pa rin siya magaling magtagalog, pero marami nang nagbago sa kanya. Minsan nga namimiss ko yung Felix na masayahin at walang problema sa buhay. Yung Felix sa harap ko masyadong naging seryoso pagkatapos umalis ni Kiel. Hindi lang ako ang naapektuhan sa pag-alis niya, infact, lahat kami nagbago. Si Tito Eric, parang walang pakielam sa anak niya, nagdududa na nga akong alam niya kung nasan si Kiel, pero sabi lang niya, malaki na yung anak niya.
Yumakap din si Felix sakin ng mahigpit na mahigpit, yung hindi na ako makahinga, eto ang di nagbago saming dalawa, sweet man kami sa isa’t isa, may halong pangaasar pa rin pag magkasama kami.
“I’ve missed you Eah, how I wish I could crush you into pieces.” Tumawa naman ako. Naglakad na kami papunta sa kotse niya. Yeah, may kotse siya sa labas, si Dexter yung nagdrive.
“Why did you reject the Yale scholarship? Don’t you know that you’re a musical genius?” umarte siya na parang nagva-violin. Hindi naman sa pagyayabang, pero marami nang scholarship na inoffer sakin, galing man dito sa bansa, o galing pa sa amerika (si Felix ang may kakagawan nun), lahat tinatanggihan ko.
“You perfectly knew why Lix, I don’t wanna miss his homecoming, and besides, im not the only musical genius that deserves a scholarship.” Nalungkot naman kami pareho, bukod sakin, may isa pang musical genius na deserving talaga sa kahit anong scholarship…kung marami man akong alam tungkol sa music, dahil yun kay Kiel. Dahil sa mga cd, libro at notes na meron siya sa kwarto niya.
“Still no news? It’s been 2 years, if he’s gonna come back Eah, that would be a miracle!”
“Hindi pa siya ready pra bumalik, yun lang ang dahilan kung bakit hanggang ngayon wala pa siya. At kung himala man ang pagbalik niya, I do believe in miracles!” naiirita na ko sa kanya, napaka insensitive ata ng mga tao ngayon?
Halos lahat ng tao sa resort, sinasabing itigil ko na yung paghihintay, pero hindi nila naiintindihan. I don’t want to quit, I’ll never leave. Para kay Kiel, I’ll stay here hanggang sa bumalik siya.
2 years, 1 month, 3 weeks and 4 days simula nung umalis siya. I hate waiting, pero what can I do? Mukhang hilig kong gawin yung ayaw ng isip ko. Nakaupo na naman ako sa batuhan namin. Kalahati ng araw ko, ginugugol ko sa pag upo dito. Marami mang magsabing tigilan ko na, mukhang wala sa bokabularyo ko yun sa ngayon.
Sa oras na bumalik siya, hindi ko na hahayaang mawala pa siya, hindi ko hahayaang iwan niya ako ulit. Marami na akong sinakripisyo sa kanya, at alam kong ganun din siya.
“Ayoko sanang sabihin sayo to dahil nangako kaming lahat sa kanya, pero after two years, I guess sapat na yun para maging ready siya…” nakatayo si Earl sa likuran ko, hindi ko siya napansing pumunta dun, pero ganun naman ako lately, walang napapansin.
“Spit it out Earl, what do you wanna tell me?” lumingon ako sa kanya, may hawak siyang magazine at inabot niya sakin. Magazine? Anong gagawin ko dyan? Hindi naman ako nagbabasa ng magazine, I don’t even read at all.
“Anong gagawin ko dyan?” tinitigan ko lang, pero may napansin ako, hindi ko na hinintay na sabihin niya, hinablot ko at binasa yung title: ‘Music is my LIFE’ yung title nung foreign magazine, pero hindi yun yung nakakuha ng atensyon ko, yung cover… siya nga ‘to! “Exekiel Alcantara, pianist of the year”
“2 years ago, nung araw na nagpaalam siya, determined na siyang umalis noon, may ticket na siya papuntang amerika. Nakakuha kasi siya ng scholarship sa Yale noon. Yun yung dahilan kung bakit pinipilit ka ni Felix na pumunta ng Amerika, at kung bakit dine-descourage ka namin na maghintay.Hindi ka dapat naniniwala sa motto ni Kiel na ‘if you really want something, you should learn to be patient’, hindi yun tama, kung gusto mong makuha yung gusto mo, gagawa ka ng paraan, hindi ka lang basta maghihintay. Pero sa sitwasyon ngayon, wala nang Felix na tutulong sayong makapasok sa schools sa Amerika, nireject mo na yung huling pag-asa mo na university. Wala na kaming communication kay Kiel at wala kang ginawa para hanapin siya.”
