Chapter 1: ADMIN [Paula]
May mga tao sa buhay natin na minsan, hindi natin kayang pakawalan kahit nasasaktan na tayo. Nasasabihan pa tayong tanga ng ibang tao dahil nagtitiis tayo kahit na alam nating wala nang pag-asa. Pero sa buhay, walang permanente, lahat ng hindi natin kailangan, dapat nating bitawan, lahat ng hindi para sa atin, kailangan nating pakawalan, dahil may ibang tama para sa atin at may ibang tama para sa kanya.
Yan ang status message ko sa fan page na “MOVE ON” sa Facebook. Admin kasi ako dun, at madalas, ako yung natatakbuhan ng mga fans nung page para manghingi ng advice about moving on. Hindi naman ako love expert or anything, magaling lang talagang magpayo sabi nung iba, pero ang totoo kasi, lagi akong naloloko at napapaasa kaya sanay ako sa usapang moving on. Nung una, nagco-comment lang ako sa mga post nila, sasabihin ko kung anong gagawin ko kung ako yung nasa sitwasyon nila, yung iba natutuwa dahil sinunod daw nila yung payo ko at nag work daw, naka move-on sila. Pero may iba ding kahit anong payo ang ibigay ko, laging may reasons, natatakot siguro silang baka maka-move on nga sila. Eh kung ganun lang din bakit pa sila sumali dun sa fan page?
Marami na rin akong nakilala dahil sa pagiging admin ko. Yung ibang natulungan ko, naging kaibigan ko na rin. Nakaka-chat ko sila, yung iba nakakatext ko pa nga. Pero marami din akong naging friend sa fan page na yun na nanligaw sakin, maganda daw kasi ako…sa picture. Hindi ko naman sila kilala kaya hindi ko na lang pinansin, sigurado naman akong hindi sila papasa sa standards ko. Una, hindi ko nga sila kilala eh. Pangalawa, masyadong mabilis yung process of falling in love nila. Grabe naman kaya yun, natulungan ko lang silang mag move on tapos ako na mahal nila? WTH?? I mean, what the hell? Pangatlo, mas gusto kong nililigawan ako ng personal, hindi yung sa chat lang, kaya yung iba, pinagbibigyan ko na lang. Sabihan man nila akong paasa, magpapaligaw tapos wala pa lang balak sagutin yung tao, sabihan man nila akong flirt or play girl, wala na kong pakielam, in the first place, sila naman yung most likely eh manloloko, kapag sineryoso ko sila, ako naman yung lolokohin nila.
Pero kahit may certain standards ako, marami akong kino-consider na special friends. Sila yung medyo matagal ko nang kaibigan sa facebook. Yung iba nakita ko na, pero karamihan, hindi pa talaga, sa picture pa lang. Special friends ko sila dahil sila yung sigurado akong mahal ako. Sila kasi yung mga naka-build na ng tiwala ko, hindi nila ako binobola or anything, nakikipag kaibigan lang talaga sila. I even consider them as my best friends. Ganito nga siguro kapag wala kang social life sa personal, nasa internet yung mga kaibigan mo, hindi mo kilala pero sinasabihan mo ng problema, hindi mo pa nakikita pero nasasabi mo na na kaibigan mo sila.
Ako nga pala si Paula, incoming freshman sa college at oo, facebook addict ako. Wala pa sigurong 5 months simula nung gumawa ako ng account sa facebook, medyo late na nga ako sa uso eh pero nasa 900+ na yung mga friends ko ngayon, accept lang kasi ako ng accept kapag may nag add. Kaka-graduate ko lang sa high school last week kaya masasabi kong nawala yung social life ko. Hindi na din kasi ako gumagamit ng cellphone kasi nga ang daming nagte-text na hindi ko naman kilala, kaya wala na akong contact sa classmates ko noon, pero ayos lang, hindi naman kami close eh. Hindi rin ako pala-labas ng bahay kaya wala akong kaibigan sa village namin.
Araw-gabi nasa tapat lang ako ng computer namin, facebook sa tanghali, YM sa gabi, tapos facebook ulit sa madaling araw. Automatic na rin na alas tres ng umaga yung tulog ko. Yan ang pang araw-araw na buhay ng isang Paula Guisano, internet buong maghapon, boring, lalo na ngayon na walang pasok dahil sa summer vacation. Nagsasawa na rin ako sa facebook, at sa mga taong hirap mag move on. Sana naman may makilala akong lalaki na hindi ako bobolahin at hindi ako lolokohin. Sana nga sa facebook ko mahanap yung lalaking tama para sakin.
Pero isang araw, nagulat ako sa dami ng comment dun sa post ko, eh wala pa namang 30 minutes simula nung pinost ko yun. Nung binasa ko yung unang comment, natawa ako.
“Pea-G, matanong ko lang ahh, na inlove ka na ba ng todo?”
Pea-G yung codename ko sa page namin, wag niyo na alamin kung bakit. Natawa ako kasi siya pala yung dahilan kung bakit 60+ yung comments sa post ko. Lahat kasi sila nagtanong din kung na-inlove na ba ako ng todo.
“Oo nga Pea-G, lagi mo kaming tinutulungan sa pag move on, may pinaghuhugutan ka ba?”
“Pea-G, sagutin mo naman yung tanong namin oh, interesado lang kami sa love life mo.”
“Pea-G, nasan na ba yung bf mo? Meron ba?”
“Pea-G..blah, blah, blah”
Nung natapos ko nang basahin lahat ng comment na actually eh puro oo nga lang, sinimulan ko na yung mala-nobela kong reply. At sinimulan ko dun sa unang nagcomment, si Nico.