Tumulo yung luha ko, hindi ko man lang naisip na hanapin siya. For two years, naghintay lang ako. Ngayon, wala nang pag-asa para hanapin siya, wala na kong scholarship para makapunta ng Amerika, wala na si Kiel sa buhay ko. At dahil yun sa katangahan ko, sa pagaakala kong babalik siya. Bakit nga ba hindi ko naisip na hanapin siya? Natatakot ba akong baka ireject lang din niya ako? Dahil nga ba yung pagbalik niya ang magiging simbolo na mahal pa rin niya ako. Kapag hinanap ko siya at nireject niya ako, hindi ko na alam kung makakaya ko pang mabuhay. Most probably, magpapakamatay ako kapag sinabi niyang hindi na niya ako mahal. Pero kapag hinintay ko siya at bumalik siya, ibig sabihin, mahal pa rin niya ako.
“Kung…wala na talagang pag asa para hanapin siya, ano pa bang chance na bumalik siya? Masaya na rin siguro siya sa Amerika, nakalimutan na nya ko…kaya hindi na siya bumalik.” Tumayo ako sa harap ni Earl at ngumiti ng nakakaloko. To tell you the truth, bangin yung batuhan na sinasabi ko noon, 15 ft. above the ground yun. Hindi ako mamamatay kapag nahulog ako, pero mamamatay ako sa lunod kapag hindi ako lumangoy.
“Eah, hindi mo pa kasi ako pinapatapos…” Hindi ko nga siya pinatapos, nagpahulog na ko sa bangin. Ang sarap nung feeling habang nahuhulog, parang nawawala yung problema ko. Lagi kong nakikita noon si Felix at Kiel na tumatalon dito, pero swimmers sila. Ako, runner, marunong lumangoy, pero hindi ko susubukan. Lumubog ako sa tubig, narinig ko yung boses niyang tumatawag sa pangalan ko, ganun ata talaga kapag mamamatay ka na, naririnig mo yung boses ng taong pinakamamahal mo. Wala nang saysay yung buhay ko kung hindi ko na rin naman makikita si Kiel. I love you Kiel…until my last breath.
“2 years, 1 month, 3 weeks and 4 days Eah at napaka stupid mo pa rin!” nagising ako sa boses niya. Nasa langit na ba ako? Akala ko ba buhay ka pa? Bakit nandito ka rin? Dinilat ko yung mata ko, nananaginip lang ata ako, basang basa siya at buhat buhat niya ako. Nakatingin siya sa daan habang naglalakad. Kung panaginip lang to, ayoko nang gumising. Pero kung panaginip to, yung itsura niya dati ang makikita ko, hindi ganito.
Mature na yung mukha niya, pero mapapansin mo pa rin yung pagiging pilyo sa mga mata niya. Tumingin siya sakin, nakakunot yung noo niya. Pero nag-smile siya, yung paborito kong smile, yung nakakatunaw. Parang kahapon lang nung nakilala ko siya at ngumiti siya ng ganito sakin.
“Ngumingiti ako dahil alam kong mahal mo ko kaya ka tumalon, pero hindi ako natutuwang isipin na magpapakamatay ka para lang sakin, eh ni-hindi nga ako namatay. Tingin mo ba kakalimutan talaga kita? Iniwan nga kita dahil hindi pa yon yung tamang oras para satin.”
Umiiyak na ko nun, alam kong hindi yun panaginip kasi nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. Kung hindi yun yung tamang oras para samin, kelan? Kapag sikat na siya at wala na kong puwang sa puso niya? Kapag tuluyan na niya akong nakalimutan?
“Hindi mo man lang kasi pinatapos si Earl! Bakit ba kasi kailangan mong tumalon? Nasa beach lang naman ako eh, hinihintay ko lang yung signal ni Earl sakin para umakyat dun sa batuhan, nagulat na lang ako nung biglang may nahulog sa tubig kaya napatakbo ako.”
Humahagulgol na ko nun. Ang pangit ko siguro kaya nagtawanan sila Dexter nung pumasok kami sa bahay. Ibinaba ako ni Kiel sa tapat ng kwarto ko tapos tinakpan niya yung bibig ko.
“Wag ka na ngang umiyak dyan, mamaya isipin pa nila kung anong ginawa ko sayo, tatanggalin ko yung kamay ko, wag ka nang iiyak ahh” tinanggal niya yung kamay niya, tapos parang reflex lang naming dalawa, we kissed each other.
Yun yung first kiss ko, sa first true love ko. Hindi ko akalaing ganito pala kasaya yung pagkikita namin. Nagpalit na ko ng damit at bumalik sa kwarto niya, nakahiga siya sa kama niya, naka black sya na t-shirt at walking shorts, ako naman, naka black na sando at naka shorts. Anong meron sa black?
“upo ka dito” tinapik niya yung space sa tabi niya. Umupo naman ako sa tabi niya, umayos siya ng upo at pinatugtog niya yung same song na kinompose niya para sakin.
“Noon, hindi pa ako ready para sa relasyon, natakot ako na baka mangyari satin yung nangyari sa inyo ni Ryan, natakot akong baka masaktan lang kita. Perfect timing yung pagtanggap sakin sa Yale, perfect yung pag amin ni Ryan sayo, perfect yung timing ng lahat. Ang problema lang, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo lahat. Naduwag akong sabihin yung totoo, tulad ng sinabi ko sayo, hindi pa ako ready na magsakripisyo para sayo. Hindi ko pa kayang iprioritize ka. Hindi dahil hindi kita mahal, kundi dahil mahal kita at alam kong sa oras na piliin kita, makakalimutan ko na lahat ng bagay, pangarap ko, pangarap mo, yung ibang tao. Kaya pinili kong maging mas deserving sa pagmamahal mo. Pinakiusap ko sa kanila na wag sabihin sayo dahil alam kong susundan mo ko kapag nalaman mo kung nasaan ako. Pero nung kaya ko na ulit na harapin ka, ayaw mo namang tanggapin yung scholarship sa Yale. Kaya napilitan kami ni Felix na umuwi dito. Umiwas muna ako sayo ng ilang araw, pero ngayon, nandito na ulit ako, at babawiin ko na nga pala tong kwarto ko, unless gusto mong ishare.”
Ngumiti ako sabay iling.
“iyong iyo na, isa pa, naubos na rin naman yung stock mo ng butter cookies kaya kailangan mo na ulit punuin yung mga taguan mo.”
Tumayo ako tapos hinanap ko yung huling plastic ko ng butter cookies, inabot ko sa kanya tapos bumalik ako ulit sa tabi niya. Eto na siguro yung sinasabi nilang true love. Whatever happens, ano mang pader ang magtangkang maghiwalay sa inyo, hangga’t nagmamahalan kayo babalik at babalik kayo sa isa’t isa.
Sunsets never failed to amaze me. Kahit ilang beses ko na siyang napanood sa beach na ‘to, lagi pa rin akong namamangha sa ganda niya. For me, isa ang panonood ng sunset sa pinaka-romantic na bagay na naranasan ko sa buhay ko. The very minute na mapanood mo yun, especially if you’re with someone you love, you would certainly feel the magic of it. Two years ago, dito mismo sa lugar na ‘to, I’ve met that someone.
Nakaupo na naman kami sa batuhan nun. Pero this time, kumpleto na kami. Ako, si Kiel, Dexter, Hannah, Claire, Earl at ang bagong magbestfriend, sila Ryan at Felix. Maraming nagdaan sa buhay namin, at marami pa ring mga problema ang dadating, pero hangga’t naniniwala tayong makakaya natin, walang problemang hindi natin malalagpasan.
Ako nga pala si Eah, music lover, track and field runner, valedictorian, suki sa grocery ni Aling Nena, walking and talking corpse, bestfriend ng pinaka magaling na swimmer sa mundo, kapatid ng pinaka magaling na marketing manager sa buong Batanggas, weirdo paminsanminsan…at higit sa lahat, engaged kay Exekiel Alcantara, pianist of the year, 2nd na pinakamagaling na swimmer sa mundo, at mapagmahal na fiance ng isang zombie.
***THE END***
No comments:
Post a Comment