“@ nico, chat, now na. --Pea-G--“
Hindi ko pa napag-iisipan kung sasabihin ko ba talaga sa kanila yung totoo o hindi, pero hindi na ako nag-reply sa iba, lumabas na kasi sa chatbox si nico. Pamilyar talaga yung itsura niya, kaso di ko maalala kung san ko siya nakita or nakachat.
Nico: hi!
Paula: hi din :P
Nico: Paula pala name mo, im nico.
Paula: pansin ko nga, nababasa ko eh. >:P
Nico: sasagutin mo na ba ko? :/
Paula: huh? What do you mean?
Nico: yung tanong ko kanina, na inlove ka na ba ng todo?
Paula: ahh, yun ba, bakit mo nga pala natanong?
Nico: ang hilig mo kasing mag payo, pero na inlove ka na ba?
Paula: oo naman, sa tingin mo san ko huhugutin yung payo ko kung hindi ko pa naranasan yun?
Nico: ewan, sa tv? Baka naman akala mo lang mahal mo xa pero hindi pala.
Paula: huh? Hindi kita na gets
Nico: naniniwala kasi akong kung mahal mo talaga yung tao, hindi mo siya dapat pakawalan, dahil hindi lang ikaw ang pwedeng masaktan, malay mo siya din pala nasasaktan.
Paula: Nico, wala akong pakielam kung magkaiba tayo ng paniniwala, pero ang masasabi ko lang, alam ko kung anong pinapayo ko, kapag iniwan tayo ng mahal natin, tama lang na mag move on tayo, dahil hindi unlimited ang buhay, at kung sasayangin natin ang buhay natin para sa taong iniwan tayo, walang mangyayari satin.
Nico: hindi ka pa nga naiinlove ng todo. Hindi mo pa alam yung feeling ng umaasa dahil may tiwala ka sa taong mahal mo, kung mahal mo yung tao, maiintindihan mo siya, at kung wala na talagang pag asa, hindi naman ganun ka dali mag move on. Yung mga payo mo kasi para sa mga taong umasa, hindi sa mga taong in love.
Paula: Napayuhan na ba kita?
Nico: hindi pa, first time nga kitang makausap eh.
Paula: well nico, payo lang, mind your own business.
Nico: ouch! Well, siguro nga, hindi na kita papakielaman, but remember, im watching you.
Paula: bye nico! :P
Nico: bye paula, goodluck sa advice mo…amature!
Pinatay ko na yung computer kahit di ko pa nila-log out yung facebook ko, hindi ko na rin shinat down, pinatay ko na lang yung CPU. Tapos… tumak bo na ko sa kwarto ko at umiyak.
Tama naman siya eh, amature ako, hindi madaling mag move on, bakit ba kasi pinipilit ko pang mag payo, eh kahit naman ako hindi pa nakaka move on. Pero mali siya sa isang bagay, nainlove na ko…ng todo. Hindi ko na alam kung anong nangyari sakin kagabi, basta sunod na alam ko, nasa kwarto na ko ni Kuya Arnold, nangangalikot ng mga cd.
“Pau, ok ka lang? namamaga pa yung mata mo oh.” Humarap naman ako sa salamin niya, oo nga, umiyak nga pala ako kagabi. Magang maga yung mata ko, bakit nga ba hindi ako tumigil? Iniisip ko na naman ba yung sinabi nung nakakainis na lalaking yun? O iniisip ko na naman ba yung ex ko? Nagulat na lang ako nung hinawakan ako ni kuya sa balikat, tapos inalog alog ako.
“Pau! Ok ka lang? Gumising ka nga! Ay mali, matulog ka nga muna dun, ang aga aga mo kasi gumising eh! 5 am pa lang kaya!”
Tumingin naman ako sa relo niya, oo nga maaga pa, ni-hindi pa nga sumisikat yung araw pero nanggugulo na ko kay kuya. Tumayo ako tapos lumabas ng pinto, sinundan lang niya ako ng tingin, iniisip siguro niya ang weird ko, na nababaliw na siguro yung kapatid niya.
“Sorry kuya ah, matutulog na lang siguro ako. Peram muna nito ah” tinaas ko yung cd na nahalungkat ko sa drawer niya. Tumango lang siya tapos sinara ko na yung pinto. Pati ata lumakad papuntang kwarto tinatamad ako. Ganito na ba talaga ako ka-depress kapag iniisip ko siya? Ganito na ba kahirap mabuhay kapag nawala yung mahal mo? Hindi alam ni Nico yung sinasabi niya, hindi niya alam kung gaano kasakit yung naranasan ko. Hindi niya pa siguro naranasan yung naranasan ko. Di pa siguro siya umasa at na disappoint, di pa siguro siya nagmukhang tanga. Di pa siguro siya napahamak para lang sa taong mahal niya. Hindi ko akalaing may maglalakas ng loob na sabihin sakin yun. Sino ba siya? Kilala niya ba ko?
Naalala ko yung picture niya, kilala nga siguro niya ko. Hindi ko pa rin alam kung san ko siya nakita, pero sigurado akong nakachat ko na siya. Friend ko na nga siya sa facebook eh. Pero bakit hindi ko alam kung sino siya? Bakit di ko siya maalala?
Hindi na rin ako nakatulog nun, 5 am pa lang nasa tapat na naman ako ng computer, tinignan ko yung online friends, 8 lang. 7 hindi ko kilala, ang guess kung sino yung isa…
Si Nico.
No comments:
Post a Comment